Feeling Hot-hot-hot! It's getting hot in here na talaga sa pinas dahil summer na! Yep, eto na ang inaabangan minsan ng mga estudyante dahil bakasyones grande na, nganga-nganga nanaman daw sila sa kanilang bahay at mga utusan ng mga magulang.
Pero for some, summer means time to unwind and make gala-gala here, there and everywhere. Oras na para maglamyerda, maglakwatsa, magliwaliw, pasyal-pasyal and more.
So here is a post kung saan bibigyan ko kayo ng ilan sa possible na lugar na puntahan (na napuntahan ko na) ngayong tag-araw. Heto ang Khanto's 10 Summer Desti.
10. La-La-La-La-Union
Lagpas lamang ng Pangasinan, ang La Union ay pasok sa listahan para sa mga folks na gustong magbabad sa dagat. Eto ang place kung saan pwede or possible na mag-surf. Pede din lang kayong mag-beach bumming at magpakabilad sa araw na parang tuyo at daing at nais lang magpa-tan ganyan.
Since padating na ang buwan ng Mayo, pwedeng isama sa listahan ang Lucban, Quezon dahil sa fiestang nagaganap tuwing ika-labinlima (15) ng Mayo. Eto ay ang piyesta ng Pahiyas kung saan makakakita ka ng sandamukal na
Gusto mo bang pumartey-partey sa Bora pero waler ka naman kaban ng cash at olats ka makakuha ng seat sale? Then punta ka na lang ng Puerto Galera sa Minoro. Pede kang mag-Party in the USA (ala-Miley Cyrus). Go have a night life din and magpakawasted sa tabi ng dalampasigan. Maaari ka ding mag mag footprints in the sand if gusto mo.
Nag-iinit ka na ba? Are you in heat? Tagaktak ba pawis mo? Then try mong magpakabagets sa Baguio at mag chill-chill at magpalamig. Ito ay pasok sa listahan ng summer desti sapagkat ang lugar na ito ay pinangalanang Summer Capital of the Philippines. Try mong magbangka sa Burnham Park or mangabayo at mag-bike. Pwede din pumasyal sa camp John Hay or mamitas ng strawberries, kaw bahala sa trip mong gawin.
Gusto mo ba ng tamang gala lang. Yung gusto mong lax moments tamang lublob sa dagat, di masyadong maalon, mag-moments by the beach, then punta na sa Zambales at puntahan ang famous coves like Anawangin or Nagsasa. Ang place na madaming pines pero tabing dagatan. Maaring magbonfire, mag toast ng mallows at kumain ng smores, magpagulong-gulong sa buhanginan. Pede ka ding mag hike to see the view of the place.
Surfing trip ba ang nais mo? Then kung di mo feel ang La Union, pwede naman sa Baler. Ang Baler ay isa din sa mga lugar na dinadayo kung nais mong sumakay sa alon ng dagat. Dito ay ayos ang tubig at ang buhangin kaya di ka mag-aalala na masugatan sa bato-bato. Maaari ding mag-side trip sa isang falls na malapit o kaya naman magpakabundat sa buffet ng Gerry Shans.
Kung bagot ka na maglakbay via bengga-bus at bengga-boat, then pede ka naman mag fly papuntang Palawan at mamasyal sa Puerto Princesa. Dito ay pede mong kamustahin ang mga crocs na wala sa gobyerno o kaya naman mag island hop at mag-snorkel sa Honda Bay or puntahan ang nakapasok sa wonders of the world na Underground River. Kung gusto ng adventure, try mo yung zipline sa Ugong Rock.
3. Super Siargao
Ultimate Surf Experience? Pagoda wave lotion ka na ba sa common La Union-Baler-Zambales surf spot? Try mo lumipad papuntang Siargao, ang surf heaven. Pasyalan ang Cloud 9 kung saan makakakita ng mga malalaking alon ng dagat. Pwede din puntahan ang Sohoton at makita ang mga stingless jellyfishes or mag swim sa lulubog-lilitaw na rock swimmingpool sa may Magpupungko.
Nais mong ibang lupalop naman aside sa mga lugar dito sa Luzon, why not sa Visayas? Go Cebu! Ang lugar na popular sa masasarap at nakakatakam na lechon at dried mangoes. Ang Cebu ay merong mga beaches na mapupuntahan tulad ng Moal-Boal at Malapascua. Pero kung aside sa beach bumming ang habol mo, pede kang magpunta ng Oslob to meet and greet the Butandings.
Gusto mo bang kakaibang summer desti? Lipad na sa northern most part ng bansang Pilipinas, ang Batanes. Mamanghamaze sa ganda ng lugar, sa berdeng damuhan, asul na kalangitan at karagatan. Damhin ang kakaibang lamig ng hangin. Mamasyal at libutin ang mga isla na malayo sa nakasanayang mga lugar.
Marami pang pwedeng puntahan na hindi kasama sa listahan na maaaring pasyalan. Ang mahalaga ay makapamasyal at makagala tayo ngayong tag-init. Dapat ay magsaya at mag-enjoy sa mga lugar na ating mararating.
*-*-*-*-*-*-*-*
note: ito ay article sana for our office cheverlins, subalit kailangan daw english ang sulat kaya naman reject ang post na ito so much better to post it here na lang sa aking bloghouse.
note: ito ay article sana for our office cheverlins, subalit kailangan daw english ang sulat kaya naman reject ang post na ito so much better to post it here na lang sa aking bloghouse.
breathtaking BATANES!
ReplyDeletepangarap ko yan hahaha :)
it's nice! kahit di tinanggap ang sinulat mong ito sa inyong 'office cheverlins' at least natunghayan naman namin ito sa iyong blog :)