Thursday, May 7, 2015

May Random Post nanaman Ako


It's me.... Khanto.... i'm back matapos ata ng ilang weeks na wala post at pagpaparamdam. El Nino kung baga. Pero kelangan may atlist 1 post for month para hindi tuluyang maglaho ang bloghouse na ito kaya naman heto't nagsasalitype nanaman me para sa inyo ng kung anik-anik.

A. Kung naaalala nio na nabanggit ko na ang next gala ko dapat last month ay sa Kalinga to visit the oldest tattoo maker na si wang-od, well, di ako natuloy. Missed opportunity.

B. Bucket di natuloy? Unfortunately ay tinamaan nanaman ako ng sakit na gastro achuchuchu or in simple terms, nagtatae ng wagas. Ayoko namang bumiyahe sa vengabus na kumukulo ang tyan at any moment ay pedeng majebs.

C. Natuloy ang pagpapakulay ko ng buhok last month. Kulay blue, kaso di rin nagtagal kasi nailigo ko sa swimming pool noong nagsummer outing kaya ambilis nag-fade ng kulay hahaha.

D. Speaking of the summer outing namin last month, masasabi ko na 3rd time is not a charm. Di ko ganong na-enjoy ito compared noong last 2x na nagpunta kami sa same location.

E. Bakit di ko na-enjoy, maybe dahil nadin sa ilang mga tao. Compared sa past outing na doon ginanap sa Whiterock sa Zambales, mas close ko ang teammates. Pero etong nagdaan, ewan, sabog, watak-watak ang team.

F. Bakit watak-watak? mostly di uber unified ang team namin plus yung mga usual na ka-close ko ay wala na tapos yung ibang members ng team namin ay connected sa past team nila kaya naman kakarampot kami.

G. And another factor ay ang news na sumabog sa worklife ko days before the summer outing. Ang TL namin ay promoted in some way and sa kasamang palad, sa pagbabago, ililipat ang karamihan sa amin sa ibang team.

H. Imagine, sa halos na 3-4 years na kabilang ako sa isang team at madaming uber sayang memories, sa isang iglap lang, boom, i'm no longer part of it at makikisiksik sa ibang team na di ko feel.

I. Lastweek namin lastweek (redundant right) tapos this week, i'm part of a new team.

J. It sucks na during ng mga ganap, i feel so vulnerable. Nuks, ang arte. vulnerable daw. lols. Di ko maiwasan maging emo dahil napahalaga na sa akin ang past team ko.

K. What's more, sa new team, heto at bumulaga naman ang news na may team building/outing kami sa Cagbalete Quezon. Like, di pa nga nakaka-move on e biglaan ang lakad this month. Di pa nga ako nakaka-adjust e.

L. Tapos syempre mahirap magdecide. Imagine, pag di ako sumama, ang sasabihin wala akong pakisama at i'm alienating myself. 

M. Then dahil sa mga ganap, medyo nagiging sickly din ako, somehwat may connect din siguro ang immune system ko sa mga nagaganap. Sakitin me.

N. At dahil sakitin me, halos tambay ako ng boring na bahay at nakakulong sa kwarto na ramdam ang init ng summer days.

O. Sa kabagotan, napanood ko na muli ang seasons 1-4 ng Game of Thrones.

P. May nabili akong books na may name na #hugot, #hugotpamore at #abamatindi. Rating ko, bagsak. 5 out of 10 or 4 out of 10. Have seen most of the jokes sa twitter and fb. Pinulot from there, kinolekta at ginawang book. Walang fresh. Ay meron naman, mga 2-5 items. Kumbaga sa twitter, malamang puro scrolldown ginawa ko.

Q. Mothers Day na sa sunday, advance happy mothers day sa mga mudrakels ninyo or asawa or kapatid na mother na.

R.Wala akong comment about sa laban ni Pacman. Nope. IDC.

S. Dubsmash is so April, Dadbod is May.

T. Gusto ko sana yung Zenfone 2 na talk of the town lately pero walang purpose much sa akin ang phone hahahah

U. Excited ako sa magiging new season ng survivor, yung 2nd chances. Lahat returning players. 

V. Sa issue ni Mary Jane..... Nakakaloks ang putak ng magulang niya. Medyo ingrats.

W. Malapit na ipalabas ang Pitch Perfect2.

X. Gusto kong manood ng play na 'Kung paano ako naging Leading Lady'. May book ako nito kaya alam kong maganda to.

Y. Andaming random memories ng past ang bigla kong naaalala.

Z. Hanggang dito na lang muna, ubos na ang alphabets hahahaahah


3 comments:

  1. naku dapat mong paanoorin ang leading lady dalhin mo din ang libro mo andun lagi si sir carlo...

    ReplyDelete
  2. I could imagine ang nararamdaman mong separation anxiety dahil sa pagkawalay mo sa mga naging super close mo nang work mates. Mahirap talaga ang ganyan. Bubuo ka na naman ng mga bagong "pakikisamahang" mga kaibigan >.<

    Anu yung Dadmod? lol
    (ma-google nga yans XD)

    and Happy Mother's day sa iyong butihing ina sir Gelo!

    ReplyDelete
  3. Haha tuwa ako sa mga "bakit -- sabay explanation"

    Normal lang naman maging vulnerable at emo pag iba na nga set ng mga team mates / friends. Awkward talaga mga ganyan, kaya eto - hugs!

    Wala bang pic ng blue hair, bet ko patingin! :)

    At sana matuloy na ang trip mo to Kalinga, push na, more diatabs na lang na baon para papakin sa byahe :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???