Friday, August 17, 2012

Crayon Shinchan!

After ng magkasunod na book review, tila napagod ata ako at tinamaan nanaman ng sakit na katam. Oo, tinatamad nanaman akong magbasa kahit na merong tagalog book at hindi lang inglis nosebleed book.

For today, magbalik tanaw lang tayo sa isang cartoon na sumikats noon sa pinas. Ito ay ang Crayon Shinchan.

Ang crayon Shinchan ay isang cartoon na sumikat hindi sa giant networks na ABS at GMA kundi sa IBC 13 (oo, totoo, may Channel 13 po at hindi lang channel 2, 7 at 5 ang channel sa pinas).

Ang nasabing programa ay ipinapalabas tuwing gabi na medyo kalaban ang mga lecheserye ng giant networks. Eto ang combobreaker sa walang puknat ng kapekpekan na drama-patayan-higanti ek-ek ng mga soap operas.

Ang kwelang cartoon na ito ay iikot sa kung-ano-anong shitnis at eksena ng batang si Shinchan (batang naka-red shirt) kasama ng mga tauhan tulad ng kanyang mudrakels na si Carmen at ng pudrakels na si Bert. Kasama din sa halo-halong story ang pagsulpot ng super cute na aso nilang si Puti at pati ang mga kaklase nia from kindergarten.



What's good about the show? Well, kakaiba sya sa normal na anime. Tingnan mo ang drawing at masasabi mong it's really unique. Tapos haluan mo pa ng makulit na pagdub ni Andrew E. at ang mga minsan ay umeeksenang paghuhubo ng batang paslit. gugulong you sa pagtawa.

habang nagsesearch ako ng larawan sa net, napansin ko na may kapatid pala si Shinchan. Ngayon ko lang nalamans. hahaha.

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care and TGIF folks!

23 comments:

  1. nababastusan talaga ko sa anime na to. ewan ko ba heheh

    ReplyDelete
  2. si Shinchan yun walang galang kay Carmen, pasaway lungs, haha! hindi ko to actually napanuod, pero nakita ko yun mga cartoon strips online dati,

    ReplyDelete
  3. naku i love shinchan. super pinagtyatyagaan namin tong panuorin noon kahit na malabo kasi naman ang hina ng signal ng channel 13 noon sa amin pati yung kurochan pipinuod ko rin noon hihi

    super nakakatawa tong anime na to. elepante elepante!=D

    ReplyDelete
  4. favorite ko tong si Sinchan na madalas magpakita ng bototoy at ka-love team ni Nene at mas nakakaaliw dahil sa boses ni Andrew E. :)

    ReplyDelete
  5. haha ang nakakatawang si shin shan haha mejo green ngalng haha lalo na ung elepante game nila ng tatay nya

    ReplyDelete
  6. Carmen... hahahaha... ayos talga tong si shinchan kung tawagin ang nanay nya... walang galang... hahaha... pero nakakatuwa talaga sya... super kulit...

    ReplyDelete
  7. napapanuod ko to :) ang weird pero ang saya panuorin :) naalala ko tuloy yung iba pa, yung kuruchan :) salabakuta pa kumanta ng opening song nila :) trip ko yung mga ganitong cartoons dati :)

    ReplyDelete
  8. Pinapanuod ko to dati. Solid Abs-Cbn ako pero inabangan ko talaga to. Nakakatawa lang pag inaasar niya yung nanay niya lalo na pag Carmen ang tawag niya. hehe.

    ReplyDelete
  9. ito ang palabas bago ang Kurochan (isang robocat).. isa ito sa pinakapaborito kong palabas noon... ^_^ walang dull moments sa buhay ni Sinchan at ng kanyang nanay na si Carmen.... pati na rin ang teacher nya na nakalimutan ko na ang name hahaha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???