Sunday, November 5, 2017

Thor: Ragnarok

Hello guys! Kamusta na? Sobrang tagal na pala from my last post... imagine, August pa yung last na kwento ko! maygulay!

Heniway hiway, andito nanaman ako to make some general clearing ng agiw sa aking bloghouse kaya naman heto ako at tumitipa at nagsasalitype nanaman ng kung anik anik na tumatakbo sa aking isip.

Para sa araw na ito, balik tayo sa movie review-reviewhan ng peliks na recently ay available sa ating bansa. Delay ako ng 1 week sa pagpanood dahil busy ako sa real life with different reasons. 

Kahaps, dahil restday ko at solo mode ako sa bahay dahil nasa Australia ang fambam ay umalis ako ng bahay kubo at pumunta sa syudad upang makapanood ng pelikula. Ito ay ang palabas mula sa Marvel at ang ikatlong peliks ng hero na may lahing karpintero dahil may hammer na dala, si Thor.

Pero bago ko ipagpatuloy ang sasabihin ko..... Babala! SPoilers ahead. Kung di ka pa nakakanood at abangers ka pa sa free downloads or sa DVD copy sa bangkets then this is not for you. Close mo na yang browser mo.

Pero kung desididuuuuuuu na yuuuuu, let's go sago!


Magsisimula ang wento kay Thor na nasa isang place na may makakalaban syang demon thingy chuva. Then some lines and pacomedy then may fight scene na magpapakitang gilas ang ating bida with his fighting skills.


Then pupunta na sa asgard. Malalaman na si Loki ang nagpapanggap na king ng asgard at dadalin ni Thor ang kanyang kapatid sa Earth upang hanapin ang kanilang dadikels na si Odin... Kapatid ni Otin charots.



Pero matetegibels ang pudraks nila Thor at Loki. Pero bago siya lumisan, isang malaking sikreto ang malalaman.... May panganay na anak ang kanilang daddeeeey! Maygash pulgas, may older sisterets ang dalawa at makakalabas ito from banishment kapag na tsugi ang tatay.

At dahil na dead na si lolo, ayun na nga, lumabas na ang Teh gurl. Nagpakita na sa kanyang kapatids ang panganay na si Hela (hindi Padilla ang apelyido). 


Kailangang pigilan nila Thor ang kanilang Teh, so they make laban. Ibinato na ni Thor ang kanyang Hammer na Mjolnir pero nasalo ito at nasira.

Nagretreat sila Thor at nagpa-warp pabalik ng Asgard subalit nasundan sila ng sister nila at nagkaroon ng battle while teleporting at ang nangyari ay na-talo si Thor and Loki at napadpad somewhere out-there.

Si Hela ay nakadating sa kanyang homeland, at nagsimula na syang angkinin ang dapat ay sa kanya. Binalak siyang pigilan ng mga Asgardian Warriors pero imba ang lakas ni gurl. Nadeadsung ang Warrior 3 na sila Volstagg, Fandral at Hogun. 


At ng masakop na ang palasyo ni Hela, hinanap niya ang espada ni Juan dela cruz este yung sword na susi para makapunta sa ibang dimensyon. Pero di niya ito mahanap dahil nasa kamay ito ng gatekeeper na si Heimdall.


Habang nasakop ang bayan ni Thor, si KyahPembarya naman ay napadpad sa smokey-mountain thingy. Dinakip sya ng isang black gurl at ibinugaw este ibinenta bilang warrior sa isang Arena (hindi po sa Moa).

Dito makikilala ang Grand Master ng lugar. Sasabihan niya si Thor na para makaalis ng place, kailangang matalo ang warrior at champion.


Ginupitan si KyahThor ng buhok at inilagay na sa battlefield arena para kalabanin ang pinaka malakas na warrior ng lugar. Dito na malalaman na ang warrior ay kulay green at isang monster...



Tapos while on the smokey-mountain-arena-thingy, may matutuklasan na lihim, si black/brown gurl na nambugaw kay Thor ay isang Asgardian na isang female warrior called Valkyrie (hindi yung club).


Magagawan ng paraan ni Thor na makatakas sa lugar kung saan siya ay ginawang warrior at nagtangkang bumalik sa kanyang place para talunin ang kanyang ate.

At dito ko bibitinin ang wento dahil ayoks ko ichika lahat-lahat dahil sayang ang ibinayad kong 270 petot na pampanood ng peliks (gosh, ganun na pala kamahal ang panood ng sine).

So ang score ng peliks, bibigyan ko ng mga around 8.9. 

Okay naman for me ang film, may action, may comedy, may kurot ng konting drama at etsetera.

Pero kaya di umabot sa 9 ang score, ay sa pagka-imba ng main kalabs na si Hela, ay, napaka-downer ng paraan para matalo siya. 

Nagplus points lang for me ng ipinakita si Dr. Strange sa first part ng film tapos hindi na mukang dugyuting Kyahpembaryah si Thor with his new haircut.

O sya, hanggang dito na lang muna.

Take Care!

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???