Ngayong araw na ito ang pinakamalas na araw ko. Nakakainis! Nakakabad trip! Nakakapang-init ng ulo! Ngayon ang araw na nais ko sanang bumili ng laptop. Ngunit ako ay di nakabili sa mga bagay na nakakairita!
Una, Binanatan ako na kelangan kong mag-ambag ng sampung libo, yes, totoo, 10k daw kelangan ko iabot sa magulang ko para ipnghanda sa nalalapit na babang-luksa ng king lola na yumao noong nakaraang taon.
Ikalawang kamalasan ay dahil sira ang tv sa bahay, walang magawa sa bahay kundi ang tumunganga. Isipin mo, kahapon pa ako walang magawa kundi humilata lang sa kama habang nakikinig ng radyo sa cellphone ko.
Ikatlong kamalasan ay dahil sa laban ni pacquiao at wala ngang telebisyon sa bahay ay ako ang naiwan sa bahay upang magbantay ng gamit dahil ang aking pamilya ay nandoon sa tita ko at nanonood ng laban ni pakman. Nakakabagot at nakakainit ng ulo.
Ikaapat na malas ay ako ay nagdecide na dalin ang digicam ko sa Canon Service Center upang ipaayos. Akala ko na sa tabi lang ng Starmall ung Puregold na sinasaad sa direction o lugar. Ng nagtanung ako sa guard, itinuro nia ung lugar subalit ang di ko inaasahan ay di pala malapit ang place. Naglakad ako at inabot ng halos isang oras bago narating ang center. Ang masaklap pa noon ay aabutin daw ng 2k or baka halos kasing halaga ng bagong unit ang pagpapaayos.
Ikalima at ang pinaka-malas sa nangyari ay ninakaw ang cellphone ko. Ambilis ng pangyayari at di ko manlang nadama na ninakawan na ako. Kainis talaga as in sh*t! Di ko alam kung anung balat or malas ang nakadikit sa akin pero sadyang bad trip! Wala pa atang kalahating taon sa akin ang unit na iyon. Lahat ng contacts ko andun.
Sana ay hanggang ngayong araw nalang ang kamalasan at dumating na ang swerte sa buhay ko katulad ng christmas bonus o kaya ay ang pagdating ng appliances na bigay as Gift sa mga nasalanta ng bagyo. At sana makarma ung kumag na nagnakaw ng cellphone ko. Tipong masagasaan o kaya ay mabilanggo sya habambuhay.
Ang harsh
ReplyDelete