Monday, March 14, 2011

Ang Bakasyon: Kabataan


Part 1: Ang Bakasyon
Part 2: Sa Luimang Bahay
Part 3: Nakalipas

Binuksan ko ang pintuan ng aming bahay para pagbugsan ang dalawang taong kanina pa kumakatok sa aming pintuan. Kasabay ng kalahating ngiti upang makita ang dimple sa pisngi, sinalubong ko ang dalawang bisita sa bahay.

Rene: Oi, musta? Pasensya na nga pala kanina at di ka namin makausap ng matagal. lam mo na, ang mga baka at kambing.
April: Oo nga. Pero ngayon, may time na tayo para mag-catch up.

Ayoko naman maging rude sa aking bisita kaya inaya ko sila na pumasok. Inalok ko sila sa aming sala pero tila mas komportable sila na sa labas nalang mag-usap. Kaya ang aking ginawa ay inanyayahan ko sila sa may likuran kung saan may puno ng mangga at naroon ang duyan na gawa sa dalawang gulong ng tricycle na pinagdugtong ng kawayan upang gawing upuan.

Umupo si April sa duyan samantalang si Rene ay umakyat sa puno ng mangga at naghanap ng mauupuan. Nahiya naman akong tabihan si April kaya dun ako sa may malaking bato pumuwesto. 

Ilang minutong katahimikan din yun. Parang nagpapakiramdaman kaming tatlo na parang may hiya sa isa't-isa. Siguro nakahalata na sila na parang may pangamba pa sa akin kaya sila na ang nagsimula ng pag-uusap.

April: Anim na taon ka ding di umuwi. Tagal din nun. Kamusta ka na nga pala?
Ako: Okay naman. Ganun padin. Kailangan mag-aral para makakuha ng magandang work sa future.
Rene: Wow! Sipag mo naman pare.
April: Sa anim na taon mo sa syudad, siguro marami ka ng naging kalaro at kaibigan.
Rene: Oo nga, baka nga sa dami nun ay nakalimutan mo na kami. Pero mukang hindi naman no?
Ako: ee... di naman madami. Konti lang. atsaka....
April: Atsaka ano?
Ako: A yun... wala. nawala na yung dapat na kasunod.
Rene: Ano ba pre, makakalimutin ka na? 

Katahimikan ulit. Eto yung sinasabing awkward silence. Buti na lang at medyo active si April at sya ay nagsalita para magpatuloy ang usapan.

April: Anlaki na ng pinagbago natin no? Noon mga patpatin at gusgusin pa tayo. Ngayon, mga  medyo maskulado na kayo, at ako, may kurba na. hehe.
Rene: Naman! Kung dati ay para tayong patpat na madaling tangayin ng ihip ng hangin, ngayon, may laman na.
April: Si Rene, yung batang mahilig sa larong tamblingan. Laging nasa dayamihan. Laging may pantal.
Rene: E ikaw April, noon nakikipag-away ka sa ibang bata lalo na kapag hindi ikaw ang magiging nanay sa bahay-bahayan. Lagi mong gustong magluto-lutuan at mag-iihaw ng mga dahon-dahon.

Sa pagkwekwentuhan ng dalawa, mas nadagdagan pa ang alala. Muling nagbabalik ang nakalipas. Ang nakaraan ay pumapasok sa aking memorya.  Parang nag flash back ng aming kabataan.

Ako: Noon, sa may bukiran, Masaya tayong naghahabulan. Nag-uunahan at nagkakarerahan.
April: (Nakangiti) Oo, tapos magtutulakan sa damuhan at magpapagulong gulong.
Rene: At kapag nangangati na, aalisin lang ang suot na damit at magkakamutan ng likod.

Nag-blush ng konti si April. Ang pisngi nya ay tila sinampal sa kapulahan.

April: Anu ba kayo, bata pa kasi tayo noon. Walang malisya kung magtanggalan ng damit.
Rene; Natural. Noon, parang aspaltado ang harapan mo, walang humps.
April: E ngayon, meron na akong melon. (Tumawa ng konti).
Rene: Hahahaha. Nagdalaga ka na nga talaga. Kami naman, syempre binata na kami.
April: Wushuoooo. Di nga? Ang ga-sili ninyo bang pututoy ay naging talong at upo na??? (nangungutya)
Rene: Ano sa palagay mo? 

Napaisip ako bigla. Anlaki na nga ng pagbabago namin. Kumbaga sa mga pokemon, nag evolve na kami. Kung sa transformers, nag-transforms na kami. Hindi na kami yung mga batang paslit/ yagit. Tapos na ang panahon ng kamusmusan. Lumipas na ang puro laro at nag-uumpisa na kaming harapin ang pagbabago sa buhay-buhay. Mag-uumpisa na ang pagtahak sa landas ng pag-ibig at buhay.

Nag-paalam saglit si Rene na may dadaanan lang daw sya saglit. Pero Sa amoy na nalanghap namin mula sa taas ng puno ng mangga, mukang sa kubeta ang daan niya. Naiwan kami ni April sa aming puwesto.

Nakaramdam ako ng wierd na feeling. Hindi ako natatae katulad ni Rene. Hindi rin libog mula sa naughty words mula kay April. Eto ay ang pakiramdam na nangyari na ang eksenang nagaganap. De Javu. Pero parang hindi lang de javu. Parang nangyari ang ganito anim na taon na ang nakakalipas.

Kasabay ng pag-iisip ko sa nakaraan, isang malakas na ihip ng hangin ang dumating at ang natanaw ko ng buong-buo ang mukha ni April. Kasabay ng pagtanaw na iyon, ang ihip ng hangin ang nagbibigay ng kakaibang ganda lalo na habang tinatangay ng hangin ang kanyang mahabang itim na buhok. 

Itutuloy...........

10 comments:

  1. yun oh mukhang maiinlove ka kay april ha hehehe :D

    ReplyDelete
  2. love'love'love... tapos slow motion ang lakad na lumalapit sau.. hehe! abangan ko yan..

    ReplyDelete
  3. tamang tama ang bakasyon dahil april na...hehe

    ReplyDelete
  4. @akoni - magpatuli kana, bakasyon na! ahahaha


    ang cute naman nito... basta natuwa ako. hehe

    ReplyDelete
  5. syempre may bitin factor na naman, ilang beses na kong nabitin ngayong araw na to hahahaha

    ReplyDelete
  6. Naku sana nagpakitaan sila ng body parts para nagkaalaman na hahaha

    ReplyDelete
  7. @axl, abangan :D

    @mommy-razz, salamat po :D

    @Akoni, honga no.

    ReplyDelete
  8. @leonrap, hehehe, salamat

    @bino, hala, lagi kang nabibitins?

    @glentot, abangan ang twist

    ReplyDelete
  9. @tabian, though di na lumabas dito reply mo, hehehe :D uu, anladi lang ng wento :D

    ReplyDelete
  10. cnu si april?hehe after march. april na pala.hehe

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???