Saturday, November 21, 2009

Adik!

Hays, Grabe. Ngayong madaling araw na ito ay di pa ako makatulog dahil nais kong maglaro. Nakapag-unlock na nga ako ng isang character sa kaadikan subalit di matahimik ang mundo ko sa isang laro. Ang ragnarok.

Tama, Ragnarok nga. Ito ung nilalaro ng L2 na nasa pwesto namin. Naaaliw kasi ako tignan ang mga character nila na ambilis lumevel at anlalakas. Naeengganyo ako na magbalik ragna na.  Bumili ako ng ragnarok offline disc dahil nais ko itry subalit ako ay bigo. Na-install ko nga subalit di ko mapatakbo dahil wala talagang instruction ung offline game. Ang masaklap pa ay intsik o koreano ang sulat sa site na nabubuksan ko pag ni-rurun ang software,

Wala din ako mahanap na clue sa internet. sinubukan ko din na magdownload subalit mabagal ang internet ko kaya di pede.

Balak ko sana na kopyahin nalang ung file ng ragna sa computer shop at itransfer nalang o kaya naman ay humingi na ng tulong sa mas nakakaaalam kesa naman magdunong-dunungan.

Sana bukas ay makalaro na ako.

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???