Monday, June 15, 2020

Together with Me the Series


Nakakakalahati na pala ang buwan ng June. Ambilis ng araw at di mo namamalayan na paparating na ang kapaskuhan hahahaha. Pero wala pang lunas sa Covid. Maygas abelgas!

Anyway, since i'm still stuck sa bahay dahil sa pandemic shenanigans na nagaganap sa mundo, no choice ako kundi magwork at magrestday sa kabahayan. At dahil na din sa boring ang nakakulong lang sa haus, kaya naman walang masyadong ganap kundi manoods ng series online.

Nawento ko naman na noon na nabored na ako sa korean drama kaya naman Thai series ang aking minamarathon kapag restday, at heto ang isa sa mga napanood ko na. Together with Me.

Magsisimula ang wento sa isang entrance shenanigans ng isang university. Magkikita ang dalawang guysungs na magkakilala since childhood at muling nagkita sa eskwelahans.


Then one time, nagkaroon ng inuman sesh, so may alak. At dahil sa kalasingan, out of the blue may naganap sa dalawa. Zomg, nagboomboompowan ang dalawang magkaibigan.

Pero after what happened sa isang nag-aalab na gabi, tila nasira ang pagkakaibigan ng dalawa. Awkward and wierd feeling ganyans. At kailangang isikreto at ibaon sa limot ang ganap.

Korn

Etong si koya mo Korn na mukang nag-initiate ng kaganapan ay nag so-sorry sa kanyang bes.  Guilty ang peg at kinda nagmamakaawa.

Knock

Tapos eto namang si Koya mo named Knock ay may Jowawits and medj maypagka-clingy-ish na todo bakod sa juwa.

So pano na ang istorya ng magbeshywaps e pareho sila ng pinapasukang skul and same halos ng circle of friendships ganyans.

So shempre di ko na iwewento ang buong story, panoorin nio na lungs.


And since thai series to, singit ko lang na medyo may 2 substory sa series. So aside sa story ng main bidabida na sila Knock and Korn, may dalawa pang kwento na mapapanood na pede mo naman skip if di mo feel hahahaha.




Ang una ay ang Professor and student story. Si Prof ay ate ni Korn at si guysung ay dabarkads ni Korn at Knock.

Ang second naman ay ang dabarkads din nila Knock and Korn named Farm at isang Doctor Jones na taglivog named Bright.

Medyo sad lang ang ending for the 2nd story (Farm) dahil somehow, due to love, nagbago yung medj inosenteng si Farm.

For this series, maayos ang flow ng story at di gaanong magulo kahit may substories. 4.3/5 ang score na ito dahil magaling ang chemistry ng dalawa. May drama pero hindi heavy. Mabwibwisit ka sa kontrabids pero di uber na kamumuhian. hahahaha.

May 2nd season din to named' Together with Me Next Chapter' na okay naman din pero di ko na ikwekwents kasi maiispoil ng light ang story ng first series.

O cia, hanggang dito na lang muna. TC!

Monday, June 1, 2020

Love by Chance

Hola! June 1 na, almost kalahati na ng 2020 at 3 months na naka WFH ang karamihan sa mga madlang people due to this pandemic. Pero kahit na ganun, we move on thus we need to continue at dahil dyan, tuloy ang pagsasalitype at pagsulat sa blog na ito na kahit na puro agiw ay pilit na nilalagyan ng lamans.

For today, isa nanamang Thai series ang magiging laman ng post na ito. Yes, mukang until sa mga next 6 or 7 post baka puro lakorn ang magiging laman ng posts ko. hahahahaha.


Sa bansang Thailand which is obvious naman since Thai series to, magsisimula ang wento. May isang beklushi boy named Pete. One day, nagkaroon sha ng kinda accident. At nag-cross ang landas nia at ng isang boy named Ae.


Since beks si Pete, somehow na-inlababo sha at first sight sa isang boy na straight. Pero shemps di kaagad magkakaroon ng love keme. Friends lang muna sila ni Ae. Pero dahil sa ilang ganap sa buhay ni Pete like nabubully/blackmail sha ng somehow ex/fling nia, nagkaroon ng chance na magkadevelopan ng feelings ang dalawa.


Si koya Ae mo naman ay somehow by chance ay unti-unting najulogs kay Pete. and together, yung pagtingin nila sa isa't-isa ay nag-bloom until maging magjowa na sila etc.

Aside sa storya ng dalawa, merong ibang side stories sa series na ito like ang wento ni characters na TinCan kung saan yung isang koya ay isang pa-high standard guy na mapangmaliit sa mga di niya kauri kasi richkid si koya. Tas si other person naman parang childish na may pagka-adhd ganap. 


And other sides ay yung kwento ni Libog guy at ate gurl chuchu at dalawa pang pairs na meh, additional stories lang hahahaahahah.

Score ng series na ito, 4/5. Good naman ang character development story between the leads. may chemistry at hindi wierd panoorin. Bagay sila. Medyo may bawas lang dahil sa mga extra side characters stories na parang pampadagdag lang. Also parang prolonged story lang dahil din sa TinCan tandem.

O cia, hanggang dito na lang muna. TC! GCQ na pala today. Sana magkaroon na ng lunas sa Covid at malift na sa susunod ang quarantine keme.