Friday, November 27, 2009

Naruto 473


Inilabas nadin sa One Manga ang bagong episode o chapter ng Naruto. Narito na ngayon ang kadugtong ng istorya kung saan nakikipaglaban ang miyembro ng Akatsuki na si Kisame laban sa isang jinchuriki na si Killer Bee.

Dito sa chapter nato natapos ang buhay ng isa sa mga miyembro ng akatsuki. Tinalo ni Bee ang kalaban sa tulong nadin ng kanyang kapatid na syang Raikage. Nawakasan ang buhay ng kalaban sa pamamagitan ng pinagsamang bilis at lakas ng kaliwa at kanang kamay ng magkapatid at ang kawawang kumag ay napugutan ng ulo.

Sa kabilang dako ng istorya, ang isang bagong karakter ay natulungan ng Mizukage at nailigtas sa kapahamakan. Nabisto naman ang pagpapanggap ng dalawang tauhan ni saske at ngayon ay nahaharap sa alanganin.

Sa hulihan ng istorya, hinarap ni Sai si Naruto upang banggitin ang lihim na hindi masabi ni Sakura. Ang katotohanan. Ano bang katotohanan? maaaring panibagong sikreto nanaman ang lalabas sa susunod na kabanata ng manga na ito.

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???