Avatar! Akala ko ay ito ang inaabangan ko na pelikula tungkol sa huling air bender na hango sa isang cartoon show the legend of Aang. Ako ay nagkamali. Ito ay iba sa naisip kong kwento.
Kahapon ay napagdesisyunan namin na pumunta sa Megamall upang mamili ng mga ipangreregalo sa mga inaanak at mahal sa buhay tulad ng pamilya. Kami ay nagtungo sa mall matapos ang aming shift. Nakabili na ng ipangreregalo at doon din ay napagpasyahan namin na panoorin ang Avatar. Ang next show ay 7pm at 15 minutes nalang ang nalalabi at mag-uumpisa na ang palabas kaya napagdesisyunan namin na bumili nalang ng makakain at dalin ito sa loob ng sinehan. Di na kami makabili sa Jollibee kaya nagtiis nalang sa popcorn, donut at footlong.
Akala ko nung una napakacorni ng palabas dahil hindi siya Avatar the last air bender. Pumasok kami sa sinehan na kakaumpisa palamang. Isinasaad palang ng bida ang tungkol sa planeta ng pandora. Ang bida ay isang lumpong sundalo na sasabak sa ibang planeta. Sa aking isipan, anu nanamang ka-ekekan na istoryang to. Tumakbo ang kwento tungkol sa pagpapatakbo ng bida sa isang parang katawan ng native people ng planeta sa pamamagitan ng isang device na tanging utak ang nagpapatakbo. Baduy! yan ang una kong impresyon.
Habang nagpapatuloy ang kwento, medyo naaaliw na ako in terms of effects and visuals dahil kakaiba ang animations na ginamit at pulido ang pagkakagawa. Nakakaaliw lalo noong nasa gubat ang bida kasama ang soon to be jowawits nia dahil biglang nagliwanag ang gubat na kinalalagyan nila at sumambulat ang napakagandang tanawin dahil ito ay napapalibutan ng makukulay na halaman at mga insektong ewan. Breath-taking ang mga images at parang ansarap picturan.
Tumakbo ang kwento sa pagtuturo ng native girl sa bidang lalaki upang mamuhay na katulad nila. Tinuruan sya pano makibagay sa nature. Kung pano maghunt o mangaso. Kung pano patayin ang kanilang nahuli. Tinuruan din sya kung pano kumunekta sa kabayo ng planetang iyon kung saan kelangan ay ipagdikit ang mala-USB sa buhok ng native sa mala usb port ng kabayo. Nakakatawa at talagang kakaibang istorya.
Matapos matutunan ang halos lahat, napunta ang bida sa deliryong haharapin. Ano ang pipiliin, ang tungkulin sa bagong mundong ginagalawan o ang misyon na una niyang tinahak. Nais ng mga tao na galing sa ating mundo na makalikom ng mga batong maibebenta ng mahal sa planeta natin subalit ito ay matatagpuan sa baryo o komunidad ng mga taong tigre(muka silang pusang asul na ewan). Kailangan nilang pwersahin na mapalayas ang mga native people. Pinili ng bida na magkaroon ng Treaty subalit bigo. Humantong ang lahat sa madugong laban.
Nasira ang napakalaking puno na tirahan ng native at marami ang nasawi(parang demolisyon lang sa mga squatter). Natalo ang pwersang native. Napag-isipan ng bida na mas mahal nia ang bagong pamilya at sya ay nagsagawa ng plano upang tulungan ang mga lahi sa planetang Pandora. Nag-organisa sya ng malawakang pagkilos. Humantong ang lahat sa matinding bakbakan hangang sa huli ay syempre ay nanalo ang bida laban sa kalaban subalit meroong mga buhay na nasawi.
Natapos ang kwento sa pagpapauwi sa mga tao pabalik ng planet earth at ang bidang lalaki ay inilipat ang kanyang soul sa katawan ng kanyang avaatar.
Sa pagtapos ng palabas, nasiyahan ako sa kwento. Magaling at maganda ang pagkakagawa ng pelikula at di ko na sya natawag na jologs movie.
Eto ang mga senaryong nakaakit sa aking paningin:
1. Ang makahiyang ewan sa gubat. (may batang itatago natin sa pangalang KIMI ang nagulat)
2. Ang tool o device upang makatransfer sa katawan ng avatar (is this Chemotherapy?)
3. Ang mga dragon na halos patayin ka bago ka sumakay.
4. Ang USB hair.... simply amazing
5. Ang pagsasayaw ng mga native people para mapagaling o maitransfer ang kaluluwa ng human sa avatar nito.
Ineengganyo ko ang mga tao na manuod nitong pelikulang ito kaso malabo na dahil sa MMFF na simula bukas!
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???