Friday, March 25, 2011

Wer U 3: Iloilo- Season Finale

Napakaraming nars dito sa atin.... Ngunit bakit tila walang natira.... Nag-aabroad sila.... Baby i was born this way. Yumaman. Yumaman. I'm on the right track baby i was born this way.... Wakokokok. Yan ang LSS ng ako ay nasa Iloilo. Juskopong pineapple. :p

Alam ko walang konek ang intro pero keri lang, let's get it on and start the season finale ng bakasyon ko sa Iloilo. Teka, san ba ako natapos kahapon? Tama, After kumain ng adobo at itlog na maalat, nag-picture picture ng slow shutter na failure. So ang continuation, since paubos na ang batt ng gigicam, kailangan mag-charge. Buti na lang at gabi kasi sa gabi lang may kuryente sa ilaw. Sa tulong ng solar panels at generator, nakapagcharge ako ng cam para kinabukasan. (added info: Until 10pm lang ang ilaw sa isla).

Kinaumagahan, bangon ng maaga dahil papasikat na ang araw. But cloudy ng konti that day kaya nag-gliglimpse-glimpse lang si king sun. Kaming apat ay kanya-kanya ng spot para mag-muni-muni, mag-enjoy sa view, tumingin sa tabi tabi at masdan ang isla habang ito ay lowtide pa. Habang inaantay ang almusal, gala mode muna sa beach. 


Dahil nga sa lowtide ng umagang iyon, madaming mga bagay-bagay at creatures ang matatagpuan sa dalampasigan. Sa isang side, makikita mo ang mga mangroves o bakawan. Sa isang part naman, makikita ang clear water at ang paghampas ng maliliit na alon sa dalampasigan. Sa isang part naman, dun mo makikita ang mga mini corals at halamang dagat kasama ang mga iba-ibang uri ng creatures. Ang larawan sa ibaba ay kuha ng mga creatures/items tulad ng starfish (best friend ni Spongebob), sea kakamber (cucumber pag sosyal na pronounciation), Sea urchins ata na parang rambutan sa dagat, mga shells at kung ano-ano pa.


Aside from the seashore creatures, sa isla mo din makikita ang pamilyang Hatchi. Oo, Pamilya. Dito mo makikilala si Hatchiko, Hatchimo, Hatchinya at Hatchinila. :p Well, pede mo ding tawaging blackie, brownie, brown spotie at black and brown spotie. wakokokok. Sila ang mga pudgy dogs ng isla. Basta maypapadating sa isla, alam nila at magtatakbuhan na yan sa shore. Di ko alam kung may babae sa dogie-dogs nila (baka magka-brokebackan :p). Sa mga takot sa aso, dont fret, tamed tong mga to at malalambing. Di yan nangangagat.


Mga 8am, naluto na ang almusal. Since medyo diet (talagang medyo diet daw o). Ang aming almuchow ay fried rice at binateng itlog (wakokkk, wag madumi ang isip, scrambled eggs). Meron pa din ng konting itlog na maalats at adobs from kagabi. After kumain, pahinga muna ng konti. Kumuha ng ilang shots at pinagmasdan din ang pagala-galang tiny manoks. :p


Around 9:30am, kami ay on the go na for island hopping. Ready na ang lahat para magliwaliw. Ang mga madlang pips ay nag-sunblock pa kahit makulimlim. Wakokoks. Walang basagan ng trip. Habang nasa boat, may spot kaming dinaanan na parang mini bahay sa gitna ng dagat. Sabi ni Kuya Sony(Owner ng sandbar island at tourguide), yun daw ay tahanan ng dugong (seacow or Manatee[tama ba spelling?]). Dun sila nakatira at di pinapaalis kasi baka alam mo na, ma-extinct pa dahil sila ay endangered na. After ng almost 30 minutes na ride, nakadating kami sa unang destinasyon. (Sorry, memgap lang, di ko matandaan name ng island. Wahahaha). Basta ang natatandaan ko ay sa bukana ng island ay ang house ng isa sa maging secretary ni GMA. 


Dito sa isla, nalaman namin na may bundok na pedeng akyatin para makita ang mga views. So kahit wala sa itinerary kuno ay go na kami. Minsan lang to. Grab the chance. Instant hiking at climb ang ginawa. Since medyo tanghali na, around 11, nagmadali kami na umakyat sa bundok. Grabe si Kuya Sony kase ambilis niya kahit pers taym nia din umakyat dun. Yung daan na inakyatan namin ay yung medyo matarik at rough rocks. Shumortcut kumbaga. Sa adrenaline rush ako nakakuha ng guts and energy para maakyat yun. Hingal kabayo man ay oks lang. Maganda ang tanawin na makikita. Sayang lang at wala akong sariling pic sa pag-akyats. :p Nung nasa tuktok, medyo natakots me kung dun sa matarik padin kami bababa, e umaambon pa naman. Pero everything went well dahil dun kami sa usual na daan bumaba. Medyo slippery lang kasi medyo umambon. :p


Mga almost 12 na at kelangan na naming mag-empake kasi dapat makaalis kami ng 2 or 3 sa town dahil ang flight ng eroplano ay 6:50pm. May other island pa sana kaso kailangang mag-pass na muna at tumahak na sa byahe pauwi ng sand bar para makapag-empaks na. Sa byahe pauwi, nakakuha pa ako ng konting pics. At maganda ang sight ng sandbar ng dumating kami kasi high tide na. Ang sandbar ay medyo lumiit kasi kinain na ng tubig yung walkway. Nakapag-langoy-langoy pa ako ng konti habang naliligo ang iba kaya naman medyo natutong ang skin ko :p


Medyo gipit ng slight sa time kasi almost 3pm nakaalis ang Vengabus na sinakyan namin. Grabe pa tong maka-stop-over sa isang town kaya medyo nakakakaba factor. Pero syempre dapat chillax lang. Inenjoy ko ang mahangin na byahe pabalik sa main town ng iloilo. Kahit na sa medyo kabilang side ng bus ay may manong na gumawa ng lugaw sa bus, isnab lang, ayokong maspoil ang momentum. Thank god at di trapik pagdating sa town kaya may time pa kaming makabili ng pasalubs. Pagkain na lang ang binili ko kasi wala na din time to shop (me ganun?). Biscocho pala ang famed pasalubong from Iloilo. After makadating sa town, taxi mode na kami at swak lang na 1 hour before flight ay nandun na kami sa airport. Since wala akong pic nung dumating kami, time to get a pic na.


Buti na lang at di nadelay ang flight at nakadating kami sa manila on time. Dahil medyo tomjones, nagdinner muna sa shakeys at dun nakapag-wifi ulit. :p Ehehehe. Nakadating ako sa bahay namin around 10pm at kahit medyo pagods pa, nagawa ko pang mag-edit ng pics sa picasa para nakakoladj(walang pakealamanan sa speller).
So dyan nagtatapos ang wento ng adbenture ko/namin sa Iloilo. Salamat sa nagtyagang magbasa ng medyo lenghty na pagsasalaysay ko :p.

TC!

12 comments:

  1. wow! ganda! pero mas maganda yan pag umaaraw, wakekekek! papasama din ako sa High Person pag pumunta ako jan, hehehe

    ReplyDelete
  2. kumusta naman sina blackie, brownie, brown spotie at black and brown spotie. parang nawawala si whity, whity spotie. wahahhaha ^___^

    nice ng beach ssseerrr.. penge ng iti nyo. ^__^

    ReplyDelete
  3. Tambilasa Island Gelor.. Tas Hampangan Rock yung inakyat natin.. tas yung katabing gigantic bundok eh Pan de Azucar.. galing ng memory ko no?.. hehe na-take note ko yan sa cp ko.. lol

    Gusto ko ung shots mo nung high tide na.. :)

    ReplyDelete
  4. nakalimutan mo pala si Hatchi Nating Lahat!.. :P lol.. napicture-an mo pala lahat ng pets dun.. ayos!

    ReplyDelete
  5. shocks! di ako naka base... henyways, wala ka atang piktyur naka loblob ka sa waterloo? dapat next time yung naka trunks ha?hehehehe

    ReplyDelete
  6. waaaaaaa!!! inggit galore ako whahahah... sobrang saya ninyo... tapos parang SB ka lang diyan sa iloilo!!

    ReplyDelete
  7. @chroky, maganda nga kung may konting sun. ahahah, high person, the happy person

    @Nieco_speaks, yung itenerary, di naman talaga iti. konting plans kasi. :D

    @Jeffz, hahaha, talas ng memorya.

    ReplyDelete
  8. @jeffz, hahaha, hatchi ng lahat :p

    @tabian, wakakaka, trunks? kenatbi

    @axl, anung SB? ehehe. masaya sa iloilo, book na! :D

    ReplyDelete
  9. parang leach yung isa..ang ganda n star fish ah..sana kinuha mo para my remembrance,

    thanks po pala sa pagbati..

    ReplyDelete
  10. daming pics ah. sarap nyan. maglakad sa dalampasigan ng maaga.aww.namiss ko ang beach.hahaha. tas yun. daming inanimate creatures.panalo yung dog, bumibida--mukhang anto pa.hahaha

    ReplyDelete
  11. sea cucumber yung blue? astig! gusto ko din makakita nun!

    gumagapang sya? o walang reaction like starfish?

    ReplyDelete
  12. @emmanuelmateo, yes, mukang leech lang

    @pusalng kalye, heheh, bida ng island yung mga aso

    @chyng, nung nakita ko parang stagnant lang

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???