Ngayong araw na ito, nais kong ilagay ang mga politikong nakikita ko ang pagmumukha sa telebisyon. Ang mga larawan ng kung anu-anung pagpapapansin upang matawag ang atensyon ng publiko at para maengganyo ang masa na sila ay piliin sa nalalapit na halalan.
Si Chiz escudero, ang may tagline na may bagong umagang padating. Kung iisipin mo ay bagong sabak palang nga sya sa pagiging senator. Baguhan sa politika, may masasabi ba sa pagtakbo nya bilang Pangulo ng pinas? Di ko din alam kung anung mga batas ang naipasa nia sa senado o kaya sa kongreso. Isang laging bumabanat ng kapintasan sa kasalukuyang administrasyon, subalit kung sa kanya mapapadpad ang kapangyarihan, kaya nia bang sanggain ang mga banat na ipinukol nia sa gobyerno ngayon?
Sunod sa listahan ang laking Tondo na si Manny Villar. Si Villar na nanggaling sa mahirap na tutulong daw sa mahihirap. Kilala na sya sa senado at masasabing di na sya baguhan sa politika. May mga iskandalo ding binabato sa kanya pero walang matibay pa na pruweba. Ang sa akin lang, Lahat ng ng mahihirap ay nasa wastong pag-iisip at nasa tamang desisyon upang piliin ang tama? Laging kahirapan nalang ba ang ipagduduldulan? Mahirap, mahirap, mahirap, e minsan ang mahihirap din naman ang nagpapahirap sa kanilang sarili.
Noynoy Aquino, ang anak ng kilalang tao na sina Ninoy at Cory. Ang biglang sumabak sa kandidatura sa pagkapangulo dahil sa tinatawag ng iba na "Legacy" ng kanyang ama't ina. Ang sa akin lang, katulad ni Chiz, wala pa syang masyadong karanasan sa mas mataas na posisyon. At isa pa, sa aking palagay, lagi na lang ba tayong titingin sa nagawa ng magulang? Ibang tao si Noynoy, maaaring may nakuhang ugali mula sa magulang subalit iba din ang mga nakapalibot sa kanya at di natin masasabi na may ibiubuga sya sa politika. Ang commercial na star-studded ba ay sapat na upang masabing may karapatan sya?
Gibo Teodoro, ang pambato ng administrasyon ngayon. kung tutuusin, di ko sya kilala. Ngayon ko lang ata narinig ang pangalan nia. Masasabing halos paguhan pero halos tradisyonal din. Ang sabi ng karamihan ay may kagalingan sya. Para sa akin, nag-aalangan ako kung anu ang magagawa nia sa bayan dahil kahit ang buong bayan ay di sya kilala.
Ang Mayor ng Makati, Jejomar Binay. Kilala sa tagline na "Ganito kami sa Makati, Ganito sana sa buong bansa". Ang kilalang oposisyon ng kasalukuyang administrsyon. Ang namumuno sa Makati na kadalasang pinagdarausan ng mga Rally at protesta. Nakakatawang isipin dahil pinagmamalaki nia ang Makati samantalang ang mga gusali at kaayusan ng bayan ay di nia naman talaga pinakealaman dahil ang mga malilinis na gusali ay pagmamay-ari ng business sectors. Ang kaayusan ng trapiko sa lugar ng Business district ay sa gawa ng MMDA. Sa aking palagay, makuntento nalang sya sa pagiging Mayor.
Loren Legarda ang huli sa aking talaan. Ang komersyal nia tungkol sa pagkasira ng kalikasan na dulot ng tao. Kilalang dating journalist ng ABS-CBN at natalong kandidato sa pagka-Bise Presidente noong nakaraang halalan. Isang babaeng kinikilala ng mga grupo ng kababaihan. Isa sa nagpatalsik kay Erap. MAsasabi ko na bihasa na sa daloy ng pulitika subalit di ko din mawari kung may kakayahan din syang mamuno.
Sila ang mga mukha na makikita sa araw at gabi na nagpapahiwatig na tumakbo at nananalangin na sana ay dingin ng taong pilipino ang kanilang panawagan tungkol sa magandang pamumuno at liderato. Ang sa akin lang, sana ay hindi pera ng mga tao ang gagamitin nila sa kanilang kandidatura.
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???