Wednesday, April 22, 2015

Avengers: Age of Ultron Movie Review

Hello!  Hey hey hey! Zup! Somebrang tagal na ng last salitype ko sa bloghouse na itwu kaya naman kailangan na magkaroon ng lamans at baka tuluyan na itong matabunan alikabok at matunaw sa tindi ng init ng summer.

Ngayong araw na ito ni-release sa pinas ang peliks ng mga nag-aabangs sa pagsasanib pwerta este pwersa ng mga Marvel Heroes. Eto ay ang peliks na Avengers: Age of Ultron.

Wag ka na magtaka kung may movie review-reviewhan ako dahil isa ako sa mga fan na gustong mapanoods kaya naman sa day 1 pa lungs ay nasa sinehan na me at pumila-balde para ito ay mapanood at agad-agarang mag-review para may spoiler achuchuchu.

OO! May spoilersssss ang post na ito kaya kung takot kang malaman ang wento kasi sa weekends ka pa manonood or aabangan mo sa suking pirats  at torrent site, aba, this post is not for you.








So ready ka na ba?



Avengers........ Assemble!!!!




Sa isang lugar, sumugod mga kapatid ang Avengers na sila Ironman, Thor, Hawkeye, Blackwidow at Captain America dahil gusto nilang bawiin ang batuta ni Loki este staff.

Matagumpay naman sila dito. Syempre kailangan may screentime ang mga heroes at main avengers para naman alam ninyo at matandaan nio kung sino-sino nga ulit sila.

Katulad ni Thor, na tanging may kayang humawak at bumuhat ng Palakol ni Diva named Mjolnir. Kailangan maipakits sa madla na baka dugong Targaryen din itong si Thor.



Meron ding airtime ang binibuildup na labteam sa avengers na si BlackWidow at ni green guy Shrek errrr si Hulk pala.




Medyo hesitant si Green guy na makatambalan niya si Blackwidow dahil baka daw masaktan ito Dahil siya ay monster at ang kanyang junjun ay nagiging monster-size din daw. Baka daw masaktan sa Upo (Bottle Gourd sa ingles)  si BlackWidow.

Pero tama na daw muna ang airtime ng mga bids at tuloy sa kwents. Mula sa batuta ni Loki, inanalyze ni Tony Tony Bo-Bony Bonana Fanna Fo Foni, Fee-Fi-Mo-Mony..Tony niya at napag-alaman ang isang artificial intelligence thingy.

Unfortunately, itong AI (not American Idol) ay medyo eps at naging kalaban. Syempre, anong saysay ng peliks kung walang magiging kontrabida at kakalabanin ng mga heroes. No-no-no. So enter sa eksena si...


Amsaree... Hindi pala si Ultraman ang kalaban... Bingi lungs ng slight... Pero dapat alam nio na possible may kinalaman ang title ng peliks sa name ng kalaban.... Yeah, it's Ultron na taga Ultra.


Round 1 sa paghaharap ng mga bida at kontrabida, siyemps dapat bugbog at dehado ang mga heroes. Impossibleng natalo nila agad ang kalabs... Isosoli ko ang 230 petot na bayad sa sinehan kung ganun! 


Bakbakan na. Woops-kiri-woops-kiri. Tumatagilids ang labanans. Isa-isang natatalo ang mga bida. Tapos may one-on-one ganap (not in a sexual way) between Ironman and Hulk dahil need macontrol ang nagtatantrums na green thing. Ipapakits ni Tony Tony Bo-Bony Bonana Fanna Fo Foni, Fee-Fi-Mo-Mony..Tony ang kanyang new armor called Hulkbuster.

Pero in the end, round 1 goes to Ultron. Olats, talo, loser, weakling, lampa at bigo ang mga heroes. So retreat ekekchuchu.


Then syemps, kailangan may spotlight ang other member. So enter na sa eksena etong galing sa Lasalle na si Hawkeye. Tinago niya pansamantala ang mga teammates niya sa kanyang safehouse or kung saan andoon ang pamilya niya. Achuchuchu-achuchuchu kwento pa more.

More achuchuchu then it turns out gusto ni Ultron (na medyo kalokalike na ni Megatron at Optimus ) magkaroon ng fleshlite este fleshy kaya naman may may balak siyang kunin ang isang experiment ekek pero napigilan ito ng Avengers pero considered na tabla ang round 2 ng face-offs.

Then in some kaganapan pa more, yung katawang kukunin sana ni Ultron ay nagkaroon ng sariling life. And here enters a new character.... Vision-Mission... Parang sa school lang? Joke, Vision lang ang name niya.


Now it's time for the final countdown... It's the final countdown... Round 3. It's Ultron squads versus the Avengers, Pero now, kasama na nila ang Kontrabida-turned-bida na kambal na ipinakita last time sa isang Marvel Movie End-credits thingy. 

Pasok na sa eksena ang kabarkada nila Speedy Gonzales, Road Runner at The Flash na si Quicksilver. 



Kasama din ang babaitang trip ang kulay na pula. Ang kakambal ni Quickieboy na si Scarlet.... Hindi Johansson... Scarlet Witch.


Syemps, di pedeng kalimutan ang isa pa sa bida, ang lalaking nagmula sa natunaw na yelo.... no other than... Captain Planet! Chost! Captain America.


Bakbakan na at labo labo na. Pakitaan na ng mga fighting scenes, explosions and powers ganyans. Then kailangan na nilang pigilan ang masamang binabalak ni Ultron. Kailangan din nila iligtas ang mga inosents na civilians ganyan.

So enter na din si Nick Gil? Nick Fury to make tulong-tulong-saklolo sa operation na naganap. Pinadala niya ang kanyang giant flying sasakyan to evacuate the mga madlang peeps na nadadamays.


At di ko na iwewents ang ending. Na-anticipate ninyo na dapat yan, hindi pamigay lahat ng wento. hahahaha.

All in all, oks at solb naman ako sa napanood ko. Masasabi kong okay naman. May mga new info na naibigay katulad ng pagiging Baog-ish ni Blackwidow due to assassin training ekek. Tapos info about the infinity gems. Sapat naman ang fight scenes, umaatikabo. In some way may slight pa-humor to make it sa rating na hindi rated-18.

Oks din ang pagkaka-feauture ng ibang heroes like ni War Machine at isa pang member ng avengers bukod kay Vision at Scarlet (clue na to kung sino ang missing dahil madededs sya).

Joke, si Falcon ang other member hahaha

Bibigyan ko to ng 9. Para sa akin, medyo nabore ako ng slight during retreats ng avengers sa bahay ni Hawkeye. Like...hokey...sige, ikaw na ang may pamilya at ang mga ka-team mo mga singles hahahah.

O sya, hanggang dito na lungs muna. Hopefully may time akong maikwents na ang Calaguas and some thing in a random post.

Take care!

3 comments:

  1. Nyahaha. Basta talaga pagdating sa mga spoiler at kung anik-anik na movie reviews, peyborit ko talaga tong page sir Khants XD

    Natawa ako kay Ultraman, si Hawkeye naka bow and arrow lungs LaSalle agad? ahaha. Saka may Aguilus pa sa dulo lol

    ReplyDelete
  2. u got me at UPO... ako na lang sana si BlackWidow kung ganun! hihihihi

    ReplyDelete
  3. namatay silang lahat! ULTRON wins!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???