Tuesday, May 15, 2012

Zenki!

Tanggalin ang sumpa kay zenki! Tatanggalin ka ng lihim na espada! Sumpa! Dakilang Vajula.... Palayain ang alagad mong si Zenki! Dakilang Vajula.... Palayain ang alagad mong si Zenki!

Kung binasa mo ang kataga sa itaas with matching formation ng star shape sa hangin, alam kong isa ka sa inabutan ang palabas o ang anime na Zenki sa telebisyon.


Eto ay tungkol sa isang babaylan ng japan na ginamit ang demon guardian na si Zenki upang matalo si masamang ek-ek na si Karuma. Matapos pagsawaan ang katawan este matapos gamitin sa pakikipagdigma si Zenki, pinahimbing or sineal ang guardian para kung sakaling kakailanganin muli sya, ready to go na!

makalips ang ilang taon, ang descendant o apo-ng-apo-ng-apo ng unang babaylan ay ang naging tagapagmana ng kakayanan para i-summon si zenki.

So sino sino ang mga character sa wento?

syemps ang mga bida na sina Cherry, Zenki at Goki.


1. Cherry/Chiaki- Sya yung summoner at tagapag-alis ng sumpa kay Zenki. Naka-pigtails na may suot na pang-templo. Syemps, kasama sa get-up niya yung bracelet from charms and crystals (joke lang), basta yung bracelet na may mga bolitas na colored.

*Chants and spell:
Tanggalin ang sumpa kay zenki! Tatanggalin ka ng lihim na espada! Sumpa! Dakilang Vajula.... Palayain ang alagad mong si Zenki! Dakilang Vajula.... Palayain ang alagad mong si Zenki!

Gintong Dragon ni Diva, supilin mo ang mga kampon ng kadiliman! Ibigay mo sa akin ang kapangyarihan!

Kataas-taasang alagad, Vadjula! Mahalo! Sumskala!

Espiritu ng Apoy, Alab!

Espiritu ng Hangin, Ihip!
 

2. Zenki- Ang bida syempre, sa kanya ipinangalan ang anime. Sa anime na ito, nasa chibi form sya at walang lakas unless matatanggal ang sumpa na nakapatong sa katawang-lupa nia. Si Zenki ang hero na may atake na "Kuko ni Diva" at "Palakol ni Diva"


Mga linya sa anime:

Ako si Zenki, ang dakilang alagad!

Tanggapin mo ito! Kuko ni Diva!

Gintong Palakol ni Diva!

Ako si Zenki, ang kataas-taasang alagad!  

Kapangyarihan ng Kulog at Kidlat, Kapalit ng aking buhay upang mapuksa ang mga kampon ng kadiliman. Kulog at Kidlat! LUDRA!!!!!!!!!!!!!!!!!!




3. Goki- Si Goki ay addition sa story kasi bandang gitna na sya lumabas. Siya ang other warrior at dahil sa kanya nagkakaroon ng upgraded armor si Zenks.

Linya: 
Lapit! Alagad ni Oznai!

May mga characters pa like sila Apo Jukai, Lola Saki, Kuribayashi, Sohma Miki at iba pang kalaban tulad nila kagitora, Inugaming lobo at Haring itim. Madami kaso walang pics na mahanap kaya di na ako nag-effort. lols.

May bonus, youtube vid ng zenki opening song.


O cia, hanggang dito na lungs muna. TC! Vajula-o...Vajula-o... zenki!

30 comments:

  1. paborito ko to'ng zenki!!!

    ReplyDelete
  2. eto yun eh...
    eto ang isa sa nagpapaexcite sa hpon ko nun ng elementary days ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahah. eksayting ang labanan ni zenki laban sa kampon ni karuma :D

      Delete
  3. hahahaha so classic.... grabe lang...
    fave ko pa to... tuwing hapon to ng 4!

    ReplyDelete
  4. matanda na talaga tayo hahah :) nanadamay.

    gusto namin to ni kuya. at dito nagsimula ang mga sakitan namin gamit ang siko. ang kuko ng manikuristang si diva.

    ReplyDelete
  5. Isa ito sa nagpapaorgasmo sa akin nung kabataan ko..palakol ni divaaaaaaaaaaaaaaa.

    ReplyDelete
  6. Isa ito sa pinaka favorite kong cartoons noon tuwing hapon.

    eto ang favorite line ko dito "Vadjula! Mahalo! Sumskala! " nasapok nga ko ni mudrax dahil sa kakasigaw ko nyan araw-araw. hihihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahha. natawa naman ako dahil nasasapok ka sa pag-gaya sa chants

      Delete
  7. Replies
    1. vajula-o... vajula-o... zenki! namiss ko din to

      Delete
  8. Dio din ba yung, ang kuko ni diva! Haha.. Limot na

    ReplyDelete
  9. kakatuwa talaga yung mga palabas dati :) lakas maka-impluwensya :) mahilig ako mangulekta ng teks na zenki noon :)

    ReplyDelete
  10. Ay! Isa to sa paborito kong panoorin dati! hehe.. Ang cute ni chibi Zenki. Tapos yung chant/spell, saulado ko yan!! Proud lang.. haha!

    hehe.. nostalgic na naman. :)

    ReplyDelete
  11. Nice blog post about Zenki..

    But yung latest Zenki ngayon na Tagalog version binago ang dubbing pati chants, mas gusto ko parin yung una, nung pang 1997 na dub.. ZENKI THE BEST!

    And now I'm reading the Zenki manga hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. di ko alam na may manga pala ang zenki, mahanap nga

      Delete
    2. Ito po, kaso Spanish ang translation.. XD
      http://submanga.com/Kishin_Douji_Zenki

      Delete
  12. ang ganda ng karton na toh. naalala ko pagkatapos namin manood ng Zenki maglalabasan na kami ng mga kalaro ko tapos mag iipit kami ng mga sanga sanga puno sa gitna ng daliri namin ginagaya ang kuko ni Diva!! hehe

    ReplyDelete
  13. Hindi ko alam yung tono o kung pano man sabihin yung una. Hahaha. Alam ko tong cartoon na to pero di ko siya naabutan. ata?

    ReplyDelete
  14. haha nakakamiss na toh! :))

    ReplyDelete
  15. Ganda ng zenki.. sana ibalik ulit eto sa t.v..#90's Zenki fan

    ReplyDelete
  16. huhu. na addict ako bigla dito kay zenki.di ko kasi napanood ng buo eto nung bata pa ako.. pero ngaun sa youtube na. nakakamiss maging bata. #90zenkifan

    ReplyDelete
  17. Si Goki ay may linya ding

    "Ako si Goki ang alagad ng liwanag"

    Meron din syang spell

    "Kalasag ni Vajullah"

    At weapon na

    "Dragon ni Pudong" (rod)

    ReplyDelete
  18. what is the meaning of japanese letter in his chest

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???