Monday, November 23, 2009

IT Gathering!



Nag-set na ng araw ang mga ka-batch ko sa kolehiyo kung kelan gaganapin ang pagtitipon ng mga IT graduate. Ito ang pagsasama-sama namin matapos ang isang taon mula ng kami ay makapagtapos at makuha ang aming diploma. Masayang isipin na ang mga taong kasama mo noon sa defense at oral arguments at sa thesis ay makakasama muli. Ewan, parang ewan ang pakiramdam din sa pag-iisip kung anu na ang kalagayan ng iba.

Masaya, masaya ang unang papasok sa aking isipan matapos malaman ang petsa at lugar. Dito sa Libis gaganapin. Ayos, malapit lang, maaaring antayin after ng shift. Maligaya, maligaya sa pakiramdam na ang mga ka-batch at dating kamag-aral ay muling makikita at makakamusta.

Takot, takot ang nasa puso ko dahil di ko alam kung anu na ang naabot ko sa buhay matapos kong grumaduate. Di ko alam kung ako ay dadalo sa mga wirdong kadahilanan. Una, Naka-leave ako sa araw na iyon dahil uuwi kami ng probinsya para sa padasal sa unang taon ngf pagkamatay ng aking lola. Anong wirdo dun? Kasi Linggo ang pinaka-araw ng padasal kaya maaari naman akong dumalo sa pagtitipon.

Ikalawang rason ko ay dahil ako ay nanaba. Nakakatawa kasi nakakahiyang pumunta at makikita na nila ako na dumoble sa laki at sa bigat. Nakakahiya din na mapagkamalan pa akong may pamilya na o tatay na sa hitsura ko ngayon samantalang yung mga talagang may anak na ay mukang bata pa.

Ikatlong rason ko ay dahil nasa pang-umaga akong shift, wala akong gaanong pera upang gamitin sa pagtitipon. OO, totoo, nagkukuripot mode lang ako at nagdadahilan lang din. ahahaha.

Pero sa mga naunang dahilan, ang pinaka-pangamba ko kung bakit di ko alam kung ako ay dadalo ay di ko kayang marinig na sila ay mga nasa IT industry/ line-of-work at habang ako ay nasa isang call-center-type of job. Di ko kayang tanggapin na habang sila ay napapakinabangan ang MCP certification na natamo habang ang akin ay parang naitago sa baul at di manlamang magamit. Takot ako na habang nilalamon ako ng mga technikal na mga terms o programming language na kanilang pinag-uusapan, ang kaya ko lang maikuwento ay panu magtroubleshoot ng antivirus software.

Marahil sasabihin ng iba na sobrang OA kong mag-isip. Marahil tama. Makitid pa ang aking isip. Di ko alam kung panu lunukin ang pride at hayaan nalang mangyari ang dapat mangyari sa araw na iyon at ienjoy lang ang oras na makakasama ko muli ang mga taong naging parte din ng college life ko. Siguro ay dapat na tatagan ang loob at patayin ang sisiw na namumugad sa dibdib at hayaang makapag relax at maglibang.

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???