Kamusta na kayo? Sanglinggo din pala ang lumipas at ngayon lang muli ako nagkaroon ng chance na makapag blog muli.
Actually may mga ganap naman sa life ko at may mga films na marereview pero dala na din siguro sa init ng panahon (pati sa opis mainit, di ramdam na may aircon, or parang laging patay ang aircon) kaya naman parang walang prowess to type.
Anyway, since medyo idle ngayon ay minabuti ko na imaximize ang free time para magblog.
For today, mag review-reviewhan tayo ng pelikula.... Ito ay ang 13 Sins.
Ang wento ay tungkol sa isang guy na medyo tinatamaan ng kamalasans. Yung eksenang may kapatid siya na may mental disorder, tapos pampam ang pudrax niya at natanggal siya sa trabaho. In short, he hit rock bottom of his life ganyan.
Then one time, nag-ring ang kanyang selepono to the tune oh Happy by Pharell Williams joke..... tapos nung sagutin niya ito, ang narinig niya ay... '7 days' lols. Syemps, joke nanaman yun.
May isang lalaki na kumausap sa kanya na tila namamatyagan ang kilos niya. Binigyan siya ng task kapalit ay kaching-kaching na kaban ng cash. Ang unang test ay kainin ang isang langaw na napatay niya. Due to curiosity, ginawa niya iyon! Boom Vaness! Chinunky check niya ang kanyang bank account at truelaloo nga na nagka-cash siya.
Then nag-ring muli ang kanyang selepono dahil ineksplanation na ang rule ng game. Kailangan magawa ni guy ang 13 tasks at kada task ay palaki ng palaki ng palaki ang kaperahan na matatanggap niya. Pede siyang mag-quit subalits mawawala ang kaperahan na natanggap niya. Kung sakaling matapos niya ang tasks, Jackpot.
Dahil sa kagipitan sa kaperahan department, kapit na sa patalim si guy at sumunods naman sa mga tasks na binigay sa kanya tulad ng pagpapa-iyak ng bata sa park. Pagsunog ng isang important belen sa isang simbahan, pagkarga sa isang patay papunta ng isang coffee house ganyans.
As the game progress, medyo pahirap at pa-crimethinggy na ang task na kailangan niyang gawin. And napag-alaman niya na hindi lang siya ang naglalaro. It seems na may rival siya na kailangan niyang ma-talo at maunahan sa pagkumpleto ng task dahil kung hindi, talo na sya, makukulong pa siya kasi sa kanya masisisi ang crime na nagaganaps.
At sa bandang huli ng wento, magkakaroon ng pagsisiwalat sa katotohanans kung sino ang mga nasa likod ng tasks pati nadin kung sino yung rival niya sa task.
Bibigyan ko ng 8.9 ang wento dahil naaliw naman ako dahil medyo bloody ang film at medyo suspense at iba pa. Okay naman ang twist din kaya pasok siya sa pasado score. Medyo na-bore lang me ng slight sa first part kaya naman di pasok sa 9 ang score.
Must watch para sa mga mahilig sa category na horror/gore/crime/suspense/action.
O sya, hanggang dito na lungs muna, Take Care.
Ooooh, btw, Holy Week na, sa mga uuwi ng probinsya, enjoy the vacay!
mukhang okay naman ung movie di ko lang talaga tipo ang ganitong genre hahaha
ReplyDeletegusto kong malaman kung sino ung laging tumatawag sa kanya para gawin ung mga task XD
ReplyDeletemapanood nga ito, gusto ko yong ganitong genre eh haha
ReplyDeletesure ba ung unang task? as in kinain nya ung langaw? wooot mukhang okay naman ang film, bet ko siyang i-baywatch...ganyan..
ReplyDelete