Kahapon ang sinasabing malas na araw sa mga pilipino. Ito ang friday the 13th. Para sa iba ay ito ang pingangingilagang araw dahil aabutan ka daw ng kamalasan sa araw na ito. Diba nga merong pelikula na ang pamagat ay friday the 13th at ang naganap sa araw na iyon ay karumaldumal.
Para sa akin ay pinag-halong swerte at malas ang araw na ito. Kung sa normal na salita, neutral day lang. May malas at naka-swerte.
Eto ang mga malas na nangyari:
1. Natapon ang pabango sa bag ko.
2. Matrapik papuntang mall.
3. Nagbayad ng 650 sa outing :)
4.Wala na ang magagandang stocks ng laruan sa toytown.
5. Mababang sweldo dahil nasa APAC ako, walang night diff.
6. Di makapag-isip kung anong laptop ang bibilin
Para naman sa swerte, eto ang mga sumusunod:
1. Inilabas na ang Impel down One piece toys! yehey! bumili na ako ng apat.
2. Idleness at nakapag-blog ako.
3. Na-unlock ko si Kiba(s) sa naruto-arena.
4.Nakakain nanaman ng sizzling sisig sa robinsons.
5. Nakabili ako ng bagong t-shirt.
6. Kumain sa Sbarro.
7. May bagong release ng Thousand sunny na laruan. Kasama ang bagong miyembro na si Brook(One Piece)
Narito ang larawan ng Laruan na binili ko kahapon.
Apat ang binili ko:
- Hancock Boa (ung babaeng naka-red na may ahas)
- Magellan (ung nakakatakot na nakaitim na mukang dragon na ewan)
- Capt. Buggy (ung blue ang buhok na naka preso ang damit at may pulang ilong)
- Mr. 2 (ung anino lamang na may ?)
Epekto ng swerte na nagrelease na ng thousang sunny toy sa Robinson ay ang malas ng pagdidisisyon ko kung bibili ako ng isang set dahil ang totoo ay meron na akong Thousand sunny (sinalanta lang ni ondoy). Di ako makapag desisyon kung bibili ako dahil aabutin ng P1,500 kung bibilin ko ang set. Ang pinagkaibahan lang ng meron ako at ng bagong release ay ang karakter na si brook at saka bagong-bago iyon at di pa nasasalanta.
Ngayon, ang epekto ng araw ng Friday the 13th ay may bisa padin. Di ako makapag-isip kung susundin ko ang isip ko na bilin ang laruan o ang puso ko na magtipid dahil APAC salary ang tatanggapin ko hanggang enero.