Tuesday, April 8, 2014

Starting Over Again

Medyo late man ang review-reviewhan na ito, pero kailangan bigyan ng post dahil isa sa good film for me.

Ang pelikula for today ay ang film ng babaeng mapanga na si Toni Gonzaga at ang ex-jowawits ni KC Conception  na si Papa P..... Ito ay ang peliks na 'Starting Over Again'.


Ang story ay tungkol sa isang girlaloo na estudyante blues na super ang pagka-fall sa isang professor X. Kung makasigaw ng AYLABYU, parang walang bukas! Ganon ka dead na dead si girl kay boy. Reverse ang role kasi si girlay ang nanliligaw at sumasabuhay sa palay na ang lumalapit sa cock este rooster. lols

At dahil sa pagpupursige at super duper effort sa panlalandeh ni girlay, nakuha ni babae ang matamis na oo ni boy at dahil magjowawits na sila, nagkatikiman portion dins. Yung may eksenang nag-boogie-tango-salsa ang dalawa sa kama ganyan.

Pero, eto na..... Biglang.... BOOM VANESS! lols Naghiwalay ang puti sa De Color! Nag-break-up ang dalawa.At si girlay pa ang nakipagbreaks.

Lumipas ang apat na taons. Aba, nagbalik si girl.... Gusto niyang balikan si boy na nasaktan niya sa pakikipaghiwalays. Pero paano yuns? Si boy, naka-move-on na!May bagong putahe na siyang tinitikman... 

Pero si Girlay.... no-no-no-no-way ang sinisinging bee! Gusto niyang magkaroon ng chance at bumalik sa buhay ni boy. Nanghihinayang dahil birdie na, pinakawalan pa... ayun..... tuyo ang pechay. charlots.

So sa middle part, effort nanaman si girlay baka sakali ma-winback niya ang hotdog este puso ni guy. Since di pa naman nakatali ng kasal, baka may pag-asa pang ma-snatch at ma-steal  si boy.

Pero things got to end. Unfortunately, di ito a happy ending with matching sing and dance sa may tabing dagat habang lahat ng crew ay sumasayaw kasama ng mga dancers na naka trunks at bikini. nope.

Ang ending.... CLOSURE.... yung kailangan lang tanggapin ni girlay and ni boy na tapos na ang chapter nila sa isa't-isa. Si boy, go na sa girl na nakapagpanumbalik ng broken and wounded heart niya. At si girlay, at the end of the movie, tila makakahananps ng new love.

Ang score???? 9.2! Naks! Hahaha. Nilagyan ko ng .2 para naman may slight difference to make a point na okay ang film. Funny, heartwarming, heart-shattering ang peg. Somehow, you make sides on both sides. Yung nararamdaman mo yung side ng mga characters, sa mga naiwan, nang-iwan at sumabay sa naiwanans.

Must watch kahit sa suking pinirats na cd.

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!

1 comment:

  1. gusto ko tong movie na to at naiyak ako nung di sila nagkatuluyan hahahaha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???