Wednesday, March 23, 2011

Wer U: Iloilo

I'm back balakubak! As stated ko naman sa previous posts ko, ako ay nagpahinga at naglamyerda (naglakwatsa) sa Iloilo. Yep. Ang batang (oo, bata, 24 palang ako :p) may pangalang khanto ay lumipad papuntang Visayas Area para makalanghap ng fresh air, away from the busy Manila area. So heto ang unang part ng adventure. :D

Right after ng shift ni Mapanuri, ako kasama si Blogging Puyat ay naghanap na ng taxi mula sa opisina papuntang domestic airport para makalipad papunta sa aming destinasyon, ang iloilo. Ang aming flight ay 4:55pm (di ko matandaan, basta around 4:30 up). Hindi Cebu Pacific ang plane na aming sasakyan kundi Zest Air. Nadelay ang flight at na-adjust daw until 5:50 something. So kumain muna kami sa Jalibi sa labas ng airport habang nag-aantay. Buti bumalik kami agad kasi nag-arrive na din pala yung plane, kami ang last passengers na sumakay. wakokokk. 

Zest Air: Iloilo Bound

Mga around 7 to 7:30 ng kami ay makalapag sa Iloilo airport. Since walang ilaw ang karatula ng airport, walang saysay ang pag-picture picture kaya naghanap kami ng masasakyan. Grabehan lang ang mga taxi dito. Porket-porket gabi ay sa tumataginting na 500 daw ang bayad papuntang main city? Omaygash naman. Buti na lang at nakahanap ng medyo mura-mura, no choice eh, taxi lang talaga masasakyan. Dapat kasi may jeep to airport na lang. Sa halagang 400 dibaydebay 3, kami ay naasakay at nakadating sa city. Nagpababa kami sa Hotel na aming tutuluyan for the night.- Century 21 Hotel.

Ang Hotel

Okay naman ang hotel. Malinis, maayos, at maganda ang hotel. May heater kung maliligo ka. Gusto ko din ang cable sa tv kasi madaming mapapanood kung tatambay ka sa hotel. hehehe. Nagpahinga muna kami saglit at inaantay ang isang friendships na nasa Iloilo din. Nakatulog kaming tatlo ng biglang may kumiriring na telepono. Tumatawag ang resepsyonista dahil nasa baba na daw yung aming friendship. So Bumaba kami to meet him. Kasama niya ang friend niya, kami ay lumakad at nagtour.

Nung papasakay kami ng jeep, nakakita ako ng karatula sa Iloilo na mga pinagbabawal. Bawal pork, hipon, beans, juk lang. Bawal ang manigarilyo, bawal ang magkalat, bawal jay walking at bawal magbigay ng limos. Naks, Fine city din pala ang Iloilo, as in may fine kapag ginawa mo ang mga bagay na aking nabanggit. So kahit may mangulit na pulubs, bawal. Sa mga smokers, heheh, blogging puyat, tiis muna sila kasi bihira kang makakakita ng nagyoyosi at takatak boys. 


Since gabi na, kami ay itinour sa place kung saan tumatambay ang mga nocturnal people: Ang Smallville (Smallville OST playing). Eto ang katumbas ng Eastwood at Metrowalk sa manila. Dito makikita ang samutsaring mga kainan, resto at bars. Dito din matatagpuan ang counterpart ng Starbucks, ang Cofeebreak. Dito kami tumambay at nagkape. Mas mura kesa sa starbucks at oks ang lasa ng mga cakes at pastries. :D

May Poster pa ang blog ko sa Smallville?

After mag cofee at kumain ng cake, lakad mode kami papunta sa Boardwalk o ang parang Riverside ng Marikina. Presko ang simoy ng hangin dito. Walang usok ng yosi at sasakyan. Dito ang tabayan ng gustong mag hang-out, magkwentuhan, maglakad-lakad, magmuni-muni at maglambingan (lovers lane). Dito ko nais na sana pedeng gawing souvenir ang preskong hangin at dalhin ito sa manila. :p

Lakad lang ng lakad!

At last stop for night 1, kelangan makatikim kami ng La Paz Batchoy. So dinala kami sa Ted's para tikman ang mainit at masarap na batcoy. Masarap ang sabaw, ang nudols at ang sahog. Ang best pa, kung gusto mo ng second serving ng sabaw, pede kang humingi :D


Nakabalik kami sa hotel around 2am na ata. hehehe. O sya, masyado ng mahaba ang post na ito at baka dumami pa ang mag skip read. Wakokokokkok. 

Itutuloy.....

Note: Nag-picasa ako para maminimize yung sasakupin kung puro pics ang ipapaskil ko. :D at walang edit sa colors yung pics, tinamad akong mag lightroom.

26 comments:

  1. mabuhay ang picasa! para sa mga maraming piktyurs...hehehe
    mabuhay din ang mga batang gala!!! (guilty much?)

    ReplyDelete
  2. uunahan ko na rin si mr. chiz!

    BAAAAAASSSSEEEEE!!!! :)

    ReplyDelete
  3. sosyal ng hotel ha, interested ako sa kasamang fren nung fren nu sa iloilo, hahaha!

    ReplyDelete
  4. wow, marami ata ang may kati last weekend. ^__^

    ReplyDelete
  5. @chroky: bat naman interested ka sa kasamang fren nung fren natin?.. eh lalake rin yun!.. haha

    @khanto: nagkakamot talaga ako ng leki-leki sa picture! (ung nasa Ted's) :P

    ReplyDelete
  6. hoy batang gala!
    hindi nagsasama oh!
    hahahaha

    kakainggit lang..

    uy sama ka sa outreach, u like? :D

    ReplyDelete
  7. @Tabian, korek, good thing may picasa

    @tabian ulit, hahaha, nakabase ka :p

    @chroky, bakit ka interesado? anything special?

    ReplyDelete
  8. @nieco_speaks, wakokokok, talagang kati?

    @Jeffz, honga no, scratchy. :p

    @yanah, sa saburday yun diba. try ko. Ano ba activities?

    ReplyDelete
  9. abah..mukhang nag enjoy si manong..iniyaban nak kuma met ah tapnun duwa ta ah napan...

    ReplyDelete
  10. sayang hindi ako nakasama at malabong makasama sa mga lakwatsahan nitong taon na to.. di bale.. babawi ako next year.. hihihi..

    ReplyDelete
  11. wahha ang gondo-gondo naman ng hotel panalo whahaha...
    tas sosyalin din.. akalain mo yun oh parang travel photographer ka na din sa ganda ng mga shot mo...
    tas ang sarap pa ng pagkain... nagutom ako whahah :D
    at tinamad ka pa sa lagay na yan sa paggawa mo ng mga pics ha.. hehehe mabuhay ang picasa whaha

    ReplyDelete
  12. ganda dyan sa Iloilo, lapit lang din sa smallville yung pang boys night out na bars. he he
    pero ang pinaka the best talaga dyan nung napadpad din ako dyan e yung lamon sessions namin... daming local na masasarap na luto.

    ReplyDelete
  13. yummy trip! manamit gaud an la paz batchoy.. sayangs hindi ako nakasama men, di pa din ako nakakagawi sa ilo-ilo.. kelan balik nyo dun? :)

    @tabian: hahaha! you got me..:D naunahan moko magbase.:P

    ReplyDelete
  14. penge naman crack ng lightroom pls =)
    email moko! thanks!

    nadadalas gala ng TM people! keep it up!

    ReplyDelete
  15. namiss ko tuloy ang aking probinsya na iloilo. :) maganda dyan sa iloilo. the best ang lapaz batchoy angt ang aming alamang na kung tawagi'y ginamos.


    pa-add pala ng aking blog na www.thebumupstairs.com sa iyong blogroll. salamat

    ReplyDelete
  16. @emannuelmateo, yup, enjoy at relaxing

    @babaeng lakwatsera, hihihih, sama ka next tym. :D

    @AXL, heheh. tnx chong. tnx din sa picasa :D

    ReplyDelete
  17. @yodz, tinuro ng taxi driver yung place for boys :D

    @whattaqueso, sama ka na next tym. :p

    @chyng, heheh, hanapin ko yung crack sa opis chyng tapos message kita

    ReplyDelete
  18. @bino, added na. :D uu, sarap batchoy la paz

    ReplyDelete
  19. ano ung tonight: kwatro kantos? performer ka?

    ReplyDelete
  20. Wow naman.. sarap buhay parekoy! hmmm...siguro sa second part na nito yung natures view.. yun ang aabangan ko ng bongang bongga :)

    ReplyDelete
  21. @mommy-razz, yung kwatro kantos, band sa iloilo, kapangalan ng blog ko, well, almost :D

    @M, wakekeke. UU, part 2 and 3 :p

    ReplyDelete
  22. woooo_ilo-ilo. asan naba yung mga kasama ko dapat sa Ilo-ilo, naglaho na. sio bale 3 kayo diba? saya. lalo pag barkada kasama, komportable ka, you feel safe at syempre enjoy. tama yan. kaialangan mo ng fresh air from time to time. sarap gumala dba? addictive yan.hahaha

    ReplyDelete
  23. Hala, nagpunta pala kayo dito sa Iloilo. Namit ang lapaz batchoy? hehehe. Merong kanta niyan noong elementary pa ko. "Lapaz batchoy...pansit na may sabaw..... Looking forward to see and read more bout iloilo sa next post mo

    ReplyDelete
  24. @pusang kalye, uu, ansarap gumala with friends.

    @Mac Callister, yep, ansaya :D

    @Redlan, hehehe, salamat sa dalaw :D

    ReplyDelete
  25. Ang ganda ng hotel nyo, pero di kaya limpak limpak na salapi ginastos nyo dito sa out of town nyo? Hehehe!'Di pa ako nakakatikim ng authentic na La paz batchoy, masarap ba talaga? Or, kaparehas lang din nung LUCKY ME Supreme La Paz Batchoy!? Hehehe!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???