Last friday, niyaya akong sumama sa lugar ng kapatid ni Toy Kingdom; ang Enchanted Kingdom. Kahit na dapat ay jojoin ako sa Coffee Session sa Seisha (Antipolo branch), nag-decide akong sumama sa amusement park dahil di pa talaga ako nakakarating dun- as in never pa. Syempre gusto ko naman madanasang makatungtong dun. Yung mga high schools at grade schools nga nowadays dun nakakapagfiieldtrip so dapat ma-iapak ko naman ang paa ko dun no. Kaya for the intro, hingi lang muna ako ng sorry sa mga ka-team ko at kasama ko dapat sa kape session.
After shift, inantay ko muna ang mga makakasama ko kasi hanggang 2pm sila. Medyo in-a-hurry din kasi kami dahil baka trapiks at until 7pm lang ang EK. Ngayong araw palang kasi sila mag start na hanggang 9pm. So deretcho kami sa Starmall para makasakay ng Van. 70 petot ang fare para sa ride. almost 1 hour ang naging byahe namin. Nag-add pala kami ng 10 petot each para ihatid kami ng van sa EK mismo.
(L-R)Noreen, Mj, George, Airon, Fatima, Rodem, Ako, Tin
First EK entrance ticket
bracelet ba to o morpher ng power rangers?
Pagdating sa EK, syempre kailangang magpapicture kasi unang tapak sa lugar. Pero since mga 3:30 at almost 4 na ay kailangang makapasuk na para masulit ang entrance. Unang ride na sinakyan namin ay ang flying fiesta (tama ba?) Eto yung ride na uupo ka sa parang swing tapos you'll gonna angat sa ere habang nag-iispin. Medyo nakakahilo to lalo na sa taong ayaw yung pakiramdam na parang umiikot sa tsubibo. After nun, medyo nagpicture picture pa sa area kung saan may mga dinosaur at stone age period. Tinatawag ata nila yung Boulderville.
It's Morphing time: Tyranasaur!!!
Triceratops!!!
After nun, nagtry pa kami ng ibang rides. Sinubukan naman namin yung roller skater na mini version ng isang roller coaster na walang gaanung dating. Nagtry din kami ng bump car. Medyo mahaba ang pila pero hindi naman super haba nung pila namin kaya na-try namin agad yun. Ang larawan ng pulang bump car sa ibaba ay ang curse bump car dahil yung last owner na sumakay dun ay parang nagsayang lang ng time sa kasi laging naiistuck sa gilid at di makaandar kahit anung twist and turn sa manibela.
Ambilis ng 1 ikot ng ride na to.
Jinxed car
Then sumunod ay naglakad kami sa area called Rialto wherein may mga replica ng mga old style establishments ng america. Then ang unang kinakatakutan kong ride (based sa mga kwento na nadidinig sa mga nakapunta na sa ek); ang Anchors Away. Eto yung jumbo pirate ship kung saan para kang nasa swing na itutulak ka from left to right and vise versa. Parang hinahati ang katawan mo kapag magswiswing na ang ship. Katakot ampota. Napakapits nalang ako sa handle. Di ko nagawang itaas ang kamay ko sa nerbyos. Buti na lang matibay ang puso ko at di ako na-stroke. wakokokok. (no pictures ng Anchors away).
Old school stores
Di pa nakuntento ang mga pips at sumonod ang isa pang iskeri ride. Ito ang Space Shuttle. Kung yung Roller Skater ay walang dating, dis is diperens. Wakokok. Nung unang nakita ko ito sa malayuan, ay grabi, ang kaluluwa ko ay ayaw sumanib sa aking katawan. Ang anino ko ay gusto ding kumawala na naghuhudyat na mag back-off ako. Pero syempre dyahe naman kung aayaw ako e naka-pila-balde na ang mga kasama ko sa linya. kahit wobbly ang paa ay sumabak ako. Shet. Habang umaakyat ang ride at bumubuwelo, ang nasa isip ko ay 'is this it? is this the end of my life?'. Oo, napa-inglish ako sa isip ko. Punyemas na ride. Di ko din nagawang idilat ang mata ko habang biglang tumulin at nagbalebalentong yung ride kasi hinigpitan ko talaga kapit ko at nag silent prayer ako. Di ko na nagawang sumigaw at humiyaw kasi ang nasa isip ko ay sana matapos na ang ride. Grabe. Buti di ako inatake sa heart. :p Tinamaan ako ng hiloness ng konti pero dapat tuloy padin sa rides. Kelangan sulitin ang anda.
Ang Space Shuttle Max na sponsored ng Pepsi max! :p
After ng stomach tumbler na ride ay sa wet and wild rides naman. Unang pinilahan ang Jungle Log Jam (tama nanaman ba ang name ng ride?). By 4's kami. Yung isa sa amin name George, ayaw mabasa kaya di sya sumabays. Akala ko di ako mababasa masyado dito sa ride na ito pero ang binti ng pantalon ko ay naging wets. Di dyan natatapos, kasi after the jungle log, sa Rio Grande naman. Ay nakow. Dito ako na-wet-wet-wet. As in wet hanggang pwet! Grabeng makabasa ang ride na ito. Ang masama pa nyan, wala akong dalang pamalits (akala ko sabado pa ang ek mode, nakamamatay ang maling akala).
Jungle Log: expect to be wet
Dito ka mawewet sa pwet!
basang sisiw
Nag-ride ang iba dun sa extreme something na di ko maalala ang name at di ko makita sa enchanted website ang name. Basta eto yung iaangat sila habang nakaupo tapos magfrefreefall. Di ko na sinubukan at medyo nahihilo na ako sa kabasaan at sa previous rides. Hinayaan ko na lang silang mag-enjoy habang mabilis na bumagsak ang ride at ang betlog ng mga boys ay umabot daw sa throat (exaggerated expression lang daw un). :p
Shot taken bago magdilim
Before mag close ang EK ng 7pm (9pm sya starting March 26 onwards), ang last ride namin ay ang Wheel of
Fortune Fate. Eto yung ferris wheel. Since madami kami, hati ulit. Ansaya ng ride na to kasi di ka masyadong matatakot dahil slow lang ang speed at masarap ang malamig na dampi ng hangin kapag nasa itaas ka na. Okay din dito kasi tanaw mo ang mga lights sa area ng laguna. Dahil mahangin sa taas, medyo natuyo ng slight ang shirt ko pero ang pants, no. Eto ang last ride kasi ang ibang ride ay closed na din.
Afternoon shot
Night shot
After nito, medyo kumuha muna ng mga group pics sa enchanted at bumili ng souvenir items yung isa naming kasama. Then final picture-picture sa entrance before pinatay ang lights ng amusement park.
Kage-bunshin na wizards
Di sila lovers... wakokokok
EK sa gabi
Lights off na.
Nag jollibee muna kami bago nag-bus pauwi. Sa medyo kapaguran, nakatulog kami. Buti na lang at nagising kami at nakababa sa may ortigas. May plan pa sanang mag Banchetto that night pero sa kapaguran ko ay di na ako nakasama. Nakauwi naman akong tuyo ang pantalon at brip. Wakokokok. (nagpatuyo muna ako sa opis).
So hayan ang pangyayari na naganap last friday. Nag-enjoy ako ng sobra sa aking unang pasyal sa enchanted kingdom. wakokokok. Sana maulit pa pero next time, magdadala na ako ng bonamine (kontra hilo) at damit (kasama brip). :D
TC!