Thursday, November 29, 2012

All I Want for Christmas


All i want for christmas....... is you! wow. napakanta ba kayows? Heheheh, ilang tambling na lang, december na.... at dapat knows na knows nio kung anong meron kapag december.... ito ay ang araw ng mga puso. joke lang. Syempre ito ay ang kapaskuhan. 

At tuwing pasko.... inaantay ng mga worker bees na tulad ko ang..... Christmas bonus (let's sing: Kaya't ibigay nio na.... ang aming christmas bonus! Pati na ang 13th month pay... para lahat okay na okay!). At pag may christmas bonus, shempre may cash. Pag may cash, may pang shopping. Pag may pangshopping, may pangregalo sa exchange gift ganyan!

At dito ko na isisingit ang pinaka-topic for today.... Yung all i want for christmas tagging. Nakatanggap kasi ako ng tag-tag-tag so i make gaya na din. eto ang rules na sinotto-copy-paste.

Rules and Regulations: (meganown?)

1. Kindly use the same title and as well as the first second photo that I put here (that blurry picture of a Christmas tree above) in your post.

2. List 6 things that you want to receive for Christmas.

3. Tag 6 of your friends to make the same post (no tag backs).

4. Send me the link so I could check it out too.

At heto na... heto na... heto na.... waaaaaaaa...... doooobieeee.... joke.


1. Kokology Book- ang  book na ito ay naglalaman ng mga katanungan at kasagutan na magbibigay linaw sa iyo tungkol sa iyong personality ganyan. pa-google na lungs kung nahihirapan kayong alamin kung ano ang kokology. Basta hindi sya pag-aaral ng koko.


2. Harry Potter Set- Kahit sabihin pa nilang tapos na ang harry potter, gusto ko pa din magkaroon ng own copy ng libro ni harry. E kasi naman, nabasa ko nga yung HP pero via panghihiram sa klasmeyt o kaya sa library ang nigawa ko. Gusto ko ng sariling books ko.


3. One Piece Gashapons- fanatard ako ng one piece at nangongolekta ako ng one piece mini figures kaya naman pasok sa akin ang ganitong laruan.


4. Groupon for Manila Ocean Park- Yung last time na bumili ako ng voucher para makapunta at ma-experience ang Manila Ocean Park.... e yun yung time na binaha kami ng habagats. So this december, gusto ko makapunta, makapasok at maranasan ang Manila Ocean Park tour.


5. Samsung Galaxy S3- 3 years na tong current phone ko na Samsung Star Wifi at kailangan na siguro mapalitan. At kung sakaling mapapalitan.... dream high diba? So dapat yung uso ngeyon. heheheh.


6. Toy Dogs- Kahit na bawal ang aso dito sa tinitirhan namin.... parang ansarap magkaroon ng alagang aso na uber cute and uber fluffy. Yung pwedeng ilagay sa bag tapos go na kayo. Or pede ding lagyan ng tali tapos i-walk-walk mo sa malls na pede ang doggies.

At for the tagging..... bahala na po ang visitors ko for this post sa pag tag sa sarili. hehehehe. I'm a bit lazy so amalazy.

O cia, hanggang dito na lungs. Take Care!

12 comments:


  1. kapag nakita ko ung kokology ko, bigay ko na lang sayo.

    ReplyDelete
  2. First time kong nalaman ang about sa kokology! Ang cute nun toy dog! Sana may tumupad ng wishes mo :D

    ReplyDelete
  3. sana matupad ang wishes mo Khants..wala akong afford dyan sa mga yan, kaya prayers na matupad ang mga wish mo ang alay ko :)

    ReplyDelete
  4. i google ko mamaya sa opis ano yang kkolgy. parang joke pakinggan. hehehe.

    kawawa naman kung lalagay mo sa bag yung puppy. me animal act baka nakkalimutan mo.

    ReplyDelete
  5. infairness sa kokology na yan. kaso paminsan hindi accurate (or bitter lang ako) hahahaha.

    hongkyut ng asonetchi!

    ReplyDelete
  6. may kokology ako kaso ayun nasa mga kaklase ko, pasa pasa na. pag kinuha ko naman, sila pa galit -_- at ang Samsung Galaxy S3 na yan, hayy nagaasam din ako kahit walang budget ^^, or Iphone 5 haha, ang kyut ng aso.

    ReplyDelete
  7. uy si sir khanto oh may wishlist na din :D

    na curious ako bigla jan sa librong kokology. akala ko another book siya ni bob ong, may pagka japanese something pala sya hehe.

    ang cute ng mga gashapons ng one piece. sakin naman gusto ng naruto gashapons!

    wish ko din na matupad lahat ang nasa wish list nyo sir khanto!

    hapi kurismasu!

    ReplyDelete
  8. haha aun ohh pasok ka na sa trend haha
    nice naman ng wishlist mo parekoy haha para kang kuya ko mahilig sa one piece
    hmm ako want ko complete set ng lorien legacies haha

    sana matupad lahat yan khants
    happy holidays sayo

    ReplyDelete
  9. Iyun pala ang kokology ko. lol. Hilig mo sa mga cartoons at series ah. Goodluck sa lahat ng mga wishes mo :)

    ReplyDelete
  10. mukhang gusto ko din ng kokology!!

    ReplyDelete
  11. kokology nakakakoryus yan ah?!! hehe

    ReplyDelete
  12. Cute doggie! :)) sana magkaroon ka n rin ng pet, soon :))

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???