Ni Hao inihaw! Kamusta na kayo? Ui, it's friday na so maya-maya lungs sisigaws na kayo ng TGIF! Congrats sa inyo na magrerestday, party and pahinga mode na.
Well, since may pasok pa ako, di pa pede pumartey so blog-blog na lang at iwewento ko na ang karugs ng byaheng china. Medyo short to kesa sa day 1 pero hopefully matyaga ninyo pading mabasa. Hihihih.
Nag-empaks na kami ng gamit at nag-check out dahil ang plan ay after ng tour, diretso hatid na kami sa airport. Iiwan na lang muna sa sasakyan ang mga baggage counters while on tour since solo naman namin ang sasakyan.
Good thing at si Jenny padin ang guide namin for day 2 kesa mahirap makipag-rapport kung new tour guide nanaman. Saka baka sablay pa mag-english kung new guide, mas okay na doon sa nasubukan na.
Mga 10am, larga na kami papunta sa first destination. (10am kasi ayaw ng mga kasama ko ng super aga kasi pag natapos agad ang tour, magiging matagal ang stay namin sa airport).
Una naming pinuntahan ang Forbidden City.
Ang Forbidden City ay ang dating place kung saan doon nag-iistay ang emperors kasama ng kanyang empress (hindi po Schuck ang apelyido) at concubines. In short, parang malacanyang ng sinaunang China. Napapalibutan ito ng tubig na greenish lols.
Bumaba kami sa bandang Eastern side ng place at kailangan namin maglakad papunta sa Southern part dahil doon ang entrance ng tour.
Dahil tamad-tamaran ang peg ng mga kasama ko, sumakay kami ng venga van thingy. lols.
As usual, ang aming tour guide na ang bumili ng ticket para sa amin at kailangan na lang namin mag-antay saglit habang siya ay pumipila. Tuesday pa lang pero medyo madami-dami pa din ang tourists sa spot na ito.
Pagpasok sa loob, medyo malawak yung grounds at sa gitna ay ang stairway to the building/place where the Emperor at kanyang mga ministro ay nagpupulong-pulong for their affiars (not secret affairs).
Madami-dami ang mga cheverloo visitors kaya kailangan makahanap ka ng pwesto to make photos na pang souvenir-souveniran shots.
Sa loob ng forbidden City, halos magkakahawig yung mga house/place pero different ang roles. Like for example, isang place for meetings ng officials, isang place for tagpuan ng Emperor at Empress. Isang place para magkita-kits ang Legal Wife at ang mga Mistress (Empress at Concubines)
Para mas sulit ang pasyal namin sa Forbidden City, nag-rent kami ng attire para F na F ang pagtour. So change costume mode muna.
Halos 2 hours din kami sa loobs ng Forbidden City dahil sa lawak nito. Kaya pala mas recommended ng guide namin na maaga sana para mas sulit ang tour.
Medyo natomjones ang mga kasama ko at dahil tanghali na kaya naman nagpahatid kami sa isang chinese resto na nagspecialize sa Pecking Duck (yung mapagpanggap na ducks).
Si Jenny at si Johnny: Umeendless Love? (nalimutan ko name ni kuya driver)
Peking Duck Carver
After mabusog punta naman na kami sa 2nd desti, ang Temple of Heaven.
Ang temple of heaven ay divided into 3 portions. Andito ang Hall of Prayer for good harvest, Imperial Vault of heaven at Circular Mound Altar.
Bago mo mapuntahan ang taklong area, lakad ka muna sa path na may parang pines thingy.
Then first part ay ang Hall of Prayer.
Tapos lakad-lakad papunta sa next area, Ang Imperial Vault.
365 meters daw tong walkway katumbas ng 1 year
Then ang last ay ang Circular Mound Alatar kung saan sa gitna nito ay ang spot kung saan pinapaniwalaan ng sinaunang Chinese na iyon ay ang sentro ng universe ganyan.
After nito, dapat may pupuntahan pa kaming spot kaso may tinopak dahil pagoda wave lotion na daw at antokyo japan ganyan kaya naman nagpahatid na sa airport.
Since mga 4:30pm ay nasa airport na kami at 1am pa ang flight namin pauwi, nagdecide kami na magbayad for sleeping lounge/room. Yung mga nais magpahinga, matutulogs. Yung hindi pa pagoda like me, ikot-ikot sa airport.
Walang Mcdo sa airport (huhuhu, akala ko makakabili ako ng toy dahil sa commercial, mukang new characters for the week na). Nag-starbucks na lungs me at ginastos ang natitirang kaperahan ko sa isang frap, isang beijing SB mug at isang green planner ng SB.
Di ko akalain na long day ang magaganap dahil noong gabi, bumuhos ang pagkalakas-lakas na ulan sa China. May announcements na may mga cancelled flights ganyan. At sa kasamaang palads, kasama ang flight namin.
Ang mahirap sa sitwasyon, bawat announcement ay in Chinese language. Kung english man, sandali lungs. So kailangan alert at laging usi at pupunta sa booth/boarding gate ng Cebu Pac to know the details. Ang nangyare pala, aside sa lakas ng ulan, yung plane na galing pinas na dapat ay sasakyan namin, aba, nag landing sa Shanghai at hindi sa Beijing. Ayun.
Halos magdamag kami sa airport at mga 4:30am na ng pinasunod kami para lumabas ng airport for the free hotel accomodation sa stranded.
Medyo chaos ang naganap sa pagkakaroon ng free accomodation kasi yung ilan sa kasabayan namin may mga bata/chikiting. Yung iba naman may mga connecting flights ganyan.
Mga 6am nakapag-settle na kami sa hotel (gutom na pero di na ininda, gusto lang makatulog). Yung free breakfast ay sinerve pala around 9 pero dahil pagoda ang mga guest, halos walang breakfast na naganap.
May free lunch na packed ang dinala sa amin na sakto lang at magulay kaso no free drinks. Kanya-kanyang buy ng drinks. (ang masaklap nito, halos wala na kami Chinese Yuan kasi ginamit na namin sa airport dahil akala namin ay aalis na kami.
Buti ay medyo may naisingit-singit na Yuan na for souvenir/remembrance sana kaya yun ang ginamit namin for drinks and extra curricular gastos.
Free packed dinner din (7pm)
Bomalabs naman pagsapit ng gabi. Magulo ang announcement kung wat time kami susunduin at ihahatid sa airport. Nung una, nagpanik ang mga tao dahil tumawag ang reception ng hotel informing na aalis na in 10-15 mins. Magkita-kita sa lobby. Tas boom, false alarm.
Then na-adjust. 10pm na daw. Sakto na ang dating ng sundo. So by 10:30 nasa airport na ulit kami. Antay ulit na magbukas yung check-in counter.
Isa nanamang mahabang gabi ang naganap. akala namin 1 or 2 am ay makakaalis na kami dahil 11 naka-check-in na kami. Then poof. naging 4am daw ang flight.
No choice. Antay-antay. Then pagsapit ng 4am, Poof, delayed! 6.30am na! Grabe. Puyat at gutom ang ganap.
Buti at nakaalis din kami ng 6.30am. Tulog ang lahat ng pasahero during the flight at nakadating kami ng mga 11 sa Manila.
Masaya at nakakapagod ang China trip.
At dito ko na tatapusin ang wento ng pagpasyal ko sa Beijing, China.
O cia, hanggang dito na lungs muna! Take Care!