I'm back! from outer space! Hello... is it me you're lookin for. Nagbabalik nanaman ako sa bloghouse na ito upang muling lagyan ng laman ang naghihingalong bahay na ito.
So for today, ang peliks na bibigyan natin ng review ay ang palabas na Gods og Egypt. Yeah, mauuna ata etong movie review na ito kesa sa Kung Fu Panda 3 na napanood ko last week. Well, that's life i guess.
SO anyway, wala na akong pasuspense chuva pa. Maspoil na ang maspoil. Wala akong pake kasi i know di nio din naman super bet ang film unless maging review ito ng Superman vs Batman or ng Captain America: Civil War achuchuchu.
So magsisimula ang peliks sa Egypt syempre dahil doon ang location. Magkasama sa mundo ang mga humans and Egyptian Gods na pinamumunuan ng haringkingkingking named Osiris.
Then ipapasa na ni King Osiris sa junakis niyang si Jamie Lannister na nagtatago sa pangalang Horus ang pagiging ruler ng Egypt. Merong ceremonial chuvachuchu na ganap.
Pero during the ceremony ay may eeksenang kontrabids. Ito ay si Leonidas na nagpapanggap sa pangalang Set. Siya ay ang bro ni Osiris. Pinatay nito ang kafatid niya at nagkaroon ng Kuh Ledesma. Aagawin niya ang Game of thrones.
Pero di makapapayag si Jamie Lannister kaya nag clash of titans sila. Nagtransformers sila without shouting 'moon crystal power make-up!'. Nagfight ang dalawang animalistic-gods. Pero malakas si Leonidas at natalo nito si Horus. As a victor ng district 12, dinukot ni Leonidas ang balls ni Jamie Lannister... Eyeballs.
Sa pamumuno ni set, magulo ang ganap. Ninanakaw niya ang mga prowess ng ibang Egyptian Gods na kontapelo sa kanya.
Then sa side ng humans, merong isang lalaking mangungupit este magnanakaw. Siya si Prince Philip ng Maleficent na nagtatago sa namesung na Bek, hindi pinaikling Beklushi or Beklita. Ang complete name nito ay Bek Bunga, yung kumanta ng 'Sway'. chost.
Si Bek ay may jowawits pero nagkahiwalay sila dahil sa labanang Leonidas at Lannister. Ang jowa niya ay inutusan siyang nakawin ang mata ni Jamie Lannister.
Sa kasamaang palad nabukelya ang plano ng magjowa. Nakatakas man sila, nasugatan naman ang jowa ni Bek named Zaya at nategi ito. SO ayun... dina happy si Bek, SAD na sya at di maZAYA.
To save Bek's jowa from the land of dead, nakipag-sexdeal este x-deal si Bek kay Jamie Lannister. Kapalit ng mata niya, maibalik ang jowa. At plano nilang dalawa na talunin si Leonidas. Pero bago yun, kailangang makuha ang isa pang millenium eye ni Jamie.
So they make lakbay sa kinatataguan ng millenium eye pero alam nilang may bantay na sphynx na may bugtong-bugtong. During the journey (Don't stop, believin'), makakasama ni Bek at Jamie ang dalawa pang Gods of Egypt na si Elektra ng Daredevil series na nagpapanggap na Hathor na pinagbasehan ng Engkantadia at ni T'Chella ng upcoming movie na Black Panther na nagtatago sa name na Thoth (walang U sa unahan).
at sa bandang huli naglaban na muli si Leonidas at Jamie. Sino nanalo? secret. Di ko na iwewento ang ending part ng peliks. Aba sobra na haaaa. kahit yun na lungs ay suspins.
Ang score ng peliks??? ummmm. bibigyan ko siya ng Gods of 7. Keri lungs. Not so great at not so olats. Mapapa-awoooo-awooo-awoooo ka kapag makikita mo si Leonidas. hahahaha.
O sya, hanggang dito na lungs muna!
Take Care folks. Happy Holy Week sa may mga bakasyones.
kelan ko lang din ito napanood at ang masasabi ko ay kumulot ang bulbol ko kay hathor at kay zaya. isang matinding langyang kalibugan ang umiral sa akin dahil sa kanilang alindog slash mala miss universe na pananamit. nung una akala ko magiging panget yung palabas dahil sa visual effect. seryoso mala-power ranger zords ang egyptian god mode ni set at horus. yun lang.
ReplyDelete