Monday, February 27, 2017

Weightlifting Fairy: Kim Bok Joo

Hello Hello at isa pang Hello! Kamustasa na mga folks na napapadpad sa bloghouse na ito using google search? Okay naman ba kayo? Hope na okay sa alright kayo.

For today, isa nanamang Korean Drama ang aking i-fefeature sa aking Bloghouse. Ito ay ang series na aking pinanood agter watching Goblin... Ito ay ang Weightlifting Fairy: Kim Bok Joo.


So ganito ang wento. May isang girlay named Kim Bok Joo, isa siyang estudyante sa isang kolehiyo. So while she make aral (parang hindi naman, wala akong nakitang eksenang nasa classrom), while nasa kolehiyo, siya ay atleta ng pagbubuhat ng mabibigat na bagay or sa english ay Weightlifting.


Dahil sa ginagawang pagbubuhats ng heavy weights, si Bok Joo ay medyu chubby-chubby at lakas ang lamon ng food. Dito ipapakita din na may mga beshies sya.


Then one day, mamemeet niya sa school ang isa ding athlete sa larangan naman ng pag-swim-swim na guy. It turns out, kababata niya pala ito noon sa elementarya.


Syempre, sa una, pang-aalaska at pangbabadtrip ang alam ni guy para magpapampam siya kay gurl. Pero it turns out na may crushie pala si guy kay Bok Joo.

As side story, etong si Guy ay may ex and why's na Gymnast naman. Nakipagbreaksung si girlay pero ngayon ay nagbabalik at umeeksena at nais makipagbalikans.


Then, during the story, etong bidang gurlay na si Bok Joo ay nahulog ang vajayjay este ang puso sa isang doctor na nagpakita ng pagiging gentleman. And it will turn out na si doctor (hindi jones) ay kapatid pala ni Guy na may crushie kay Bok Joo.


Then tatakbo na ang iba pang detalye ng kwento. Kung saan kailangang harapin ni Bok Joo ang mga struggles ng being a weightlifter, fambam issue, issue sa puso and stuff.

After watching Goblin, para sa akin, ang series na ito ay so-so lungs.

Hindi sya gaanong enggaging na mapapatutok ka sa bawat eksena (kasi more than 30 mins ata per episode). Most of the time ay ginagamit ko ang fast-forward button ng remote kasi di ko feel ang eksena or walang sustansya or importance ang ganap.

Siguro nakababa din na parang hindi romantically appealing yung one-sided love ni Gal kay Doc. Parang di mo ramdam, or baka di masyarong attractive si 3rd wheel guy.

Medyo drag din ang story at nag-pickup lungs towards the end, so most probably some eksena around episode 11 to end. take note of the word SOME kasi talagang napafast-forward ako.

Kung bibigyan ng score, siguro 7 lang to for me. 7.1 ganyan. Honestly....

O sya, hanggang dito na lang muna, Take Care folks!

Friday, February 24, 2017

Goblin: The Lonely and The Great God

Dumaan nanaman ang dalawang araw ng pahinga at dahil dun ay nakapag marathon nanaman me ng korean series sa balur.

For today, ishashare ko lang sa inyo ang isang serye na aking minarathon. Eto ay isang series na medj popular dahil madalas kapag tumitingin ako sa FB feed ko ay nakikita ko ito.

Eto ay ang series na Goblin (nope, hindi po sya yung sidekick ni Batman!)

Eto

Hindi po ito.

Okay. So hindi ka na confused kung anong Goblin ang tinutukoy ko? So let's get it on.

Noong unang panahon (hindi panahon ng hapon). Sa panahon nila Jumong ganyans, merong isang matapang na warrior, Siya si Kim Shin (nope, hindi yung sidedish ng korea at di kamag-anakan ni Kim Chiu).


Noong una, barista siya ng kape subalit dahil may gyerang ganap chuvaness sa kanilang era ay napilitan siyang maging Warrior (not Ultimate).


Successful si koya sa pakikipag-warla sa mga kalabs. Magaling humawak ng kanyang sandata (wag po darteh mag-isip ples!). Nanalo ang kanyang pulutong sa digmaans.

Bumalik siya sa palasyo kasi akala niya tatanggapin sila ng Haring King king king. Pero No no no noooo waaaay ang reply ng palace.

Di sila accepted (haluh?). Bagkus, pinatay ang mga sundalong lumaban sa gyera at inakusahan si Kim Shin bilang isang Traydor! (huwaaaat!)

At dahil doon na tegibells ang warrior na si Kim Shin kasama ang isang babaeng naka-white pati mga kamag-anakan at angkan ng warrior (di daw po EJK).

Pero teka, teka, teka, teka, teka may twist, for some reason na-resurrect si koyang warrior at naging Immortal (nope, hindi yung sequel ni Angel Locsin ng LOBO). Yun ang nagmistulang giftsung sa kanya. Pero katumbas ng giftsung na iyon, ay curse. Dahil sa immortal si koya, nasasaksihan niya at di makakalimutan ang pagkatsugi ng mga kakilala and so.

Pasalamat daw si koya at di sya naging zombie at tinawag lang siyang Goblin.


Ang solusyon para sa problema ni koya ay kung mabubunot ang sandatang nakabaon sa kanya. (ooo, wag darteh mind ulit). May sword kasi na nakasaksakpuso pero di tulo ang dugo. Ang makakatanggal nito ay isang girlay na tinatawag sa codename na Bride of Goblin.

900 years later, sa recent time, may iniligtas si koyang Goblin na babaeng na-hit-and-run. Imbes na mategibels ay nabuhay ito kasama ang kanyang sanggol na nasa sinapupunan.

Then ipapakita ang isang guy sa katauhan ni Julian ng My Girl pero dito ay tatawagin siyang Grim Reaper, sa tagalog ay kamatayan o tagasundo ganyan.


Siya dapat ang kukuha sa kaluluwa ng babaeng na hit-and-run pero napakealamanan ang buhay. Siya ang nag-aabang sa kaluluwa ng Bride of Goblin na dapat ay noon pa ay na-tegibels.

Nagdalaginding na yung Bata bilang babae sa Cheese in the Trap lols. Dito ay mamemeet niya si Goblin dahil sila ay ang tinadhanang magtagpo.


Dito na tatakbo ang wento kung anong mangyayare kapag nagkainlababohan si Goblin at ang kanyang Bride. Paano na, kapag hinugot ang espada, madededbol si guy. At kapag hindi naman nahugots, si gurlay ang hahabulin ng kamatayans.

What's good about sa serye? Di sya boring. Hindi super serious, dahil may mga sundot ng comedy. Nakakakiligs naman ang mga tambalan (hindi ng balahura at balasubas, see pics below. Okay din ang mystery at twist dahil sa reincarnation sub-stories. At ayos din ang connections ng mga characters sa past life ng Goblin.



Recommended to watch ang seryeng ito. Ang chismis ay nabili ng ABS-CBN ang rights to air this so ekspect nio ang tagalized version with some cuts.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!

Sunday, February 19, 2017

B'T X

Maglalakbay ako patungo sa kawalan
Upang hamunin 'tong pangarap sa buhay
At susuungin ko itong kadiliman
Makita ko lang ang liwanag ng katarungan

Kung nakanta mo ang pangungusap sa itaas, malamang sa alamang ay isa kang batang 90's na inabutan ang isang anime na palabas noon sa Abs-Cbn tuwing hapon, around 3 or 3:30pm (matapos ang mga landiseryeng telenobelang galing sa bansa nila marimar awwww)

Ang tinutukoy ko ay ang anime na tungkol sa mga mechanical beast thingies na may pamagat na. B'TX!


B'TX-x-x-x-x-B'TX, new age super heroes btx-x-x-, batang isinilang, bionic ang laman, laman bituka't atay! Char lang... wag niong kantahin ang song ng Batang X ples!


Halika na Ida at tayo ay mag-time space warp.... Ngayon din!


So ganito ang wento, may magkapatid na boylets, si Crispin at Basilio este Teppei at Kotaro. Nagkita ang magkapatid matapos ang matagal na pagkakawalay dahil nag study abroad si Kotaro.

Kotaro

During the event kung saan nagkita ang mag-brtherhood, sinalakay ang place at nakidnap ng Machine Empire (kalabans) ang genius kiddo na si Kotaro.

Syemps, protective ang brother ng nakidnap at kumapit sya sa kidnaper (insert choco martins... kung wala ka nang maintindihan, kung wala ka ng makapitan song). Kaso nalaglag si Teppei sa isang junkyard.


Nasugatan si Teppei at pumatak ang dugo niya sa isang B'T (isang uri ng mechanical animal/robotish thingy) na nakadispose sa junkyard at nabuhay ang isang metal horse na may name sung na X. Dito kinuha ang peliks na My X and Whys charots.

Nagkabonding si Teppei at X at sila ay naglakbay na patungo sa center ng Machine Empire upang iligtas ang kapatid.


Sa kanilang paglalakbay, kailangang harapin ni Teppei ang mga sundalo na padala ng emperyo ng mga makina at kakalabanin nila ang iba't ibang BT.

Makakalaban/makikilala din ni Teppei ang mga bantay ng emperyo tulad ng mga character sa ibaba.


1. Karen

Una ay si Gina, este Karen po. Siya talaga ang original na owner ni X. Siya ang Bantay ng Kanluran. Siya ang nagturo kay Teppei kung paano lumaban at kung anik-anik sa Machine Empire.


2. Fau Lafine

Si Fau ay ang Bantay ng Timog. Kasama niya ang BT na Red Phoenix named Je T'aime (dyutayme). Siya ang unang nakatalo kila Teppei at X. Isa siyang father na nagdaan sa seklusyon charots!


3. Ron

Ang owner ng B'T na Blue Dragon named Raidou ay si Ron. Isang intsik beho na marunong sa martial arts at spears. Siya ang bantay ng Silangan.


4. Hokuto

Ang bantay ng Hilaga na wala namang kyumad at lisa sa buhok.... si Hokuto. Ang doctor na hindi kamag-anakan ni doctor jones at quack-quack. Kasama niya ang B'T na green pawikan named Max.

Sa pagtakbo ng kwento, magiging kakampi ni Teppei ang apat na bantay ng Machine Empire dahil nalaman nila ang balak ng emperyo na bumuo ng ultimate BT named Raphaello!

Di ko na iwewento ang ending para surprisaaaaaa!

Grabe... nostalgic ang seryeng ito! Meron nga nito sa suking piniratang tabing at namarathon ko ito noong nasa kolehiyo na ako.


O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!

Saturday, February 18, 2017

Lego: Batman Movie

Heyaaaah! Kamusta na kayo mga folks? Nakakalahati na ang buwan ng pukikay este ng puso. At kailangan ng update ang bloghaus so heto nanaman ako at tumitipa at nagsasalitype sa aking blog.

Para sa araw na ito, hindi ang byahe sa Bicol region ang aking ishashare kundi isang peliks na aking pinanood last weekday ng ako ay nag-restday.

Sa araw na ito, ang aking ishashare ay ang pelikula ng Lego. Eto ay ang Lego: Batman Movie. 

Babala, ang post ay maglalaman ng spoilers at kung di mo bet-kabet ang ma-spoil, girly bidi-bye-bye! 


Mag-start ang story sa husky low voice ni Batman na nagdedescribe ng mga bagay-bagay na ipapakita sa screen. Katulad ng logo at more logo ganyan.

Then ipapakita ang isang airplane na na-hijackthis ng isang known villain ni Batman. Si Joker! Ieexplanation niya ang balak niyang kasamaan kasama ang jowawits niyang si Harley at ang iba pang badboys and badgals na nakalaban ni Batman.



So nasa panganib na ang lungsod ng Townsville! Basta town ganyan! Sino ang magliligtas sa bayan? Who you gonna call??? Nope, not the Ghostbusters... kundi si Batman!


Shempre... Bida ang black crusader kaya natalo niya ang kalabang si Joker at nagkaroon sila ng makabagbagdamdaming confrontation. lols,.

Nagwagi si Batman at umuwi sa kanyang bahay at doon malalaman ang kanyang malungkot na buhay. Ang buhay ng pagiging lonely billionaire (insert song ni Bruno Mars na Billionaire here).

Dito makikita ang loyal butler ni Batman na sa totoong buhay ay itatago sa pangalang Bruce Wayne. Ipapaalam ng butler na si Batman ay lonely, he's mister lonely ganyan. At kailangang makahanap na siguro ng pamilya.


Then aattend si Batman ng isang okasyon. Dito ay makikilala ang bagong chief ng kapulisan. Dito unang makikita ang isang batang bagets na orphan na umiidolo kay Bruce Wayne. 

Biglang enter sa eksena ang isang babaeng pulis at nainlababo si Bruce. During that time, tinanong ng bagets kung pede ba siyang ampunin ni Bruce Wayne, at dahil abala ang mata, isip at yagbols ni Bruce ay napa-oo sya ng di namamalayan.

During the event, sumugod ulit ang kampon nila Joker. Pipigilan sana siya kaso biglang sumuko ang mga villains. as in lahat ng kalaban.

Hala! Kung walang badguys na lilipulin, anmangyayare kay Batman???

Duda si Batman kay Joker at nais niya itong maitapon sa tapunan ng mga evil villains portal thingy named Phantom zone.

So ginamit niya ang newly ampon na bagets at ginawa niya itong sidekick upang makuha ang isang gun na makapagbubukas ng portal. Dito na ipapakita ang naka-costume na si Robin (hindi Padilla ang apelyido).


Subalit may ibang balak pala si Joker. Nais niya talagang mapunta sa evil villains portal upang mapakawalan ang mga mas notorius na kalaban. At nagtagumpay nga ito. Nakawala at naghasik ng lagim ang mga kalabans.

Kailangang lipulin ang kalaban, so si Batman kasama ni Robin, ang butler na si Alfred at s ganda gurly police na magiging si Batgirl ay handa nang kalabanin ang mga masasama.


Anmanyayare sa dulo? Dapat alam nio na bibitinin ko at di ko iwewento para may suspense kunwari! Hahahahah. 

Para sa film na ito, bibigyan ko ito ng score na 9! Yaz! 9. Okay sa akin ang film. Humorous (tama ba ang spelling ko? lols) basta nakakatawa! 

Mula umpisa hanggang matapos ang peliks, na-maintain ang mga funny and witty lines and dialogues.

Nag-enjoy din ako sa mga background music na pinapatugtog sa peliks. Nakakadala kasi minsan ang mga songs on how the eksena will works. 

I like the songs like (I just) Died in your Arms and Man in the Mirror.

So in totallity, must watch tong peliks na ito at mas nagustohan ko to sa unang pelikulang Lego Movie.

o sha, hanggang dito na lang muna! Take Care coz I do care!

Thursday, February 9, 2017

(0 0.)

Last week, around thursday ata yun or friday ay bigla na lang nagkaroon ng group invite/conversation sa FB na gawa ng isang kaklase sa high school.

Dumating kasi sa pinas ang isa naming kaklase na nagbakasyones from her work abroad. Since matagal-tagal na din naman na di nagkikita-kita ang madlang folks, nagdecide sila na gumawa ng mini HS reunion.

So nagset, Tuesday daw, Feb.7, mga 5pm daw sa eastwood. Weekday natapat. Ang mga tao may pasok pa so ang iba nagreply at sumagot na not going. Then they left the conversation/chat room.

Yung iba naman, go lang. Syempre minsan lang naman yun. Minsan lang naman ang ganung ganap so reply ng Going ang ilan.

Fastforward... dumating na ang Tuesday. 

May pasok ako ng araw na iyon at ang shift ko ay 9pm-6pm. Lagot na diba, dahil sabi 5pm. Though pede naman malate ang dating, mas maiging maaga ka pa din. 

So gumawa ako ng moves ko sa opis. Yes, i know it's bawal pero bakit ba? Minsan lang naman at di ko naman laging ginagawa. Nag-adjust ako ng konti. Nagterminal break ako. Ibig sabihin, di ko sinunod yung tamang oras ng break ko. Inurong ko to.

Di pa alphakapalmuks masyado ang move ko dahil kung ako papipiliin, i totodo ko ang ang pagterminal. So nag-adjust ako, 5:30 nag 30 mins. break ako at nagpalogout na lang ako ng 6pm. So meaning 5:30, on the way na ako papuntang eastwood.

Dahil jirap jackson makasakay, nag-alay-lakad ako mula sa opis papuntang IPI para isang jeep ride na lang papuntang Eastwood. roughly 25 mins. speed walking ang ginawa ko. 6pm sakto nasa eastwood na ako.

Syemps, ayaw ko naman na uber hagardo versoza ang itsura ko kaya nagpunta muna ako sa isang cr para magpunas ng pawis, magsuklay ng slight at magpabango na din.

6:20, andun na ako sa resto na nakalagay sa conversation. At walang katao-tao... ay meron pala, mga ibang tao. Strangers... It's so strange!

Well, alam ko filipino time so baka talagang delayed lang. Umupo ako sa isang bench na tapat lang ng mismong resto at tanaw ko kung sino2x ang dadaan or pupunta. Baka any moment padating na sila. 

Nakapagsubscribe naman ako sa GoSurf50 ng globe na kahit majina ang signal ay keri lang basta makakapag FB at messenger.

Alam mo yung huni ng mga crickets sa films/series na nagsisignal ng awkward... parang ganun. Walang nagpopost sa messenger. Parang ghost town.

Pumatak ang 7pm ay wala pa din! Nakakaloks! Di ko alam ang nararamdaman ko ng mga time na yun. Pero i need to be positive cause being too nega could create issues and problems. Sabi ko iikot-ikot muna ako sa vicinity ng eastwood. 

Around 7:30 biglang may himala. May 3 folks na ang nasa place at hinahanap ang mga tao. Sila yung may guts na magtanong na dehins ko naman magawa (i know right, di ako sanay magsabi).

So nagreply din ang isa pang kaklase na nasa vicinity na din daw.

So by 8pm, 5 folks lang kami. At eto na.... may bombang pasabog. Yung main reason bakit nabuo yung mini reunion na event ay di makakadating dahil najospital ang mudraks.

Naiintindihan ko naman na family first pero Y o Y na di nalang niya sinabi agad. Na-afraid ba sya na magbackout pa lalo ang iba?

Peroperopero... Nakakainis, yung ibang nag-going tapos wala. Alam mo yung naglaan ka naman ng panahon sa social life pero ewan.

Eventually after 8, medyo isa-isa namang dumating ang iba, nadagdagan ng paisa-isa, hanggang maging 9 kami, 10 kasi kasama ang wifuu ng isang kaklase.

Well, its kinda catchup moment lang pero ewan ko ba. Hanggang ngayon di ko maprocess ang nararamdaman ko.

Alam mo yung feels na nakakamiss makasama yung mga taong nakasama mo ng 4 years sa High School pero alam mong iba na.

Alam mo yung eksenang napapa-wow ka sa narating nila tapos madodown ka na anong nangyare sa iyo. Yung kapag nag ranking kayo ay nasa ilalim ka in terms of progress.

Alam mo yung happy ka na sinabihan na sumama ako sa gathering pero at the back of your mind, naiisip mo na noong mga nagdaang taon nga di ka naman talaga nila iniiinvite, yung hindi ka parte ng circle nila.

Siguro ang mini reunion na ganito ay ang magbibigay reyalidad na kahit na okay naman ang relationship mo sa mga kaklase mo noon, hanggat hindi ka nakakapasok sa circle, wala ka.

O well.... That's life... got to move on, look back sometimes yet you need to look forward.

O sya, hanggang dito na lang muna. TC at pasensya at nabiglaan ang personal post.

Monday, February 6, 2017

Resident Evil: The Final Chapter

Waraps! Kamusta na kayo mga folks? Okay naman ba kayo? Good! Hopefully ay okay sa alright ang inyong feels at hopia na GV ang monday ninyo.

Kahapon, after kong jumoin sa teambuilding ng team namin sa Tagaytay, pagkauwi ay nagpunta sa pinakamalapit na mall at nanood ng peliks. 

Dahil limited lang ang numbers of movie area, ang new film na aking pinanood ay naka Directors club thingy. So no choice kundi go na keysa lumipat pa ng mall.

So pagkaupo sa comfy reclining chuva chair and popcorn on the side, nagsimula na ang peliks na aking bibigyan ng review-reviewhan.... Ang last este Final Chapter ng Resident Evil..... ang Resident Evil: The Final Chapter!

Babala! spoilers ahead....


Magsisimula sa narration sa flashback kemerut-kemerut ng mga ganap sa past resident evil. Ang start ng T-Virus (T for Tibo charots). Papakita din kung paano ito nagsimula. 

Isang tatay ang may junakis na may rare na sakit na ang junanak ay tatanda ng mabilis. So gumawa ang father ng cure to kill the sakit... and thus the creation ng T-virus.

Kaso kailangang may kontrabidang eeksena, yung partner ni father ay ang creator ng T-virus at ginamit ito upang gumawa ng staged and organized mass destruction para magkaroon ng clean slate. Thus nabuo ang organisasyon ng Umbrella ella ella eh eh eh under my umbrella.


Then, magpapatuloy ang peliks somewhere out there kung saan sira-sira at gulagulanit na ang isang bossa nova (City). Ipapakita sa screenlaloo ang pinakabida ng pelikula... si project Alice.


May fight scene siya against sa isang flying monster. Syempre, bakbakan ang ganap. Aattack ang monsterloo pero makakaiwas ang bida and stuff and syempre lalaban sya at dahil bida, matatalo niya ang kalabs.

Then eeksena ang Artificial Intelligence thingy from the first film, ang Red Queen. Ichichika minute niya kay Alice na pumapatak ang metro at nauubos na ang oras, kailangang mapuksa ang T-virus kung hindi, madeded Failon ang humanity.


Binigyan ng ultimatum na 48 oras si Alice para sa isang misyon. Ang misyon ay makuha ang Antivirus na Kaspersky, Malwarebytes, Trend Micro at Norton kayang pumuksa sa mga nilalang na naapektuhan ng T-Virus. Matatagpuan ito sa original place ng Resident Evil film, ang Hive na matatagpuan sa Raccoon Citeeeeey~!

Di gumagana ang Uber kaya nag-Grab-a-motor tong si Alice at nagtravel na papunta sa city. Along the way ay pipigilan siya ng kalaban na inakala ng bidang napatay na...Ang lalaking umiibig sa Mother of Dragons... si Jorah Mormont.


Bakbakan kemerut-kemerut habang pumapatak ang countdown to humanities destruction. May hoardes of Zombs ang dala ni Jorah. Si Alice naman ay napadpad sa isang spot sa Raccoon city na may mga humans pa at kailangang makaligtas sa zombies.

Dito mare-reunite si Alice sa kanyang friendship na si Claire na kasama ang iba pang refugees na humans. Nagsama-sama sila para matayin ang batch of zombs na papalapit sa kanilang base.


Kulang na sa time at kailangang maisakatuparan na ni Alice ang kanyang mission. So together with the remaining strong bones na madlang people ay nagpunta na sila sa Hive.




Sa loob ng Hive, isa-isang nategi-tegi-tegi-tegi-tegi-tegi-tegi ang mga members until nagkaroon ng final 3 (ano to parang pageant?). Then magkakaroon ng mga reveals and stuff at eksena.

For the ending.... syempre di ko na iwewento... sayang naman ng very very light kung ispluk ko lahat ng details no!

For the movie, bibigyan ko ito ng score na 8.6 (dahil inabot ng 6 movies para ma-end ito).

Not bad film. Exciting in a way. Nakakagulat at maaksyon naman ang mga bakbakan and stuff. 

Pero syemps, since back to the original place ang eksena, parang Meh for me yung ibang ganap lalo na yung laser-laser thingy... yeah, good sha in terms of recall factor pero idk, di ako gaanong na-excite.

Btw, nabalitaan kong may eksena ang gosengpyaw sisterets pero sareee di ko talaga sila napansin sa film.


Parang nakita ko yung pink hair sa eksena pero yung isang gurl ay di ko nakita. hahaha. Pero kung nakasama sila, good job for them... 

O sya, hanggang dito na lang muna. Take Care folks!


Friday, February 3, 2017

Please Come Back Mister

Ambilis ng panahon! Imagine, last month nagstart ang January, ngayon March na! Joke! Alam kong ganyan ang linyahan ng mga bitterano kapag sumasapit na ang buwan ng mga pu.... puki este Puso.

Pero doncha worry, di ako kabilang sa mga ganyang ganap. Tanggap ko na ang singleness moment and i'm okay kahit walang lablayp, di ko naman ikamamatay yun hahahah.

Heniway for today, I will share another Korean Series na aking nipaanood nitong katatapos ko lamang na weekend (na weekdays hahahah).


Magsisimula ang wento sa dalawang Ajjusshiiii. Sila ay nasa isang train station kemerut at matatauhan ang dalawa na sila ay na ♫♪♫Tegi-tegi-tegi-tegi-tegi-tegi-tegi♫♪♫. Flashback ng buhay ng dalawang guys.


Nadead Failon na ang dalawa at nalaman ang kanilang kapalaran... Going to Heaven ang byahe nila. Pero tumugtog along the train station ang kanta ni Idol....

♫♫Di ko kayang Tanggapin♫♪

Di tanggap ang kanilang biglaang pagkamatay at feel nila huhubells ang mga naiwanan nilang fambam. So they make jump out of the Thomas the train to busan at nakausap sila ng isa sa mga bantay ng langit.


Binigyan sila ng chance para makabalik sa lupa para sa kanilang unfinished business... kung ano man iyon. Pero isang shocking twist ang ganap.

Syempre, nailibing na ang katawang lupa ng dalawa kaya di na sila pede bumalik sa kanilang shake body body dancer. Kaya ang ganap ay nailagay sila sa different body.


Si unang Ajjushiiii ay napunta sa isang katawang lupa ng isang hunky hunk ni Rain after mag military service. While the other ajjushiii ay napunta sa isang sexy gurly bodeh. (check image above).

Pero pero peroppi... may rules na kailangang sundin ang dalawang guysh na nakabalik sa lupa. Bawal nilang ibukelya ang kanilang tunay na katauhan, bawal silang maghiganti at bawal silang mangealam masyarow sa buhay ng may buhay.

Yan ang synopsis ng serye pero may ibang ganap sa story katulad ng:

1. Ang jusawa ni unang ajjushiii ay tila binabakuran ng ibang guy (which will turn out na ex-lover ng asawa).

2. Si other ajjushiii ay inlababo sa isang girlay na di niya nagawang ipaglaban noon at nasa kamay na ng ibang guy subalit nag-uundergo sa distress ang dansel.

3. At ang string of fate na konektado pala ang buhay ng dalawang ajjushi.

Maganda at nakakatuwa ang serye na ito. Medyo light at medyo comedy na may nakakainis din na characters pero hindi uber nakakabadtrip in a way na mabwibwisit ka ng bongga. May kilig at nakakaluhang moments.

Isang recommended series.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!