Monday, January 11, 2010

Khanto Pick: No Bra



Kung babasahin ang titulo, aakalaing malaswa na agad. Di ko alam kung bakit ganito ang titulo ng manga o japanese comics na ito pero ito ang paksa sa araw na ito. NO BRA!

Ang manga na ito ay medyo sensual at medyo bagay nga sa titulo na No Bra subalit sa 25 episodes o chapters na nababasa ko, di ko pa gets kung bakit ganito ang pamagat. Wag na nating problemahin pa at magpatuloy na.

Ang No Bra ay kuwento tungkol sa isang binatang high school student na namumuhay bilang isang idependent na tao. Siya ay nakatanggap ng sulat na ang kababata ay darating at makikitira sa kanya. Matagal na ng huli niang nakita ang kababata. Sa di inaasahang pagkakataon, ang kababata na kanyang inaasahan naa lalaki ay hindi dumating. Bagkos, isang sexy at cute na babae ang lumutang. Nagkamali ba sya ng alaala at naisip nia na lalaki ang isang babae o isa talagang lalaki ang kaibigan nia na ngayon ay isang ganap na babae?

Sa takbo ng kuwento, Ang kababata nia na si Yuki ay may paghanga sa kanya noong bata pa sa kadahilanang pinagtatanggol sya noon.

Ang kuwento ay gumulo sapagkat ang binata ay naaakit sa alindog at seksing kababata subalit kailangan niang magpigil dahil ito ay lalaki. Lalong gumulo dahil si Yuki o ang kababata nia ay mag-aaral sa kanyang paaralan subalit magiging eskandalo kung malalaman na parehong magkasama sa iisang bubong ang lalaki at babae. Isa pang takbo ng kwento ay nabibighani din ang bida sa kanyang kamag-aral na isa ding hot chick at naging GF nia subalit di nia maalis sa isip ang mapang-akit na katawan ng kababata. Dumagdag din saa kaguluhan ay ang teacher ng bida na nalaman ang sikreto na magkasama sa bahay ang dalawang estudyante na isang lalaki at babae. Walang magawa ang bida kundi mahulog sa blackmail ng teacher na tumira nadin sa condo nia ang guro. Ang masaklap nito ay isa ding vavavoom ang teacher nia.

Sa gitna ng kwento ay matutuklasan ang lihim na ang bidang lalaki ay hindi pala ang taong tumulong sa kababata noon. Bagkus, ang babaeng syota ng bida ang tunay na savior ni Yuki. Paano nia sasabihin sa kababata na babae talaga ang tagapagligtas ni yuki at nasayang ang pagbabagong anyo nito. Paano nadin ang puso na nahahati sa dalawang binibini na umakit sa puso at isip ng bida?

Abangan ang kwento sa onemanga.com- NO BRA!

Heto ang ibang larawan ng ibang episodes/ chapters:








0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???