Wednesday, November 11, 2009

Games, Games, Games!




Ngayong araw na ito, ang ilalagay ko ay ang mga Online games na kinaadikan ko noon...



Una sa listahan ko ang Ragnarok. Ito ay isa sa sobrang kinaadikan ko noon. Ang una kong character na ginawa ay isang swordsman na ginawa kong Crusader. Noong nauso ang valkyrie, ang ginawa ko ay mage at ginawang sage. Ang pinakamataas na level ko ay 94.



Pangalawang kinabaliwan ko ay ang Tantra. Ang 3D game na astig. Tulad ng nakasanayan ko, Magician type ang pinili ko at ang tawag sa magicians ay Deva/Garuda. Ang pinili kong 2nd job ay Summoner. Ang may kakayanang tumawag ng hayop. Pinakamataas na level ko ay 92.



Pangatlo sa listahan ay ang Gunbound. Isang online shooting war game. Ang larong ito ay sukatan na chamba at ang pagpunterya sa kalaban hangang masira ang sasakyan o kaya ay mahulog sa arena.




Ran ang pang-apat sa talaan. Iba ang karakter na ginawa ko dito. Swordsman at Archer ang napili ko. Di ko masyadong kinarir ito kaya ang level ko ay nasa 40+ lang.

 

Lineage ang panlima. Elf ang napili kong karakter na gawin. Tulad ng sa Tantra, summoner din ang second job na napili ko. Pinakamataas na level ay 40 dahil naging di na sya free.



Ang huling Online game na nilaro ko ay Cabal. Pinag-gastusan ko din to kahit paano dahil umabot ako ng 60+ dto. Tulad ng ibang character ko, Wizard ang aking pinili.



0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???