Thursday, April 24, 2014

April Random Shenanigans


Been a month na pala since my last random post kaya heto nanaman ang random post mula sa isang random citizen. lols.

1. Office related thingies, oo, laging kasama sa random wents ko ang anik-anik sa opisina. last month, nawento ko sa inyo about something like L2 immersion right... dagdag bitterness kasi di na nagkaroon ng immersion kasi insta-L2/promotion ang nangyari. 

2. Okay naman yung naganap na summer outing namin last April, oks naman yung place. nag-enjoy naman ako kahit paano. Pero alam mo ba yung feeling na may kulang? Kasi alam mo kahit paano na yung mga dating familiar faces ay wala na. Yung moment na yung mga old friends are gone at resign na. It's not the same again.

3. Sunod-sunod na ang nagreresignan na friends. Alam mo yung moment na nakakademotivate na papanipis na ng papanipis ang kakilala sa opisina.

4. Medyo nagpapaka-active-activan me sa opis. I joined something like a school club, parang writing chever club na gumagawa ng articles at pinupublish kinda magazine. Ang first na article na sinubmit ko ay about summer destinations. Alam nio naman na tagalog blogger ako, tas yung magazine ay englishero... maygas... napasubmit ako ng tagalog at english version, bahala na sila magdecide.

5. By May-June, new schedule na kami, malamang daw mga 5am na ang shift or 8am... nakupow, back to amazing race/survivor sa pagbyahe papuntang opisina.

5.5 While typing this, naalala ko na OT week much ang kaganapan sa opis. kaimbernadette sembrano na OT araw-araw dahil sa queue. 

6. Holy week is bit boring for me, tambay lang sa bahay, nood dvd, luto ng sariling foods ganyan tapos borlogs.

7. Umuwi ng probinsya ang parents ko, at nagulats kami na may black eye ang pudrakels. Sabi nia, lasing daw siya na parang na-engkanto na ewan. Duda kami! lols, baka may ganap na di maiwento.

8. 2nd time ko na magpakalbo.... ang inet-inet kasi. grabehan, parang nasa oven toaster ka.

9. Got to go, Queueing nanaman, ayoko na mag-OT e mali naman staffing, dami naka-lunch tapos may mga naka training. Lechegas. Byers na muna!

2 comments:

  1. miss ko na din outing dyan batchness.. ehehe!! naiinggit ako sa mga pictures nyo.. 1st outing ng TM na wala ako.. nde tuloy ako nakapagperporm.. lols.. =P

    ReplyDelete
  2. sad number 3
    number 8 is gru
    number 9 is burn the What The F**k Man (WTFM)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???