Ang aming tahanan ay aming binansagang Big Bother House/ Big Brother House 2 dahil ito ay ang bahay kung saan may pumapasok pero parang walang naeevict. Bakit ko nasabi na Big Brother House? Sa amin nanunuluyan ang ibang kamag-anak namin na lumuluwas ng Manila. Mga 2nd degree family, kamag-anak ng kamag-anak, di na kamag-anak ay sa amin nakikitulog. Merong ngang pagkakataon na halos tatlong pamilya ang nakatira sa isang maliit na bahay.
Para sa akin, wala namang masama sa nangyayare sa bahay kasi nakakatulong kami. Okay din naman kasi may kasama kami. May nakakatulong sa ibang gawaing bahay. Okay din kasi may buhay ang bahay kahit paano. Pero minsan, di mo di maiiwasan ang mga hindi okay. Una, sobrang ingay na. Pangalawa, dagdag gastos dahil andaming bibig na kailangan pakainin. Pangatlo, walang privacy ang tao. Walang tahimik na sandali. Nais mong mag-enjoy bumili ng luho mo pero hindi maaaring para sayo lang.
Nasabi ko nga kanina na okay lang naman, kaso sa sitwasyon sa bahay, parang minsan abuso eh. Parang naaabuso ang kabaitan ng magulang ko. Pinag-aral na nga ng daddy ko ung 2nd degree na kamag-anak namin, pati pamilya nya sa amin pa naka-asa. Ang masaklap dun, wala na nga matinong trabaho e may bisyo pang uminom. Tapos ang mga anak nia naman, di naman tumutulong. Puro ingay lang ang dala at lakas lang na pumetiks.
Masasabing parang reklamador ako at parang walang puso dahil naiinis ako sa bagay na ito. Masasabi ng iba na hayaan ko na dahil maakakatanggap din kami ng biyaya. Marahil tama sila at marahil din ay mali. Sa aking pananaw, dapat may limitasyon tayo sa pagtulong dahil minsan, ang tao ay di natututo kung lagi na lamang nakasandal at di nila alam na minsan pabigat na din.
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???