Thursday, March 24, 2011

Wer U 2: Iloilo

Whachup! Kamustasa kalabasa! Heto na, heto na, heto na.... Aaaaaa.Doobidoobidooo. Well, cut na. This is it, the continuation of the laboy. Ang karugs ng wento. Ang da palowing day sa Iloilo. So heto na ang 'Wer U' part 2.

Natapos ang kwento kahapon sa pagbalik namin sa hotel. Dito nag rest muna kami. From 2am to 8:30 am ang tulog. Matapos nun, napagpasyahan naming lumabas ng hotel para makahanap ng mapag-aalmusalan dahil medyo costly ang presyo ng lafang sa 'tel. Sa kanta lang ng street ay may Mercury drugs at dun ako bumili ng junkfood for breakfast. Wakekeke. Vcut and Piatos lang ay solb na ang aking sikmura. Kay blogging puyat, nag-mcdo sya while si Mapanuri ay may baong San Marino Tuna Paella (hindi ito endorsement ng food). 


Right after makapag-almuchow ay ligo mode na kami para makapaglibot ng konti for some picture-picture sa city. May 2 hours kami kasi by 12 dapat check-out na at gora na sa next destination. So for the 2 hours, naglakads-lakads lang kami para makakuha ng mga shots like sa isang hospital, sa iloilo museum at kung ano-anong matanaw. :p By 12, mineet na namin si Jan para pumunta sa sakayan papuntang Sand Bar Island.


Bumili muna kami ng mga chichirya at tubigs at tinapays sa isang grocery store bago kami nag-umpisang mag-byahe. 2 jeepney rides muna tapos dapat sa bus station. Kaso instead of the VengaBus, kami ay bumaba at napilitang sumakay sa VengaVan para makadating sa bayan ng Conception. bakit VengaVan? Kasi Van sya na akala mo ay gawa sa mga pache-pacheng bakal na akala mo ay any minute ay gigiba pero looks will deceive you (naks, uminglis). Ang Van na pache-pache ay kumakaripas at humaharurot sa daan. Naknamputs, akala mo race car. :p Ang larawan sa itaas ay kuha sa loob ng vengavan at some of the views na matatanaw. Makakakita ka muna ng green pastures bago ka makadating sa baybaydagat. Kasama din pala sa pics ang boat ride to the isla.


After around 20 minutes na boat ride, dumating na kami sa aming destinasyon, ang Sand Bar Island. Eto ay isang isla na may tila daanang gawa sa buhangin kung lowtide. So meaning, kaya sand bar, may bar ng sand. (ang gulo lang no? well, ganun talaga). Hapon na kami dumating at medyo maulaps kaya naman kung mapapansin ninyo, medyo dark ng konti ang mga pics, walang sunlights masyadow. Ang mga pics ay shots ng view at mga cottages o bahay kubo/ silong.


Syempre, kailangang magpicture-picture sa isla. Ang nasa itaas ay larawan ng apat na nagbabakasyon at naghahanap ng paraiso para makapagpahinga at marejuvenate. naks, rejuvenate, San ko nga ba napulot ang word na iyon. :D Aside from picture picture, syempre naglublob na kami sa dagats.

Sa pagsapit ng gabi, ang binili namin sa palengke ang aming pinaluto. Nagpaluto kami ng chicken adobo kasama ang hiniwa/chinopchop na itlog na maalat with kamatis. Ang lafu session ay napakasarap right after mapagod ng slight sa paglangoy langoy. Busog at bondats at medyo sumira ng diet ang pagkain dahil masarap ang kumain habang dinig ang alon sa dagat at ang malamig na ihip ng hangin. After nun, nag try ako kumuha ng mga slow shutter shots pero medyo fail kaya walang masyadong pics sa gabi.


Oks, hangang dito na lang muna, Bukas na ang last part ng Iloilo trips. TC mga pips.

19 comments:

  1. natatakam ako sa adobo at itlog na maalat, yumyumyum! weeee!!:)

    ReplyDelete
  2. ndi pa din nakabase!hehehe..
    sandbar island - the best!!

    ReplyDelete
  3. go tabian! 2 bases na.. :D
    nahihiwagaan ako sa sandbar island na yan, karugtong nya ba ang isang island pag lowtide? mga starfish? sarap ang lafangan nyo, nakakagutom pa naman kapag galing magswimming..

    ReplyDelete
  4. whahah vengavan bago yun ah whahha... buti na lang matatag yung van na yun matagal tagal din pala ang biyahe diyan at buti dami fod na dala...
    ang sarap ng pagkain yummyness!!!

    ReplyDelete
  5. ♪♫The venga van is coming.. from city to con-cepcion.. (uy pasok sa melody.. haha)♫♪

    Pache-pacheng crap.. pero kumakaripas ng takbo!.. hayop pa sa suspension!.. :P

    ReplyDelete
  6. Grabe nakakagutom naman yang itlog na maalat at kamatis, plus yung adobo! Ayos yung bakasyon niyo, gusto ko rin makagala dyan sa Iloilo, tnx for sharing! =)

    ReplyDelete
  7. ahy..red egg.hehe
    minsan dito rin sa Ilocos ka magvacation para ma tour kita..hehe
    vsit naman jan..

    ReplyDelete
  8. magtry kayo ng iloilo dishes. :D sarap!

    ReplyDelete
  9. Nice nice... eto na ang inaantay ko.. hehe.. ok yung isla, may sand bar, may bar ang sand tama? magulo din.. hehe

    ReplyDelete
  10. gelo, pano byahe nyo papunta dun sa sand bar?

    ReplyDelete
  11. @tabian, naka 3x rice ako dahil sa ulams.

    @bloggingpuyat, tama!

    @whattaqueso, almost connecting sa next island :p

    ReplyDelete
  12. @axl, kahit konti food, oks naman kasi malilimutan ang gutom sa island :D

    @Jeffz, powerful ang vengavan

    @isp101, tnx. hehehe. book ka flight pag may sale

    ReplyDelete
  13. @empi, yep. :D

    @emmanuelmateo, sige, next time, ilocos naman

    @bino, pag bumalik kami, hopefully :D

    ReplyDelete
  14. @MD, hahaha. uu, at masaya sa island lalo na pag solo nio. :D

    @tala, from main city, jeeep to Jaro, then from there yung vengavan or vengabus po to conception. check mapanuri's site for possible detailed info. or pm mapanuri kasi sya may contact sa may-ari ng island.

    ReplyDelete
  15. Gusto ko din gumala. Ang ganda ng mga pictures. :D

    ReplyDelete
  16. @Unni, gala na. next time sa davao :D

    ReplyDelete
  17. may natutunan akong new word - vengavan and vengabus. ^___^ akala ko pangalan lng ng bus company. amp.

    ReplyDelete
  18. kuya ask ko lng qng magkano rates sa 3b resort tnx sa reply...

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???