Monday, April 21, 2014

Sleeping Quarters Shenanigans


Dito sa opisina, merong naka-allocate na room para sa mga folks na kailangang magpahinga o kaya naman magpalipas ng oras dahil mahirap ang bumiyahe ng madaling araw. Ang silid na tinutukoy ko ay ang Sleeping Quarters.

Masayang mag-stay sa sleeping quarters dahil may time ka to replenish (wow, maka-term) ng energy. Isipin mo, makakahiga ka sa kutson tapos may unan tapos de-aircon pa. 

Pero minsan, instead na makapagpahinga ka at makabawi ng tulog, hindi mo ito magagawa dahil may mga folks na walang pakisama o kaya naman sadyang walang pakialam sa ibang taong makakasama niya sa silid.

Kaya naman heto ang listahan ng mga nakaka-urat na bagay na nagaganap sa Sleeping Quarters.

1. Yung eksenang may nag-ho-hoard ng unan. Eto yung mga moments na walang pakialam sa ibang matutulog dahil kung makagamit ng unan wagas. Sila yung mga taong sobra sa isa ang unan na gamit. Aside sa unan sa ulo, may unan sa paanan, may unan na yakap tapos may unan sa binti/singit. Jusme! Sila yung mga folks na sarap takpan ng unan ang mukha para di makahinga. nyahahah.

2. Yung eksenang ginawang living room ang sleeping quarters. Well, okay lang naman naman yung gagamit ka ng gadgets like your phone or laptop sa loob as long as walang sounds at for a short period of time lang. Yung tipong nagpapaantok ka lang. Pero yung eksena na anlakas na nga ng ilaw na nagrereflect sa gadget mo, e ginawa lang tambayan ang sleeping quarters for more than 1 hour, ibang usapan na yan. Tandaan, Sleeping quarters ang name ng room at hindi chilling quarters, manood ba ng pelikula sa loob ng room?

3. Yung may reservation moments. Eto yung mga time na may makikita kang bag or gamit na nakapatong sa ibabaw ng bag. Okay lang sana ito kung saglit ka lang pumunta ng cr yung matutulog para magpagaan ng loob. Ang hindi okay ay yung kulang na nga sa beds dahil madaming natutulog sa room tapos may bakanteng higaan for more than 1 hour tapos walang gumagamit. Mas nakakalokang eksena? Yung 8 hours after, saka mo pa lang makikita na matutulog yung naglagay ng bag. 

4. Ang panirang ingay sa silid. May mga times na pagod ka at nais mo lang magpahinga o kaya naman ay mahimbing na ang tulog mo tapos bubulabugin ka ng nakakabinging alarm ng isa sa kasama mo sa silid. Ang problema pa, nagising na halos lahat ng nasa silid pero yung may-ari ng alarm mismo ay di pa nagigising! Pasok din dito yung times na may sumasagot ng calls sa silid at doon pa nagchichikahan. Maygulay!

5. The Staycationers. Okay, ang room ay ginawa for employees na nais matulog right? Pero it doesn't mean na gawing apartelle or condo ang Sleeping Quarters. Maiintindihan naman kung talagang chaka ang schedule mo ay kailangan mo talagang mag-stay sa sleeping quarters ng madalas. Pero, pero, pero, ang pag stay even ng restday mo at gawin mong unit ang room, no no no. Tipid much, ayaw na maghanap ng matutuluyan kaya nagdecide na sa sleeping quarters na halos manirahan? Kulang na lang ay bigyan ka ng checkin keys ganyan.

Sana magkaroon ng pagbabago sa sleeping quarters para naman magkaroon ng kasiyahan sa mga nais magpahinga at bumawi ng lakas mula sa pagtulog.

note: Ang post na ito ay isusubmit ko sana para sa office article thingy kaso di ko isusubmit dahil ito ay tagalog (english kasi ang mga post sa nakalipas na mga release) atsaka medyo reklamation ang impak (na sa tingin ko ay baka ibasura lang). hahahaha.

6 comments:

  1. kaya hindi ako madalas matulog sa sleeping quarters namin eh. may mumu hahaha

    ReplyDelete
  2. nice.. ^,^

    relate much lalo na nung nagwowork pa ako sa Call Center, ganyang ganyan mga detalye lahat ng sinabi mo..

    nice post btw.

    ... \m/

    ReplyDelete
  3. Hahaha relate ako dito Khants! Lalo na sa alarm, kasi ganun ako di nagigising sa alarm, nauna pa nagising lahat :) Mukhang di ka naka experience ng malakas humilik - meron sa amin leveling kung humilik, akala mo si Snorlax! :)

    ReplyDelete
  4. madalas kong nababasa ang tungkol sa sleeping quarters na yan, bilang hindi naman ako nagwo-work sa call center, interesting sa akin kung ano ang itsura o set-up ng mga sleeping quarters :)

    nakakatawa yung mga ganyang pangyayari, ini-imagine ko tuloy kung paano ako mag-aadjust kung sakaling magkaparehas tayo ng work :)

    ReplyDelete
  5. ay naku batchness!!! pasok sa banga tong post mo.. ahaha!!! though hindi naman ako natutulog sa sleeping quarters.. namamahay kasi ako.. and kasama na rin sa reasons yung mga reasons above.. lols.. =P

    ReplyDelete
  6. naalala ko tuloy yung sa dating pinasukan ko na ang isyu naman ay multo .. as in halos wala nang natutulog dahil sa may nagmumulto raw ... and the creepiest ay nung pati ang pinsan ko ay naka-experience nito when she hears someone whispering a word to her even though there's no one inside the room ...

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???