Nabigla si Dan sa kanyang nakita. Nakita niya sa may lamesa sa kusina ang kanyang asawang nakahubad at may mga pulang parang dugo sa katawan nito.
Kat: SURPRISA!
Laking gulat ni Dan ng marinig ang akala niya ay napaslang na asawa. Akala niya ay patay na ito dahil sa mga pula-pulang anik-anik sa katawan nito. Dali dali siyang lumapit sa asawa at ito ay niyakap ng ubod ng higpit.
Kat: Di ka ba nagulat sa SURPRISA ko? Kung makayakap ka, wagas!
Dan: E pakshet e! Akala ko ginahasa ka tapos pinagsasaksak! Alalang-alala ako sa iyo!
Kat: Porket nakahubad at may red thingy ay ginahasa agad at napatay? Di ba pedeng feeling nakahain na laman with ketchup ang peg?
Dan: Ano?
Kat: Eto ang SURPRISA ko sa iyo. I'm ready to be EATERY! Kainin mo ako Dan! Kainin mo ako na FRESH at RAW!
Dan: Ay powta! Kakainin talaga kita. Uunahin ko ang BREAST part tapos ang LEGS at THIGH. Ihuhuli ko ang PAKPAK.
Nag-iinit na ang mag-asawa. Ang plano ni Kat ay mapaligaya ang kanyang pinakamamahal na asawa bago dumating ang buwan na mayroong NO-TOUCH policy at bawal silang kumembot at magniig.
Hinalikan ni Kat sa leeg ang kanyang mister at dahan-fahan bumababa papunta sa makisig na dibdib ng asawa. Kasabay ng halik ng babae ay ang paghimas-himas ng kamay nito sa may likuran ng lalaki.
Ginaganahan si Dan sa mga pangyayari.Ang mga kamay at daliri niya ay naglalaro sa kanina pa nakatayong dalawang bundok ng kanyang magandang asawa. Kahit na merong ketchup na natira sa harapan ng dibdib ay di na niya alintana.
Sa mga oras na iyon ay tila na aalimpungatan na ang junior ng lalaki at unti-unting nagigising. Ang kamay ni Kat na humahaplos sa likuran ni Dan ay lumipat na sa bandang harapan upang alisin ang butones sa soot ng asawa. Tinulungan na niyang maghubad ang lalaking kanyang pinakasalan noong nakaraang buwan.
*CLASH (tunog ng isang bagay na nabasag)
Bago pa dumating sa puntong gagawin na ng dalawa ang pinakaaasam na pagsasama ng talong at pechay ay isang malakas na pagkabasag ang narinig ng mag-asawa.
Biglang nanlambot ang manoy ni Dan at biglang natakot at kinilabutan. Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ng matandang ewan bago siya nakauwi ng bahay. Naalala din niya ang pusang itim na epaloid na kung makasunod sa kanya ay wagas.
Kat: Bebe, ano yong nabasag? Sinara mo ba yung pintuan kaninang dumating ka? Binuksan mo ba yung bintana natin?
Napatigil si Dan sa sinabi ng asawa. Bakit niya tatanungin kung binuksan niya ang bintana samantalang kanina pa iyon nakabukas at kaya nga may malamig na ihip ng hangin kanina na nagpagalaw sa kurtina.
Hindi ang putotoy ni Dan ang tumayo, ang mga buhok sa batok nanaman at kamay niya ang tumatayo. Sinuot niya muli ang brip na kanyang hinubad kaninang nag-iinit siya sa kalibugan. Sinuot niya din ang pantalon bago silipin ang pinanggalingan ng nabasag na ingay.
Sumilip siya sa sala dahil batid niyang doon nagmula ang ingay na narinig. Tumingin-tingin sa sahig kung merong vase or porcelain figures ang nabasag. Wala.
Tinignan niya ang bintana pero wala namang basag at ito ay nakasara. Subalit napatigil si Dan. Kung ito ay nakasara, paanong gagalaw ang kurtina kung walang hanging makakapasok. At saan galing ang malamig na ihip ng hangin kanina?
Dan: Aypowtanginangkalabaw!
Napatalon na nagulat na nabigla si Dan ng kinalabit siya sa pwet ng kanyang asawa.
Dan: Pakingshet naman Bebe, bakit ka naman nanunundot ng pwet! Nagulat ako! Muntikan ko ng malunok ang sarili kong adams apple.
Kat: Che! lantod! ano, nahanap mo ba yung nabasag? Matutuloy na ba natin ang naudlot na something? (sabay ngisi at nagbasa ng dila)
Dan: Wala nga Bebe eh. Wala naman akong nakita. Baka guni-guni lang natin yun o kaya ay sa kapit-bahay yung nabasag. Tara, ituloy na natin ang ligaya!
Susunggaban na sana ni Dan ang kanyang misis ng isang hangin nanaman ang naramdaman niya. Kasabay noon ay ang pagbagsak ng wedding picture nila na dapat ay nakasabit sa pader ng sala.
Pinulot ni Dan ang larawan nilang mag-asawa at doon niya napansin na walang salamin ang frame ng wedding picture nila. Pero wala namang bakas ng nabasag na salamin sa may sahig. at ang ipinagtataka niya ay ang kakaibang pagbabago sa larawan nilang mag-asawa. Para bang niluma na ng panahon ang kalahati ng larawan at ito ay yung sa side kung saan siya ay nakatayo.
Kat: Bebe, anong ginawa mo sa wedding pic natin? Pinutoshap mo yan no? Ang chaka ng epeks!
Dan: Wala akong ginawa dito bebe, nakita ko na lang na nagkaganito.
Kat: Wushu! Papalusot, di naman bertdei! Yaan mo, palitan na lang natin yan. Tara na, I'm so in heat na! Gusto ko ng madiligan ang natutuyo kong lumpia!
At natuloy na nga ang inantay na eskabeche at shembot ng mag-asawa. Kinalimutan ni Dan ang mga pangyayare at di niya ikinuwento sa asawa ang mga naganap.
Lumipas ang isang linggo at naka-move-on na at nalimutan na nga ni Dan ang mga kaganapan. Balik sa dating trabaho-bahay-kembot ang nagaganap. Masaya ang sex life ng lalaki.
Enzo: Pards, may kutob akong nagdilig ka nanaman! Medyo malansa kasi ang smell. Parang galing sa vajayjay!
Dan: Wala ka kasing dinidiligan kaya ingitero much kang puta ka!
Enzo: Init ulo agad? Diba dapat wala kang energy kasi gamit-na-gamit sa bed? Nyway, may sulat ka o.
Iniabot ng kaibigan ni Dan ang sulat at ito'y kanyang binuksan. Sa loob ng sobre ay nakuha niya ang isang pirasong baraha. Pero hindi basta baraha dahil ito ay galing sa isang Tarot deck. at ito ay baraha ng kamatayan.
Itutuloy.....
-=-=-=-=-=-=-=-=-=-
Eto na ang karugs ng khantoserye. Salamuch sa mga nakabasa ng unang episode (episode talaga?)