Di ko alam kung ano ang pumasok sa aking isipan at napagpasyahan kong mag blog ng tungkol sa mga burger. nakakatawang isipin kasi noong nakaraang linggo ko pa sana nais maisulat at maisingit sa blog na ito ang mga lasa ng mga burger na natikman ko na. Mga ordinaryong burger lang ang aking itinala at ang karamihan ay ang mga nasa fast food lang.
Magsimula tayo sa paborito kong fastfood chain, McDonalds. Ang mcdo ang takbuhan ko noong ako ay bata pa. Makaipon ng pera ay diretso sa malapit na mall(nilalakad ko lang) at bibili ng happy meal. Ang burger na kadalasang kinakain ko ay ang burger mcdo. Ang kakaiba sa burger na ito ay parang iba ang 'meat' na ginagamit. Ang dressing nito ay simpleng ketsup-mayo lang. Kung ako ang tatanungin, mas masarap ang original receipe burger nila na beef patties with pickles at ketsup with mustard.
Ikalawa sa listahan ay ang matinding kakompetensya ng mcdo, ang bubuyog na si Jolibee. Ang Jollibee ang pinoy fastfood chain na malakas sa panlasa ng tao. Dito matatagpuan ang Yumburger nila. Kung ihahambing sa mcdo, pareho ng dressing, ketsup-mayo na pinagsama upang maging mala-thousand island. Ang masarap sa burger dito ay ang beefy flavor nito.
Pangatlo sa aking talaan ay ang chicken burger ng KFC. Ito ay tinatawag nilang WOW burger. Di sya nanggaling sa wow ulam burger kasi manok ang laman ng tinapay. Ang masarap sa pagkaing ito ay ang garlic mayo na may kasamang lettuce strips na tinipid. Ang manok ay hindi strips kundi talagang giniling na karne ng manok kaya malasa.
Pang-apat ay ang burger ng Burger king. Ang kasarapan sa burger dito ay ang malasang karne na inihaw. Lasap na lasap ang lasa ng inihaw na burger patty.
Ang huli sa listahan ko ay Angel's Burger. ito ang burger ng mga nagtitipid dahil buy one take one ito. Kahit na mumurahin ay ayos naman ang lasa nia.
Ang ibang burger na di ko matandaan ang lasa dahil antagal ko na syang di natikman o kaya ay isang beses plang ay ang burger ng Tropical hut, Wendy's, brother's burger, minute burger at burger machine.
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???