Monday, August 27, 2012

Thalia! Thalia!

Arborin muna natin ang kapangyarihan ni Ida ng Shaider at sabay-sabay natin sabihin.......................
'Time Space Warp, Ngayon Din!'
 
Babalik tayo sa dekada nobenta kung saan hindi pa puro kapokpokan at pangangabetbetbet ang usong tema ng mga teleserye (tama ba Shaina, Jake at Bangs?) Di pa din uso ang mga pabibong bata batuta tulad nila Lorenzo at Agua Bendits.
 
Well, ang uso noon ay ang istoryang mahirap si girlalu na maiinlab sa isang richie-rich boy na minsan ay mabalahibo ang mga dibdib at pumuputok ang mga maskels. Tapos syempre, hahadlang sa pagjujugjugan este pag-iibigan ng dalawa ang pamilya ni boy kasi nga langit-lupa-impyerno...im-im-impyerno...saksak-puso-tulo-ang-dugo ang pagitan ng lovers.
 
Tapos syemps kailangan may gantihan factor at iikot ang mundo kasi bilog ang utot este bilog ang mundo at ang poor girl ay magiging rich at magiging babangon ako at dudurugin kita ang peg. May i revenge ang drama!
 
But in the end, magiging happy ending ang vajayjay at talong ni girl at ni boy at they lived happily ever after.
 
Nakabalik tayo sa panahon kung saan sumikat ang tinaguriang telenobela queen.... ang panahon ni Thalia!
 
Sino bang hindi nakakakilala dito sa babaeng ito na naging popular during 90's at kaya mostly ng ibang chikiting patrolna iniluwal sa pechay ng mga mga magulang ay may namesung ng mga popular na mexicanovela like Marimar o kaya may Maria ang name... Maria Mercedes, Maria Mae, Maria Malaria at Maria Ozawa.
 
 At infairview, kahit ang palabas ay tumatagal ng halos kalahating taon (oo, mahaba lagi ang mga mexicanobela dahil andaming singit at dragging scenes) e sinusubaybayans yan!
 
Isipin mo, sa serye ni Thalia mo makikilala hindi lang ang storya ng main bida pati na din ang storya ng supporting actors at supporting ng supporting actors pati ang supporting ng supporting ng supporting actors!! Kahit nga mga tindero/tindera ata merong story e! San ka?
 
Syemps, para naman may recall kayo sa nishashare kong tao,heto ang sample ng palabas niya.
 
1. Marimar
 
2.Maria Mercedes
 
3.Maria La del Barrio
 
4.Rosalinda
 
Sa kasikatan noons ni Thalia, kasama sya sa nagiging cover ng mga notebook ng mga students! Imagine,mga kiddos sa school ang cover ay ang pes nia!
 
At dahil nga sikatkatkat e nag-remake ang dalawang stations ng serye.... Lumabas ang Marimar, Rosalinda at Maria La del Barrio.Unfortunately, mukang di na na-remake si Maria Mercedes. lols. Hindi na ata bumenta sa mga new generations.
 
woopps, tapos na ang time space warp..... Hanggang dito na lang. Take Care folks! Si Senyor!!!!!! wahahah


24 comments:

  1. ewan ko ba bakit ko favorite si thalia, pero isa lang ang sure, napapa Aw! ako pag siya na ang asa tv.

    ReplyDelete
  2. yang marimar ang dahilan kung bakit naging 30-minutes at nagsolo si Kabayan sa tv patrol dati lol

    ReplyDelete
  3. sobra sikat nya dati sa pinas nu haha peo tanda ko parng kalaban nmin sya nung bata kasi mejo sabya ung marimar sa power ranger haha

    ReplyDelete
  4. wahaha ang kulet lagi ng mga posts nyo at napapansin ko lang, laging may temang pagbabalik tanaw ang peg nyo hehe ^_^

    Still remember ko pa, tuwing tanghali pinalalabas sa RPN 9 dati ang Marimar... Awww!!! :D at sinong hindi makakaalala kina Polgoso - ang wonder dog ni Marimar at si Corazon, ang dakilang black yaya :D

    ReplyDelete
  5. tandang tanda ko to haha pati yung ibang mexicanobela noon haha pero yung maria mercedes ag di ko matandaan hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. wakokokk, natabunan ng fame ng ibang mexicanobela

      Delete
  6. naalala ko yang marimar na yan, nung sa elem pa ako halos kaladkarin na ako ng nanay ko pauwi maabutan nya lang yung marimar :)

    ReplyDelete
  7. Siyempre Thalia fever noong 90s. Kapag nilipat sa ibang channel, tiyak gigiyerahin ka ng nanay mo. Haayy... Naalala ko tuloy nung Rosalinda... maraming nagrereklamo kasi halos kita na buong cleavage niya. hehe

    ReplyDelete
  8. impairness, maganda si Thalia, crush ko siya dati hehe

    ReplyDelete
  9. Siya yung tinanggalan ng rib cage diba?

    ReplyDelete
  10. marimar ang all-time peyborit ko! tama si jag, siya yung nagpatanggal ng rib cage para maging sexy! \m/

    ReplyDelete
  11. yan ang panahong hindi pa uso ang mga koreano sa TV..

    ang panahon kung saan ang telenovela ay malanovela talaga sa haba.. :D

    ReplyDelete
  12. Kaya nauso ang teleserye ngayon ay dahil kay Marimar. Kung papansinin puro soaps/teleserye ang mapapanood sa tv hanggang umaga hangang gabi at nawala sa uso ang sitcoms sa pinas.

    Isa lang ang naging successful na remake yung Marimar ng Gma at doon sumikat si Marian Rivera kasi bagay naman talaga sa kanya.

    Pero yung Rosalinda remake di rin naging kasing successful ng Marimar remake at ganun din ang Maria la del barrio di kasi bagay kay Enchong maging Luis Fernando hahahahaha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???