Sunday, January 29, 2017

Shaman King

Madalas sa jopisina kapag kalmado ang alon ng mga katawagan at payapa ang mundo at walang tawag, minsan ay sumisilip ako sa pesbuk para magbrowse ng anik-anik.

Then while browsing, nakita ko etong picture na nasa baba at ito ay nagbigay sa akin ng ideya kung anong topic sa next post ko.


Sa hindi nakagets sa larawan sa taas. Ito ay patungkol sa anime na Shaman King.

Noong mga panahong bagetsing pa ako at medyo makapal pa ang tubo ng buhok ko, isa ito sa anime na aking sinubaybayan sa hapon. Isa eto sa palabas na aking tinangkilig at pilit subaybayan (kailangang makauwi after ng skul)


Ang shaman king ay magsisimula sa isang peepsqueek na si Manta. Hindi siya ang pinakabida pero parte ng wento.


One day, isang araw, bigla na lamang niyang makikilala ang tunay na bida ng palabas. Makikilala niya si Yoh Asakura na isang Shaman. Si Yoh ay naghahanap ng espirito na makakasama niya sa journey upang maging hari ng mga Shaman.

Dito ay makukuha at makakasama ni Yoh ang espiritong si Amidamaru na isang Samurai. Magiging close ang dalawa.


At dahil nga ang goal ni Yoh ay maging Shaman King, kailangan niyang sumali sa isang Shaman fight. At dahil dito makikilala niya makikilala ang mga karibal/kakompitensya at ibang karakter.  Kikilalanin natin sila.


Anna- Ang fiancee ni Yoh. Siya ang may kayang magpatahimik at bumatok sa bidang lalaki. May ibang shamanic powers thingy.


Ryu- ang kalokalike ni Alfred ng Yu-yu Hakusho. Isang gang leader na sinaniban ng espiritong may galit kay Amidamaru. Pero eventually naging friend nila Yoh.


Ren- Ang unang nakalaban ni Yoh na naging rival enemy turned friendly friend. May lahing instik at may espiritong nagngangalang Bason.


Horohoro- ang isa ding shaman na lalahok sa Shaman fight. May kakayanan at powers ng yelo gamit ang kanyang spirit partner.


Faust- Isa din sa lalahok sa Shaman Fight. Sa laban nila ni Yoh, natalo ang bida at napili si Faust bilang myembro ng koponan nila Yoh. Ang espirito niya ay ang jowawits na si Eliza.


Chocolove- ang feeling joker pero banban magpatawa. Nakilala nila Yoh sa pagbyahe nila papunta sa lugar kung saan magaganap ang Shaman Fight. Ang name ng espirito niya ay Mic Jaguar.


Lyserg- ang lalaking may sherlockish outfit with his spirit named morphine. Naging kakampi din sana eto nila Yoh kaso shungashunga at nauto upang sumali sa ibang team.

During the Shaman Fight at story arc, ang main na kalaban ay si Hao. Nope, hindi ito yung kahawig ng ostiya pero kulay pinkish.


Hao- siya ay kalokalike ni Yoh at may goal din siyang maging Shaman King. Siya ang uber kontrabida at main kalaban sa buong Shaman story.

So what's good about this anime? napaka-cool ang shamanic powers nila. Yung tipong sa una, kayang i-lagay ng main shaman ang kanilang spirit friend sa isang bagay like a samurai sword and others.

Pero as the story goes, mas nagkakaroon ng upgrade ang shamanic powers nila at nag-eevolve ang kapangyarihan.

Astig din ang ibang mga characters na lumabas sa show like ibang teams na nakalaban and even the folks na nag-ooversee na Shaman Fights.

Isa sa astig na anime!

Yun lang!

O sya, hanggang dito na lang muna, Take Care folks!

Grave of the Fireflies

Since it's idle time, wala akong magawa at nakakatamad na mag youtube at naubos ko na ang mga post sa 9gag at wala naman akong game na nilalaro, kaya heto ay nagsasalitype nanaman ako upang magbigay ng review-reviewhan ng isang peliks.

So heto ang isang review sa isang animated Japanese film na pinanood ko kagabi. Ito ay may pamagat na pamagat din ng post na ito.


Ito ay wento ng isang fuckboy bagets na nategibels somewhere na parang train station to busan ganyan. Magpapakilala si boy bilang si Seita at sasabihin niya na nadeds sya sa isang specific petsa ganyan.

Then.... Time Spacewarp ngayon din! Sumigaw ang imbisibol na si Ida ng Shaider at makikita ang nakaraan.

Noong unang panahon, panahon pa ng hapon, wala pang kikay sabi ng nanay. Panahon ng giyera sa bansang japan. 

Ipapakita si nagbibinatang si Seita na sinabihan ng kanyang mudrakels na kunin ang kapatid na batang babae at magpunta sa shelter dahil binobomba ang kanilang lugar.

Maririnig ang kanta ng sexbomb 'Sumayaw sumunod sa sexbomb, ibomba mo, ibomba mo!' So nagbagsakan ang mga flarebombs mula sa nagliliparang airplanes in the night sky light shooting stars. 

nakatakas ang magkapatid pero nalaman nila na ang kanilang mudrakels ay nasunog-nog-nog-nog-nog-nog-nog at natsugi.

Anyare sa magkapatid? Nakitira sila sa kanilang Tiya. Noong una, keribels lang. Pero syemps, panahon ng taghirap so di sila immediate fambam kaya nakaranas sila ng slight discrimination mula sa kamag-anak.

At dahil mataas ang pride (bar at powder) ni Seita, nagdecide siya na ihiwalay ang puti sa de color kaya naman kasama ang kanyang younger sisteraka ay namuhay silang mag-isa.

Sa una, adventure, saya-saya ng freedom na kanilang nakamit. Pero reality will fight back and reality is a big bad bitch kaya naman naranasan na ng magkapatid ang lupit at himagsik ng isang api. lols.

Ending, na-tsugibels dahil sa malnutrisyon ang kapatid ni Seita. At kailangang ilibing niya ang kapatid.

The End!

Technically, mafefeel ko dapat ay awa para sa kawawang mga bagets na naghirap at natsugibels sa gutom na dala ng warlaloo.

Pero i don't know. The monster in me took over. During the film, nabadtrip ako sa kabwisitan dun sa younger sister ni Seita. Naku.... epaloid! Sarap tampalin! Pabebe!

Like... atlit dun sa tiya niya may nakakain sila kahit na lugaw-lugaw lang. Noong nag feeling indpendent yung dalawa, anong ganap? nga-nga! bokya sila!

Pero nung nadeds naman yung younger sister, kahit paano, naawa naman ako. hahahah labo no?

Ang film ay bibigyan ko ng 8 for the 8ffort! Keri na pero di ako na-dala at na-antig masyarow!

O sya, hanggang dito na lang muna!

Saturday, January 28, 2017

KDramarama


Etong buwan ng enero, tuwing restday ko, naiisipan ko na lamang na tumambay sa bahay at manood ng korean series kesa pumunta sa mall, gayahin ang sinasabi ni SarahG na 'Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot'.

For today, nais kong ishare ang ilan sa serye na napanood ko at ang aking komento at masasabeh. Meron tayong 4 series dahil syemps, hindi biro mag Kdrama marathon dahil it consists of 10+ episodes at madalas tig-iisang oras per epi.

Kaya, without further ado, eto na sila.

1. The Miracle


Ang story about sa kambal na girlay. Isang Sexy kpop idol at isang Biggie gurl. Si kawawang big gurl ay medj loser dahil nabubully sa school at laging nagtatago dahil bawal malaman ng public na may kapatid na jambuhala ang isang sikat na kpop idol.

One day, may tinulungan si jumbogirl na matandang babae at binigyan siya ng necklace. Dito ay sinabi na kung ano ang hihilingin niya, ay magkakatotoo. Nag-wish si jumgirl na magkapalit sila ng kanyang kapatid.

Then poof! nag-switcheroo ang katawang lupa ng dalawa. Anong mangyayari? secret, walang clue.

Maikli lang ang series dahil isa itong web series lamang. Less than 15 minutes per episodes. Keri lang, medyo kilig ng konti, mga 3/10 na kilig. Okay lang pampalipas oras.

2. Cheese in a Trap


Ang serye na ito ay tungkol sa college lifesung ni curly gurl na majirap. Si gurl ay may katalinuhan naman at matyaga kaso aabutin ng kung anong kamalasan dahil makikilala niya ang kanyang sunbae or senior na nagkagusto sa kanya. Ang di alam ni gurlay ay may something kay guy.

Merong 16 normal episodes ang series na ito na tumatagal ng mga isang oras. medyo realistic ang college life kasi makikita dito yung unahan sa pagkuha ng magandang schedule at subjects at pag-iwas sa terror professors. Dito din papakita ang mga lechugas na parasitikong kaklase na kapag may group projects.

Pero ewan ko... nabwisirt ako sa seryeng ito. Napapaputangina ako sa majority ng characters, including the bida! Like pakshet to the nth power. Not suited for people na gusto ng Good vibes lang.

3. Blood


Ito ay tungkol sa isang guysung na ipinanganak na kamag-anakan ni Edward Cullen na kinaiinisan ni Buffy... Isang bampira. 

Isang yuppie na naging doctor at inaalam kung ano ang puno't dulo ng kanyang pagiging bampira. It turns out, isa itong virus infection. Si guy is on a search para sa cure habang papasok sa buhay niya ang kalabs na bampira din na gustong gamitin ang vampy power for medicinal chuchu.

May 20 friggin long episodes ang series kaya naman minsan mapapafast forward ka na lang sa mga eksenang di mo feel at sa tingin mo ay wala naman talagang connect sa story.

Sa unang part ay kabwibwisitan mo ang arrogance ng mga bidang character pero kabwibwibwisitan mo din ang kalaban. Ang ending ay keri langs pero you can skip most of the episodes in between.

4. Reply 1997


Ang wento ng mga folks na nagkaroon ng alumni meeting at nag- MemoirMomday. TurnbackTuesday, WaybackWednesday, ThrowbackThursday, FlashbackFriday, SpacewarpSaturday at SofarbehindSunday.

Dito ipapakita ang high school life ng mga folks. Kung ano ang mga ganap noong 1997-1998, ng sila ay nasa HS life. Ang panahon ng pagkahumaling ng mga girls sa kpop boys, ang pagtatamagotchu, ang pagrerecord ng episodes via VHS at atng porn sharing sa school ganyan.

Dito rin ipapakita ang pagkakadevelopan ng feelings ng dalawang magkababata. Ang kanilang tila pagiging aso't-pusa and stuff.

Eto ang best sa apat na nasa listahan na aking itinala. Walang uber nakakawisit na characters. Feel good lang at ramdam mo yung feels na nadarama ng mga characters including mga puppy love at first love ganyan.

For the meantime, yan pa lang ang serye na aking mashashare sa inyo. If may bago, malamang sa february ko na siya masasabi.

O sya, hanggang dito na lang muna! TC!

Friday, January 20, 2017

She was Pretty

Restday, araw ng pahinga. Araw na dapat chumichillax ka lang mula sa nakakahagardo versozang week sa opisina. Eto yung time na para sa sarili mo.

Kapag pumapatak ang restday ko, dalawa lang ang choice or option na ginagawa ko. Una ay magpunta sa pinakamalapit na mall at mag-windowshopping... pasulyap-sulyap at patingin-tingin ng mga items. Tapos kakain lang ng foods na crinecrave ng dila. Tapos bibili ng series na pedeng imarathon.

Kapag wala namang magandang gawin sa mall, nasa bahay lang ako since wala naman akong kapitbahay na kaclose para makipagkwentuhan and stuff. Mostly nakakulong lang ako sa kwarto, naglalaro ng games sa phone o kaya tambay sa fb, scroll up and scroll down...

Kapag nasa wisho, ayun, magsasalang naman ako sa DVD player ng peliks or series.

At sa mahabang into kunwari ng post, dito ko na isisingit na etong nagdaang restday ko (wed-thur), ako ay nasa haus lang at naanood ng series. At ito ang aking bibigyan ng review!


Ito ay kwento na magmumula sa kabataan days ng mga bidalets (bidang kiddielets). May isang chubbibo boy na friendy-friend sa isang gandara park na gurlay. 


Okay ang lahat sa friendship ng dalawa kaso nagpunta ng states etong si boy. Sa una ay okay pa ang communications nila via snail mail. Tapos nag-jirap jackson si gurl kaya nagkaroon ng time na di na sya nagreply.

15 years laters, yeah, medj matagal ang gap, after ng maraming time na lumipas, si Gandara Park gurl ay nagkaroon ng PubertyDisaster. Umeksena ang genes ng kanyang pudrakels na di masyadong kagandahan kaya ayun... medyo Chaka Khan.


Then after all those years, may suddenly moment. Out of the blue, may email syang natanggap. Nope, its not those chain emails na kailangang isend at iforward sa iba else mamalasin ka. Nag-email yung si chubby boy na uuwi sya ng Korea at gustong makipag SEB (joke, syempre hulsam, walang SEB na ganap).

Dyahebels at umiral ang hiya ni gurl kasi nga ang natatandaan ni boy ay yung gorgeous self nia waybak. Pero Medyo crushy niya at perslab si Boy kaya go sya sa EB na ganap. Magtatagpo daw sila sa bagong tayong mall na SM charots.

Sa tagpuan, sa bayan ng Prontera, sa tabi ng tindahan ng magic at sandata.. (wag kantahin ang kantang chiksilog lols).

OMAYGASH! Naloka ang curly hair ni ateng dahil when PubertyHits... laking transformation ang ganap ni chubby boy. Nag-Aura Mask! Makalaglag panty ang look ni boy.


Nagself pity si gurl. *langit sha, baluga ako, hanggang tawanan na lang ba tayo*. Pero kailangan di maiwan sa ere si boy kaya nag-isip ng way si gurl para madispatsya ang perslab niya. Dito niya gagamitin ang maganda niyang Beshie para magpanggap na siya at magkunwaring mag-aaral abroad.


Anshaket besh. Nagpalaya ka kasi chakadoll ang peslak mo. Ulam na naging bato pa ganyan. Pero kailangang mag-move-on ni Shaggyhaired gurl. Pero mapaglaro ang tadhana..

Sa work na napasukan niya, naging Bossing niya si kababata. Nakunaku-snaku, baka mabukelya ang secret niya. Paano na?

While working dito naman makikilala at makakasama ang isang guy na nahulog ang loob sa frecklish face and shaggy hair look ni gurl.


Dito na tatakbo ang gulong ng kapalaran ng mga characters.

Ang series na ito ay feel good serye. Walang nakaka-irita at nakakakulong dugong character. mainis ka man ay hindi yung sobra at kamumuhian mo ang characters.

Funny din eto at nakakakurot sapuso. Imagine, ang beshie mo ay nainlababo sa perslab mo pero di mo sya masisi kasi sa una pa lang, ikaw ang nag-isip na magpanggap si friend bilang ikaw. Pero somehow, deep inside, lab mo padin si perslab mo at di ka maka-moveon. Tapos may isang guy na mainlababo sa iyo.

Bibigyan ko ng 9 na score ang seryeng ito. Medyo dragging lang ang last 2 episodes ng series since mostly resolved na ang mga gusots up to episode 14.

BTW, ang serye na ito ay ipapalabas sa GMA7 as 'Pretty Woman' name. 

O sya, hanggang dito na lang muna!

Thursday, January 19, 2017

Kimi No Na Wa

Kapag araw ng aking pahinga, madalas ay nasa bahay lang ako at nakadikit sa aking kama at walang ginagawa este nagnyenyelphone lang pero mostly kain borlogs. Pero kapag may time ay nanonood ako ng series or ng peliks.

Medyo madami-dami na akong film na napapanood at medyo umays na din ako sa common storyline pero this film na ishashare ko sa inyo, medyo iba.


So lilipad tayo sa bansang Japan. Dito kasi ang setting ng film since it's a japanese animated film. So alangan naman na mapunta sa pinas ang settings... kenat right?!

May balita na may meteor shower na ganap sa japan.

Isang araw, isang dalaginding ang nagising sa kanyang kama-kama-kama-kama-kama-chameleon. Parang normal lang pero hindi. Isang binatilyong soul ang nasa loob ng girly body.

Anong ginawa ni boy trapped in a gurlay's body? Syempre, pinaikot-ikot, nilapirut-pirot ang boobelya na nasa kanyang dibdib. 

Then on the other hand, isang boy ang nagising pero sa loob nito ay isang kaluluwa ng isang girlay. Anong ginawa ni girlay? Ayun, chinunky check niya ang talalalalalonglonglong na nasa gitna ng hita.

So malalaman na itong si country gurl ay nakikipagswap body sa isang city boy from tokyo. Everynow and then, nagpapalit sila ng katawang lupa. Somehow they meddle with each others life since no choice, kailangan nilang magpanggap habang nasa ibang bodeh sila.

Then ang tadhana ay mapaglaro.... sa isang iglap, natapos ang swap mode ng dalawa...

Oooops, hanggang dyan na lang muna ang kaya kong iwento hahahah. 

Bibigyan ko to ng 9.5!

Gusto ko yung twist ng wento. Yung habang pinapanood ko sya ay napapa... o-sheeet whaaaaat moment ako! Grabeeeeee... that feeeeels! Yung ansakeeeet! Ansaketsaket sa puso ang dama. Kumukurot! Like whatdaaa.....

After manood ng film na ito... parang ayaw ko muna manood ng other films dahil baka bumulusok pababa scores ng ibang film kung di lelevel sa film na ito.

O sya, hanggang dito na lang muna.

Monday, January 2, 2017

Vince, Kath and James

Hey! Heypinewyir sa mangilan-ngilang readers ng blog na itwu! Kung nababasa ninyo ito, sure akong di kayo naputukan at tenkgad na safe kayo. Pero para safe, bilang ng 3 months tapos buysung ka ng preggy kit to check.

Today, tayo ay magkakaroon nanaman ng review-reviewhan ng isa nanamang peliks na kalahok sa MMFF. Yeah... impreness, di ko sya inabangan sa suking tindahan sa quiaps. Nag-effort ako sa ginaw ng sinehan para makanoods.

Pero bago yan, babala ulit, sa mga shokot sa spoilers kasi aabangan nila ito sa piniratang tabing or sa torrent sites or maipalabas sa cinema one ganyan or sa abs-cbn tv plus thingy, nakow, di ito pede sa iyo.

Okay na??

Let's begin.

So ang pamagat ng pelikulang ito ay nababasa mo naman sa title ng blog post. Pero para mas interesting, heto, ang poster na para ma-gets mo.


Di mo nahulaan? sige para makasigurado ka kung anong name ng film, heto na talaga ang poster.


Familiar yung title? Pano mula ata ito doon sa textserye na nakikita noon sa pesbuk na tyatyagain mong magbasa ng text messages screenshots para mapagdugtong-dugtong mo ang kwento. But wait, there's more.

Dahil sa pagiging pemus ng textserye na itwu ay ginawa itong libro para sa mga naka free data na fb at di makita ang sandamukal na images.


Pero muka namang iba ito kasi may dagdag sa title... insert james sa dulo para naman daw totally iba. lols.

Heniway, so eto na nga! Magsisimula ang wento sa animated short film na tungkol sa batang girlay na may alagang aso. Nako, kung hindi ito ang mapapanood ninyo, baka fake po yung Vince, kath and james na iwawatch ninyo. tsk tsk.

Pero eto na talaga pramis. Magsisimula ang kwento sa effects-effects kemerut opening kung saan ang bawat post, text message, tweets at video calls ng mga tao ay biglang magflaflash sa screen upang mabasa, makita at mapakinggan. It's the social media world duh!

Tas ipapakita na ang mga bida ng wento. Enter sa auditorium ang basketball jock na si James, ang bff at nasnip na si Vince at ang bidang girlay na si Kath na sumali sa isang beaucon. Nope, hindi ito yung beaucon na sinalihan ni Trisha ng Die Beautiful.

Unang eksena palang, lam mo na agad na inlababo etong si Vince kay Beaucon gurl. Makikita mo din na type din ni James si gurl.

So eto na. Mag-nasnip o mag-pinsan etong si James at Vince. Nachochope at walang diskarte sa panchichicks daw etong si James kaya nagpatulong-tulong siya sa kanyang pinsan.

No choice si Vince kasi richie-rich ang insan niya at mukang may malaking jutang na loob siya dito kaya kahit na kras niya si Kath, umoo na lang siya.

So anong method ang ginamit? Syempre nag-text si boy kay gurl ala mystery person. May message katulad ng ganito.


E patola naman etong gurl, laglag panty sa text messages ganyan kaya rumereply back. ng ganito.


Nagkatawagan ang dalawang pabebe teens na Var and Cheer kasi ang names daw nila ay Var Sotto at Cheeripie pikachu charots. Dahil ang isa ay varsity player at isa daw ay cheer leader ng buhay niya.

And so nagkakapalagayan na via text ang dalawa but in reality, medyo love-hate-aso't-pusa etong sina Vince and Kath.

So asan sa eksena si James? Ayun, papakita sa screen at papakita ng katawan at dibdib thingy. Pero sa story ng film, busy sya sa balls ni coach este busy siya sa basketball ganyan.

Tapos moment of truth kuno. Kase nga diba, nagpa-bridge lang si James kay Vince so si James ang haharap na Var.

Then poof... naging magjowabels na ang dalawa. Walang patumpik-tumpik pa karakaraka. Boyfie and girlfie na si Kath and James at huhubells sa korner si Vince.

Pero dahil sa hilig ni James sa balls, medyo nawawalan siya ng time sa gf nia. Mas prefer nia kasi ang balls kesa sa possible pechay ni Kath. So medyo nagkakaroon ng gap. Nope, not energy gap ha! O, wag kang sumayaw ng milo song dyan!

At sabi nga, kahit nakatali na ang manok, minsan naaagaw itwu. Dahil pareho ng pinag-oojthan si Vince at Kath, mas nagkaroon sila ng bonding at time together. At doon unti-unting na-fall ang panty na ginarteran na ni kath lols.

At nagkaroon ng face to face! Nagdududa na etong si James sa closeness ni Kath at Vince kaya nakaisip siya ng not so uber bright idea. Makikipagkemerut siya kay Kath sa kwarto kasi alam niya na eepaloid ang insan niya.

Nagkaroon ng batuhan ng linya.

James: May relasyon ba kayo ng girlfriend ko?

Vince: Relasyon?

James: Hindi! Relation para conyo!

Kath: Relation?

James: Relasyon, relation, querida, kabetsin, fuckbuddy, jowangerZ, Relasyon!

Vince: James....

James: Wag mo kong ma-james-james! Ang tanong ko ang sagutin mo!Nilalandi mo ba jowa ko?

Vince: SECRET!!!!!

And thus nagkaroon ng dramarama sa tatlong character. Si Vince na nainlababo sa babaeng type niya pero nagpapaubaya dahil sa jutang na loob niya kay James. Si Kath na type si James dahil sa text messages pero nahulog ang loob kay Vince. At si Vince na mahilig sa basketball na di mabalanse ang ball-life at lablayp.

At kailangang may sapakan-eksena yung dalawang boys sa gym na parang di naman sapakat at parang nagtoppan at bottoman lang ang peg with matching parang ungol lols.

At nagkaroon ng ending. the end!

Sige na nga, sasabihin ko na nagkatuluyan si Vince at Kath sa dulo. Tapos sa sobrang sakit ng nadama nitong si James ay nagpasya siyang maging Dyakonong di na pedeng mag dyakolins.


Score ng film? Bibigyan ko ito ng 8.9. Maganda naman infairview. May kilig din at chemistry between VarCheer.

Effective dito ang ganap ni Vince. Infair, parang John Lloydish ang romcom prowess ni guy. At di hamak na mas manly ang aura kahit walang skin na ipinapakita sa screen. May times na hawig din siya kay Alden.

Si Kath naman, mahusay din naman, must be a baretto thingy. Husay sumapak charots. Maganda, okay din ang akting. May eksenang hawig naman siya ni Jessie/Jessy?? mendiola at Marian Rivers.

As for James, keri lang. sakto lang ang konyotic richie kid na varsity player.

Bakit di umabot ng 9ish ang score? eto kasi.....

Yung bespren ni Kath, kulang pa ng something. Kung beshie ka, dapat push mo ng tama ang friend mo. Dapat nagpayo sya na go na sa dalawang boylets kasi ang habahabahaba naman ng pubes ni girl abot hanggang edsa ganyan.

Tapos nakakapagtaka talaga na sa birthday party nitong si James, lahat ng tao sa place ay skinny! Seriously? Rich kidelyas tas lahat may abs at payatola? Parang di naman ganoon ang mga may kaya now, madalas may laman at taba kasi may pangkain sa fastfood!

At medyo shunga din etong si vince, e ano kung di ka labs ng mudraks mo at nakikitira ka sa tita mo. Ang mahalaga nagkakadatung ka and items and stuff. Nakikinabang ka ng thingies kaya wag na magjinarte!!!

Last ay di ko gets pano naconsidered na blog yung site ni DaVincui-Quotes kung technically iilang words lang gamit niya per post. More of a tweet and not a blog or micro blogging i guess.

Nasulit ko naman ang 230 ko sa peliks na eto eksep sa eksenang may nakatabi ako sa sinehan na so jologs na pinipicturan yung screen na andun sila vince and kath and kinda sorta live facebook posting na parang ngayon lang nag-sine. or baka camcording...  soooo kaderder!

O sya, hanggang dito na lang muna! Take care folks!