Monday, October 17, 2011

BinBit Scam

May kumakalat na iskam.... Mag-ingat! Alert! Alert!

Kung isa kang pesbuk user at may nakita kang friendship na nagpropromote ng apps na pede mo malaman kung sinong friend ang nagtanggal sa iyo sa list niya..... WAG patusin! 

Ganto kasi yun. Nung triny ko yung app, para DAW malaman mo kung sino yung mga hinayups na nag-unfriend sa iyo, kelangan mo sumagot daw ng serbey. Madadala ka sa isang page tapos sasagutin mo lang ang chechebureche questions. Tapos kailangan mo ibigay or itype cp number mo para mag-push through at mareceive yung activation key.

Kapag tatanga-tanga ka like me na inilagay ang cp number mo. Bam! Unti-unting sisimutin ang load mo. 10 petot per day! Imagine!!!!

Nga pala, makakareceive ka ng anik-anik message mula sa 2474. Pag wa ka load, makakareceive ka ng message na may di nagpush na transaction kasi wala ka load tapos pipilitin ka magload agads-agads.

Kapag gusto mo mag-unsubscribe, kelangan mo text STOP BINBIT at send mo sa hinayupak na 2474.

Ginawa ko yun at nakareceive ng unsubscription message pero after 6 hours, nakaltasan pa din me. Triny ko ulit magsend ng stop notification pero sinasabi wala na ako subscription. Imomonitor ko pa kung mababawasan pa ako bukas.

Mag-ingat kayo!!!

O sia, hanggang dito na lang muna. TC

24 comments:

  1. Awwwww. Super hassle naman nun! Thanks for letting us know ha?

    ReplyDelete
  2. Report agad yan sa NTC bossing. Namimihasa yang mga yan kapag walang nagsuplong.

    ReplyDelete
  3. good thing at naiwarn mo kaagad sa nakakaraming tao... kainis yang ganyan.. thanks for the info!

    btw, i love the new look of your blog.. :)

    ReplyDelete
  4. Yay! Ang sama naman yan. Magpalits na lang ng number para di na magtext at magnakaw ng loads mo. :D

    ReplyDelete
  5. Alam mo pabor sa akin ang ito. Tapos magpaload ka ng magpaload sa akin. Nyahahaha!

    ReplyDelete
  6. hala I received this kind of message also! buti nalang rare ako mag load at kung mag load man hindi masyadong malaki.. haha

    ReplyDelete
  7. yang mga applications sa fb wag bastang like ng like o click ng click, ung iba jan nakukuha ang personal identifications mo.

    ReplyDelete
  8. hahaha... ayan kasi.. masyadong hinayupak.. hahhaa

    ReplyDelete
  9. ay nabikitima na rin ako nyang lecheng bureche na BINBIT na yan. kalat sya sa internet. last week kasi ay kelangan ko yung program ng Turbo C. so todo hanap ako kung saan pwede magdownload hanggang sa umabot ako sa isang website, kelangan daw muna magpipindot at activate ng potah shits. tapos ayun, nabawasan yung load ko ng ten pesos.

    parang scam nila yan para kumita. next time, iwas na lang sa kapipindot ng kung anu-ano para hindi mapahamak. haha!

    ReplyDelete
  10. dami nga ganyan buti natuto nrin ako..

    ReplyDelete
  11. buti na lang ngayon nabasa ko na toh before pa mangyare sakin yun


    anyhow thanks sa info!

    :)

    ReplyDelete
  12. BUSET! wag na nga lang mg selpon! SCAM! buti nalang u posted this. thanks!

    ReplyDelete
  13. @k, no problemo

    @joeyvelunta, sa globe me nagreport.

    @ajbanda, salamat sir :D

    ReplyDelete
  14. @bino, tnx

    @empi, baka nga magpalit me sim kung patuloy to

    @spiderham, lols..... :D

    ReplyDelete
  15. yikes! beri bad..beri beri bad..:(

    salamat khanto, now we know! :)

    ReplyDelete
  16. salamat dito pre.

    at pahabol, wag kasing pa-budoy-budoy. ehehehe

    ReplyDelete
  17. ahhh!!! yun pala iyon.. Salamat sa info :)

    ReplyDelete
  18. mabuting masugpo yan bwisit kasi.nauubos load mo kahit hindi ginagamit....

    ReplyDelete
  19. yung putang inang bitbit yan, pag mali ang keyword mo sa pag-unsubscribe kakaltasan pa?! mga putang ina talaga mga scammer yan. nagkamali ka na i-magbabayad ka pa?! however, nagtext ako "STOP ALL" to 2474 sabi wala daw akong subscription.. i-momonitor ko rin ito sa loob ng isang linggo, right now i have 12 peso load, kapag nabawasan pa ito (despite of unsubscription thing)..ewan ko na lang.

    ReplyDelete
  20. the only scam that has reached Philippine TV I SWEAR.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???