Friday, December 30, 2011

Khanto's Giveaway 2012

Kahaps lang nalaman nio na meron me na mini pakulo-kulo pero hindi tubig. Oo, ako na ang medyo gaya-gaya puto-maya paglaki buwaya. Haahahaha. Dahil medyo uso ang mga kontest at gift giving, nakikigaya po ang Kwatro Khanto.


Within the span of  more than 24 hours ay nag-isip ako ng pautot kung pano magiging procedure ng mini pakulo. Dami kong inilabas na brain cells at pinagana ko ang brains ko na medyo inaagiw na. Ayun. Meron na!

Di nio na po kelangan mag-like sa pesbuk page ng kwatro khanto. Dehins nio din kelangan mag palow sa chwirrer. Di rins ito padamihan ng likes! :D

So ang procedure? Magpopost lang kayo ng pic at gagawa ng kwento or repost. Joke. Tatak na iyon ng ibang nagpakontest na sinalihan ko. Ayoko naman maging uber copy-cats. hihihih. Sisimplehan natin.

Wala kayong gagawin (well, technically, meron kayong gagawin no) kundi magrep (reply) o magcomments dits sa post na ito at sagutan ang katanungan na ito.

Tanong: Kirara.... Ano ang kulay ng Pag-Ibig?




Syemps joke yun no! Hahaha. Ang sumagot super gullible. lols.


Heto na... totoo na etits.


"What's your Unkabogable Quotable-Quotes sa Buhay?'

Magbigay ng inyong personal words of wisdom na pedeng i-share sa mga pips. I commento lamang dito sa post na ito at may entry ka na! (isn't that amazing?! [parang sa home tv shopping voice])



Wag kayong mabahala kasi walang mag-jujudge ng quotable-quotes nio. Ahahaha. Lahat ng sagot ninyo ay considered best answers kaya ang mananalo sa pakulo ay base sa pinaka scientific at pinaka accurate way to find the winner...... Palabunutan!

Ayoko kasi ng Random.orga eh. Dapat yung medyo kakaiba. Bwahaha. 

Ilan ang mananalo? Isa lang po. Sensya na, though bigatin ako in terms of weight, di pa ako bigatin at kasing galante ng mga tinitingala at mga uber sikats na mga bloggers na itago natin sa mga pangalang Bino, Gasul, Bulakbulero, Zyra, Gillboard at Bulakbulero. hehehe.

Nabanggit ko na ang premyo ko last time, pero for the benefit na makumplets ang post na ito, kelangan medyo paulits-ulits.

[edit]

-Dahil na-okray ang prize na book na nalagyan ng pangalan... Brand new book na ang ibibigay ko. Kakahiya naman na Almost Segunda Mano ang ipapamigay ko.  Pick 1!



-Capsule Toys (Ang Kapsulang Gala- available colors: Green, Red, Yellow or Blue)


-2 One Piece Cellphone Straps (Zoro and Robin design)


-Isang Mcdonald Dangler (your choice of design)


-TKJ DVD (Hindi po Tito, Kic and Joey, Thai-Korean-Japanese DVD)[optional kung trip nio pa ang dvd peliks]

Promo Period ay Jan. 1-2. Lols. Joke lang. Patagalin naman natin ng 1 week. Jan. 1(12am) to 8, 2012(12am)

[edit] Dahil may nagcomments na ng quotable-quotes... Sige, Dec. 30, 2011 to Jan 8, 2012.

Raffle draw sa Jan. 8, 2012.

Kahit sino pede sumali basta ang address na padadalhan ng prize ay sa pinas only. Kenat be po ang magpadala abroad. 

Ang mananalo ay iiinform via blog post at hihingin ko ang address at namesung.

Per DTI-NCR -Permit No A3-4567, Series of 2012 (charot)

O cia, TC! Mwah Mwah Tsup Tsup. lols

52 comments:

  1. Pasali ako Kwatro Khanto. Eto ang lahok ko:

    "Ang mga instructions ay gabay lamang. Meron pa rin tayong sariling free will."

    Lol.

    ReplyDelete
  2. sali me!!!

    Life is short, gawin natin makabuluhan ang bawat oras..:)))

    ReplyDelete
  3. Ahahahaha... masaya toh! count me in! =)


    What's my Unkabogable Quotable-Quotes sa Buhay?

    "Kung ano ka, yun ka... kung ano ako, eto ako! Prangkahan lang yan. Walang mangyayari sa buhay mo kung tatahimik ka lang at magpapa-alipin sa iba. matuto kang lumaban. Masarap kaya ang feeling kontrabida. At may pagkakataon na ikaw ay tatawagin na isang BIDANG-KONTRABIDA!!! BWAHAHAHAHAHA... "



    - mukang ewan lang pero, seryoso yan ah. ahaha..
    (remember, walang kwenta ang isang blockbuster movie kung walang kontrabida. LOL)

    ReplyDelete
  4. “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo..Dapat lumandi ka din.” - sabi ni bob ong dati :) I agree.

    ReplyDelete
  5. Sorry naaaaa!!! Nahiya ako sobra.

    ReplyDelete
  6. "madaming bagay ang di mo basta basta maiuunlike, dapat matutunan mo muna itong i-like, kahit gaano pa ito ka dislikeable."

    dapat ba orig? ahahha di pede kopyaherd sa books? LOL pero orig yan, kakaisip ko lang nung isang araw, inspired by facebook. LOL

    ReplyDelete
  7. Sali po.

    "Para sa akin, ang pagba-blog ay isang privilege. Hindi ito karapatan. Oo, may karapatan tayong sabihin ang gusto nating sabihin. Pero may kaakibat itong responsibilidad."

    ReplyDelete
  8. sali rin ako dahil gusto ko ang mcdo dangler :)

    LOVE is just a feeling and can just fade away; rather it is a CHOICE, that no matter what, you will always choose to LOVE!

    sorry naman kung makeso, in-love kasi haha.

    salamat sa isa na namang matinding pakontes sa kalakhang blogosperyo, more power khantotantra!

    ReplyDelete
  9. Para sa mga nega na bagay, tao at pangyayari na umeepal sa payak kong pamumuhay...

    "I'm Busy, I'm having the time of my life."

    ReplyDelete
  10. Grabe UNFAIR!!!!!!!!!!!!!!!!!!! BAKIT ONLY PINAS???!!!!! Kapag ako nanalo, papadalhan nalang kita pampadala..LOL di ako naibili ni mama ng 'wag lang di makaraos" ubos na daw sa cebu. Okay andami ko na shit, ito na sa akin, original sa akin galing ito, nahirapan ako isipin ito sa loob ng banyo.

    "HINDI LAHAT NG GALING SA PUWET AY TAE - ITLOG"

    ReplyDelete
  11. whahahaha ang simple pero may katuturan ang pakonter mo....
    sasali ako dito no hehehehehe...

    ito sa akin... Oks lang na umiyak ng umiyak pero huwag ka lang bibigay at bumitiw sa mga daloy ng buhay.

    ReplyDelete
  12. Bwahahahahah! Ambilis nang edit ah, Kanina kakabasa ko lang sa schwitter! Akin nalang yung segunda mano Gelo. LOLS!

    ReplyDelete
  13. pre pasali din ako hah! eto un entry ko!

    "kung ayaw mong mainlove ng husto, wag kang lilingon pag daraan ako"

    ReplyDelete
  14. Hwaw! Daming premyo! Pasali ah.

    "Mahirap ang buhay. Kaya lagyan ng konting kulay, bigyan ng saysay, at magsumikap upang magtagumpay. Para kahit ika'y isa nang bangkay, ikaw pa rin ay nakasmyl!"

    Kahit yung zoro strap lang ok na idol. Hohoho.

    ReplyDelete
  15. Nahirapan ako alalahanin yung lagi ko sinasabi sa sarili ko para humaba ang pasensya ko.

    "Ang pakiramdam ng isang tao ay nakadepende sa kung ano ang pinili niyang maramdaman!" -- YOW.

    Kung walang sense, sorry naman. Gusto ko lang magparticipate. LOL.

    ReplyDelete
  16. Sali ako jan!

    "Pwede mo kong saktan, paiyakin at apakan. Pwede mo ring durugin ang puso ko tulad ng paminta at bawang. Pero kahit kailan hindi mo ito mapapahinto at mapapasuko."

    hahaha pampam lang!! wala bang consolation?? ahahaha mukang dehado ako eh

    ReplyDelete
  17. Syemps naman sali din ako ha , ako pa ha ha .

    Well , ito ang unkabogable quotes ko :

    " Do not worry when everyone is telling you that you are somewhat very different from them . Just tell them that it's because they are all the same "

    Gudlak !!!!

    ReplyDelete
  18. para kay Eros idol ang pagsali ko...hehehe

    "Huwag mong hintayin punasan ng iba ang sipon mong tumutulo sa ilong, hindi lahat ng panahon may magkukusang iba" (Tabian)

    oha, oha...kasi me sakit na naman ako kaya naisip ko yan

    ReplyDelete
  19. @pinoy wondering boy, sure naman po. May entry ka na po :D

    @mommy razz, oks, may entry ka na din :D

    @leonrap, thanks sa pagjoin. accepted entry.

    ReplyDelete
  20. @rah, thanks sir panda sa pagsali

    @Gasdude, hahahaha, oks lang sir. hihihh. nahiya din me na may name ko yung book.

    @Ian, pede naman kopya sa iba :D

    ReplyDelete
  21. @rence, thanks po sa pagsali. :D

    @mcrich, salamats po. oks lang na ma-keso :D

    @orange wit, heheh, tenks po sa pagjoin

    ReplyDelete
  22. @akoni, hehehe, edi padala ko sa address ni mommyrazz tapos send nia sa iyo

    @axl, hehehe, tnx,. tama yung quotes!

    @K, sige, sa iyo na langs segunda mano. :D

    ReplyDelete
  23. @palakanton, wahahaha. nice. thanks

    @Gord, salamats much

    @yow, heheh, ang ganda nga ng quote mo e

    ReplyDelete
  24. @jheng pot, salamuch sa pagjoin. depende po pag bumait me :p

    @edgar, nice quote! love ko to! Thanks

    @tabian, oi, tenksyu!

    ReplyDelete
  25. "Doing your best is not enough, but do what is required."

    babalik na ulit ako sa blog ko manalo lang ako sa pakontest ni Khant. ;) hahaha. Happy new year!

    ReplyDelete
  26. Ay sasali din ako dito. Hohoho!

    Ito ang entry, lumabas to kaninang nagchachat kami ni Xander:

    "Nung nanood ako ng Zombadings, nakaupo lang ako sa tapat ng CCP. Iniisip ko, ano kayang magandang iblog.
    Then, I realized na nagboblog ako ng personal kong buhay para sa sarili ko. That's when I realized na lahat ng pwede ko isulat, maganda kasi, buhay ko yon. Ampangit namang isipin na pangit ang buhay ko, lalo na kung ako yung iisip nun, diba?"

    Hay, sana manalo ako... please. :D

    ReplyDelete
  27. ay pang love ang unkabogable quote ko eh :

    Sabi ko kahit hindi tayo dumating sa isang romantikong relasyon, basta hindi natin babasagin ang manipis na salaming naghihiwalay sa atin, upang hindi tayo malayo sa paningin ng isa’t isa. Basta huwag.

    ReplyDelete
  28. teng tereng teng! this is for the kikomachine. oyeah!

    'kung gusto, may paraan. kung ayaw, may maraming dahilan'.

    ReplyDelete
  29. Aq sa2li aq!

    "Every lie contains truth and every truth contains lie"

    Kung mana2lo man aq, gsto q ung book, ehehehe

    ReplyDelete
  30. Wow, natawa ako ng bongga sa post mo. Haha. Grabe laugh trip ko. Anyways, pasali ako. Eto ang aking unkabogable quote.
    "Sa lahat ng pagkakataon, kahit na hopeless at naiinis o anuman, panaigin ang 'positive thoughts' at habaan ang pasensya."
    hehe ayan. Yan ang 2011 ko. Happy new year po! ^_^

    ReplyDelete
  31. Patambay at pasali na sa munti mong pakulo....

    ""In order that people may be happy in their work, these three things are needed: They must be fit for it. They must not do too much of it. And they must have a sense of success in it." --John Ruskin "

    favorite quote ko yan this year nung time na binabalak ko magresign.

    ReplyDelete
  32. pasali din ako :)

    ang unkabogable quote ko eh soo cheeeeezzy!

    "Kung sabay tayong isinilang sa mundo
    at kung isang libot sampong araw ang itatagal mo dito
    gusto kong sa pang isang libot siyam na araw ang magiging kamatayan ko.~teng"

    ReplyDelete
  33. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  34. pasali din ako:

    "There are reasons why failing and there are purpose why failing. There are ways to get away from failure and there are ways to stand up from failure. In the end, failure doesn't necessarily mean a degrade but an upgrade."

    ReplyDelete
  35. ay pajoin ako.. hahaha...

    "Whatever your thoughts may be, if you don't say them, none of it will be acknowledged by others. ~ Tomoyo Daidoji"

    trip ko yung capsule toys and books.. hehe

    ReplyDelete
  36. @karen, tama, bumalik ka to join :D

    @Chad, heheh, nice1

    @Bino, oks lang naman kung pang love

    ReplyDelete
  37. @Nieco, ahahah, amen to that!

    @TR, salamat sir, alin sa 2?

    @Zen, true, positivity!

    ReplyDelete
  38. @cuteberl, salamats sa pag-join :D

    @christeen, naks, ayos ang quote

    @simply me, i agree!

    ReplyDelete
  39. Ang aking unkabogable quotable quote of my buhay ay...

    "Our God is an Unlimited God. It is only us who gives the limits."

    Congrats po sa pakulo mo kuya. I pray manalo din ako :)

    ReplyDelete
  40. "Life is too short. Dream big. Give love. Live LIFE."

    Happy New Year, Gelo!

    ReplyDelete
  41. lahat daw ng masarap bawal. kung ganun, bawal na pala ako ngayon?

    ReplyDelete
  42. currently may 29 entries na! tnx guys

    ReplyDelete
  43. @zyra, salamat po

    @leah, happy new year dins

    @bulakbulero, wahahahah!

    ReplyDelete
  44. pasali na rin :)

    "wag mabahala sa magaganap sa hinaharap, kasi di mo pa siya hinaharap - pansinin ang ngayon, gawing tama ang ngayon, ang bukas ay mismong maglalarawan sa mga ginagawa mo ngayon." :)

    ... :)

    ReplyDelete
  45. anumang desisyon ko sa buhay ay hindi ko pinagsisihan dahil ako mismo ang drayber ng aking buhay...

    ------

    mejo sablay ito ng konti.. hahaha basta ko na lang inisip...
    pajoin aketchh khanto mwahhhh!!!!

    ReplyDelete
  46. sali din...


    "huwag magpaapekto sa panget na nakaraan,bumangon,gumapang tumayo para sa panibagong bukas"


    :)

    ReplyDelete
  47. dahil inlababo ako, tungkol sa pag-ibig ang unkabogable quote ko. hehe.

    "Mag-antay ka pero wag kang maging bulag; pwede kang tumingin pero wag kang magbabad. Dahil ang pag-ibig eh parang titeng maugat na kapag nasobrahan sa sakal, nanlulupaypay. Pero pag hinimas nang tama, humanda na sa umaatikabong bakbakan – Motolite pangmatagalan!"

    sana manalo para swerte ang pasok ng taong 2012! lol!

    ReplyDelete
  48. ngayon ko lang to nabasa. sana pwede na to. resolution ko to last year.

    Relationships shouldn't be complicated. It's only us who complicates it. If you love that person, then you love that person. No what if's. No but's. It's that simple.

    ReplyDelete
  49. sali. pahabol.

    "puto is the default dessert in the Philippines!"

    at may explanation pa yan http://goo.gl/ZIR4l

    ReplyDelete
  50. Thanks sa mga pahabols. thanks thanks thanks

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???