Tuesday, April 29, 2014

PBB Throwback


Last Sunday, tila naging ulam ng netizens ang putahe na mula sa leading network na ABS_CBN. Bakit? Kasi after ng biggest loser, ni-launch na ang ikalimang normal season ng Pinoy Big Brother named PBB ALL-IN. Wow, maka-all-in parang pumopoker lang.

Pinulutan ng madlang folks ang show dahil ang pinakilalang housemates for the season ay tila mga kutis artista, kutis silka ganyan. Yung tila Only Belo touches their skin, who touches yours?! Ang ipinasok, juicekopongpineapple, mga yuppies at mga good looking. Ika nga sa trumending harshtag.... #PBBBawalAngPangitEdition.

Pero bago tuluyang maging thing ang PBB5, mag throwback tayo sa PBB...


PBB, una itong pinalabas wayback 2005 kung saan kasagsagan ng pagfranchise at pag-adopt ng mga american shows like who wants to be a millionare, weakest link and stuff like that.

Dito ipinakita ang grupo ng mga anik-anik folks na pinagsasama sa loob ng isang condo este bahay ni lola kung saan kailangan nilang makisama sa isa't-isa.

Sa loob ng bahay, bantay-sarado sila ng sandamukal na CCTV para aam ang bawat galaw, kilos at kembot ng mga housemates. Ang pagtinga, pangungulangots, magjajacklyn-jose or kahit anong kilos ay magiging caught in the act.

Sa loob, kailangan nilang sundin ang utos ng nag-iisang batas... nope, hindi si God ang susundin nila kundi si KOYAH. Ang boses na deep voice na sinasabing boses daw ni Direk Lauren Dyogi as speculated and chismax ng mga pbb fantards.

Kailangang magtagal ng mga housemates sa loob ng bahay in more than 100 days na kabog sa 39 days ng Survivor. 

Pero ang catch dito, magkakaroon ng week na kailangan ng elimination. Kailangan magbotohan ang mga housemates kung sino ang nais nilang matanggal. Tapos ang botomesang mga nilalang ay kailangang iboto ng madlang uto-utong folks na gagastos ng kaban ng cash to save the bets na trip nila. Oo, PERA-PERA ang labanan kung gusto mong maiwan sa loob.

At the end, May isang lucky nilalang na sasabihing NAGPAKATOTOO at FAVE at BET ng madlang pinoy at siya ang tatanghaling BIG WINNAH!

Bumenta much ang franchise ng PBB dahil sandamukal na versions and season ang nangyari. Nagkaroon ng 4 regular seasons (aside sa new season now), 2 celebrity editions at 4 teen editions.

Para medyo kumplets ang flashback, balikan natin ang mga final folks per seasons and editions at ang mga memorable stuff sa kanilang time.



Regular Season 1

-Yung eksenang sa unang months ng mga housemates, swimsuits and swim trunks ang suot nila. So show some skins and buldge ang peg.
-May something na ganap between chix and sam
-Ang di natanggal agad na si teacher Raquel
-Ang hubo moments nila Franzen at Jason
-Yung final task na susunugin ang damit kapalit ng chance in winning thingy.
-Sumikat sa kantang 'Pinoy Ako' by Orange and Melons este Lemons 


Celebrity Edition 1

-Yung na-inlababo si Bianca kay Zanjoe
-Yung task about sa itlog chenerlins
-Ang mariposa moment at coming out ni Rustom na ngayon ay si BB Gandanghari na
-Ang wee-wee moments ni Keanna sa garden area
-for charity ang prize na mapapanalunan


Teen Edition 1
-Ang acrobatic/flexibility ni Kim
-Ang love triangle between Mikee, Kim at Gerald
-Ang biglang pagpunta sa Hundred Islands
-PBB na hindi si Toni G. ang host


Regular Season 2

-Ang labteam ni Wendy at Bruce
-Yung suspetsang badingerz si Nel
-Yung oa sa pagkabitterness during harapang nomination
-Yung pag-BOO kay Wendy during Finals
-Yung pasok ang anak ni Tirso Cruz na si Bodie


Celebrity Edition 2

-Ethel Booba and Gladys left the house
-Yung issue kay Baron Geisler
-Forgettable season? Parang wala na ako ma-recall


 Teen Edition 2

-Areneow and Lazall rivalry
-Wala na din akong ma-recall lols
-memgap or forgettable season din?


Regular Season 3

-ang first gay/going tranny housemate na si Rica
-Ang tambalang MELASON
-Yung nagka-anak yung labteam called DENGUE
-Yung nagkaroon ng 2 divisions ang house
-Introduction of Vote to save at Vote to evict eklats


Teen Edition3

-Yung mga may mga team foreigners teens
-Ang mga pagkakaroon ng non-pinoy winner
-pagkakakilala kay Ryan Bang
-Wala na akong ma-recall


Regular Season 4

-Yung sandamukal ang housemates na ipinasok sa bahay ni kuya
-Yung pagkakaroon ng second chance thing for Paco
-Ang tambalan from fantards na Slater at Divine
-Sobrang tagal na show na inabot ng 155 days
-sandamukal na text votes mula sa mga viewers


Teen Edition 4

-Yung cosplayer na si Myrtle yung nanalo
-Yung may bisayang kambal ang pasok sa finals
-Sa kanila sumikat ang katagang PBB TEENS 'hug mo ko'
-Medyong mas kerengkeng teens

Ilang taon na din pala tong PBB... now, may 5th season na sila. Ang PBB All-In... wala na akong time mag-TV so update lang sa FB at twitter ang eksena. Pero based sa mga thingies, ang mga housemates now ay mga artistahin looks... Pang Star Circle Quest ang peg...



Medyo maaga pa para magsalita ng tapos kaya paabutin muna natin ng 1 or 2 weeks at baka may ibang pautot at kapekpekan pang maganap sa ayon sa sabisabi at chismis ng ilan ay final season na ng PBB.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!

7 comments:

  1. PBB teen 3 ba yung may mga parents din?

    panget ng PBB ngayon lahat gwapo kala mo talent search wala man lang panget pang basag lang ng moment tas ang ba-bata pa nilang lahat tsaka parang walang magka-clash na personality. Parang landian lang mangyayari sa loob first day pa lang eh, yung moment na magkakasama lahat ng girls nag uusap usap sa bilog na table sa garden tas pahalatang lilingon sa mga boys tas mag uusap usap tas lilingon uli. Anoooooooooooooooooo? Papansin lang sa booooooooooooooooooyyysssssssssss?

    Nakakaloka!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabi sa rule book, bawal daw yung housemates na magkakilala na sa labas.

      Eh bat magkakilala si Michelle and Axel?

      Wala lungs

      Delete
  2. Ang pangit ng season ngayon. Walang diversity. Baka ung guys magkabaklaan. Though wala naman ako pake at di ako mahilig manuod ng tv. Ang sinubaybayan ko lang na pbb e ung kil kim chiu kasi pareho kong crush si kim chiu at gerald haha.

    Ang ngpapaenganyo lang sakin manuod sa season na ito e si alex. Hagalpak ako kakatawa sa kanya.

    ReplyDelete
  3. I am looking forward for Alex G at Jane Oineza.. love ko silang pareho.. pero sana walang landian na mangyari inside... parang throat lang, gasgas na kasi un... chorvz!

    ReplyDelete
  4. Talaga? Puro magaganda lahi nun housemates? Na curious naman ako sinabi ko pa naman na wala ako balak manood haha

    ReplyDelete
  5. gusto ko ung batch nila Nene, Melai at Kim :D

    ReplyDelete
  6. At walang taga Cebu ngayong season. HAHAHAHA! :D

    Jewel Clicks

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???