Monday, March 14, 2016

The Divergent Series: Allegiant

Hello from the other side! Kamusta na kayo mga folklores na napapadpads sa bloghouse na bihira maupdate. Pasensya na at talagang bihira na me mag-update dahil medyo walang time at uber kupads ng sun broadbands.

Heniway marcos highway, para sa araw na itwu, ako ay magpopost ng review-reviewhan about sa ikatlong installment ng Divergent series na dapat ay taklong movie lungs pero para pagkakitaan ang mga viewers ay kailangan hatiin sa 2 parts ang movie na galing sa last book.

I know naman na hindi pa lahat ay nakakanods ng peliks kaya naman ay bibigyan ko na kayo ng warning! Babala! Spoilers ahead ganyan. Wag tumuloy kung ayaw mapanis.


Magsisimula ang kwents sa naging last na ganap sa 2nd movie ng divergent series. Nategi na nga ang kontrabids na si Rose ng Titanic.


So medyo nagkakagulo sa city dahil di pa alam kung anong gagawin ng mga folks. Gusto na nilang mabuwag ang color-coding scheme nila. At nais nilang simulan ang paghihiganti sa mga kampon ni Rose na basta-basta na lang pumapatay sa mga kontrapelo nila.

At may mob rules na naganap. Parang sa arena ng mga halimaw sa ghost fighter. May i shout ang mga tao ng TAPUSIN! TAPUSIN! TAPUSIN! pero kasama sa nais tapusin ng mga folks ay ang kapatid ng bida na si Augustus Waters.


Enter the scene na ang bidang si Katniss Evahdeen version 2.0. May pabebe scene siya with her boylet na si four at binalak niyang makaalis na ng lechegas na kinaroroonan nila at makita kung ano ang nasa dako paroon ng walls with her friendships.

Kaya naman may eskapo eksena pero nagkahabulan pero lumaban sila para makatakas sa kanilang parang kulungan at makita at matanaw kung ano ang nasa likod ng walls. Nope, walang titans na lumabas sa kabilang side.


Ang nakita nila ay kakaiba sa ineexpect nila. Ito ay replica-ish ng desyerto ng Scorch Trials ng Maze Runner pero masyadong sinaturate at ginawang reddish ang kulay para magmukang iba.


Nahabol sila ng tumutugis sa kanila subalit nailigtas sila ng iba nanamang grupo. Dito ay nakatakas nga sila at nilinis at dinamitan. Teka, hinda kaya Maze Runner talaga yung palabas?? chost.

And then, marereveal kung ano ang sitwasyon sa labas ng walls at malalaman na parang guinea pigs lungs at labrats ang mga folks with fractions este factions.

Dito malalaman ni Katniss 2.0 na siya ay special. No, wala siyang tatak na nakalagay na special. Maheaheaven know niya na tinatawag siyang Pure... nuks, lakas maka-virginal ang peg. Tapos ang tawag sa mga taong nandoon sa fractions ay mga Damaged.


At dahil puro at walang halong tubig ang langis na bidang girlay, pinangako ng head ng outside world na gagawa ito ng way para matulungans ang mga damaged.

But, it turns out, ang akalang good sides ay bad sides pala. So cliche'! Pero heniways, kailangang mailigtas ng mga bida ang lugar na kanilang pinanggalingan.

At dito papasok sa eksena ang lalaking pinaglihi sa Havianas dahil napaka flip-flopper niya.... Eepaloid nanaman etong si Mr. Fantastic ng reboot ng fantastic four! Wow Fantastic baby... dance wooohoooo!..


At syempre... naligtas nanaman ang araw sa tulong ng power puff girls ang peg. Nanaig nanaman ang side ng mga bida sa kwento. Pero hindi pa tapos dahil may part 2 pa chenelins for next year sigurs.

Score???? Bibigyan ko to ng 8. Sakto naman. Mala-mala. So-so. keri lungs. K lang. Okay naman pero hindi wow fantastic.

Ewan ko, yung cgi medyo kk lungs pero hindi uber nakakamanghamazings. Ang mga actors, naman ay same lang din. Walang moment na feel mo ay ikaw yung isa sa mga chharacters. Hindi tumatagos at walang hugot ang acting ganern.

Hindi siya super duper sulit para sa dagdag sampungpisong movie ticket ng robinsons galleria. Oo, medyo mahal na ang 240... lagpas na sa price ng overpriced coffee.

O cia, hanggang dito na ang muna! Hopefully di lang isa ang blog entry ko for march. Heheheh.

Take Care!

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???