Monday, March 7, 2011

Revival at Remakes!


Minsan, isa akong couch potato. Tambay sa harapan ng telebisyon at walang kurap sa panonood ng mga programa at palabas sa kwadradong kahon na may kulay at tumutunog. Dito minsan nauubos ang oras ko dahil walang tigil ang daliri ko sa pagpipindot ng mga estasyon para makanood ng mga shows.

Dito sa ating bansang pinas, may dalawang higanteng istasyon ang namamayagpag. Ang Studio 23 at RPN 9 Abs-Cbn at Gma. Syempre sila ang popular sa mamamayang pilipino kaya mula pa nung sinilang ako ay yan na ang rival channel. Bawat istasyon ay may inihahaing palabas para sa manonood. Mga pinag-iisipang maiging shows ang ipinapalabas at mga kakaibang kwento. Pero lately, di ko lubos maisip na bakit kailangang may revival ng mga old shows at remakes ng mga old seryes. Di ko magets.

Inilabas na nila ang batang si Flor de Luna. Sumayaw at gumiling na sila Marimar. Nagbenta na ng bulaklak si Rosalinda. Nagbabalik ang kambal na pinagpalit na sina Mara at Clara. Ibabalik ang Mula sa Puso at syempre ipalalabas nila ang bomba/explosion scene ni Selina(tama ba spelling). Ipinakita na ang remake ng Endless Love at Lovers in Paris.

Ano na ba ang susunod na moves ng mga tv networks? Hanggang sa revival at remakes na lang ba at di na mag-iisip ng bago? After ilang years, uulitin ba nila at ireremake ang mga shows na pumatok at kinagat ng tao?

Hindi ko maisip ang possibleng mga shows sa mga susunod na taon. Ibabalik ba nila ang Valiente at Agila sa afternoon show? Magkakaroon ba ng new cast na sexbomb sa 2017 at ireremake ang mga daisy-syete series? Magkakaroon ba ulit ng fantaseryeng Marina at Dyesabel sa 2020? Magreremake ba sila ng Boys Over Flower or Meteor garden? Hano ba hano ba. 

Imaginin nio kung by 2016 or 2021 ay biglang naisipang iremake ang mga shows na:
-Ober Da Bakod
-Home Along Da Riles
-Kirara, Ano ang Kulay ng Pag-ibig
-Kampanerang kuba
-AnnaKareNina
-Palibhasa Lalake
-Katok mga Misis
-Kristala
-Dog of Flaunders
-Daddy long Legs
-Heidi

Pero kung choice ng management ng dalawang giant networks yun, wala na tayong magagawa diba. It's either you watch it or not. Ibalik nila ang Magandang Gabi Bayan Horror specials!!!

17 comments:

  1. tama ibalik ang MGB horror special... apir :D

    ReplyDelete
  2. hindi ko yata alam ung Kirara saka ung daddy long legs. anu ba yun? hahaha

    kaloka nga ang mga remake na yan.. sa totoo lang hindi ako fan ng mga teleserye.. paminsan-minsang may nagugustuhan na koreanovela pero wala kasi akong tiyaga sa uber sa kadramahan ng mga pinoy teleseryes, na super paikot-ikot pa ang storya, nakakainis kung panong gagawin nilang pagpapahaba. ako na ang reklamador!

    hindi mo yata naisama ang AnnaLuna! lol

    ReplyDelete
  3. sana chabelita din haha..alam mo yun?at yung patayin sa sindak si barbara.hehe

    ReplyDelete
  4. @axl, horror special lang, oks na.

    @yanah, hoho nga, annaluna pa. :p

    @emannuel, alam ko yang chabelitang yan :p wahihihih

    ReplyDelete
  5. Hmmm. Mixed feelings ako sa ganyan.

    The good: Mae-experience ng new generation ang mga story na maganda nung panahon natin in a more modern setting.

    The bad: Masisira ang mga classics because of the bad acting ng mga local celebs. Hahaha.

    ReplyDelete
  6. hahaha..nice post pare..

    kaya nga ako, hindi na ako nanonood ng tv ngayon..hehe..balita lang pinapanood ko tapos na sa porn na ako...LOL..

    tama ka, bakit kailangan iblaik? feeling ko tuloy kapag nakikita ang mara-clara parang nasa nakaraan ako..hehe

    ReplyDelete
  7. Hahaha, nice point. Oo nga, classic yung MGB na mga horror specials. Ang pinakanakakatakot na episode nila eh yung MUMU na nangrerape ng mga babe. Yung habang natutulog yung babae, bigla nlang niya ihuhump. Di ko talaga makalimutan yon.

    ReplyDelete
  8. Sang ayon ako dun sa ibalik ang MGB Horror Special! Pero duda ako na matatakot pa ako, malamang sa malamang hindi na. Lols.

    Isa sa mga dahilan kung bakit nirerevive ang mga lumang palabas ay para sa mga bagong henerasyon. Para malaman nila kung anong patok noon. Tingin ko ay para talaga sa kanila yon.

    Ang panget lang, pano yung mga nakapanood na nun. Hehehe. Lagi namang may bago, kumbaga may twist. Di naman kasi papatok ang Mara Clara kung hindi maganda ang pagkakagawa. Hehe.

    ReplyDelete
  9. good idea yung ibalik nila ang MGB horror special, swak yown! Palibhasa Lalake and Abangan ang susunod na kabanata, classics! hehehe
    i likey!

    ReplyDelete
  10. @robbie, true.

    @akoni, wahahah, balitaporn :p

    @rah, scary naman ang dry humping ng mumu

    ReplyDelete
  11. @goyo, sabagay, may point you. may added twist, added flavor.

    @tabian, thanks

    ReplyDelete
  12. sana ibalik din ang oka tokat at ang TV.. hehe.. nauuso na nga talaga ang mga remakes at revival ngayon, tinatamad na ang mga writers ngayon na magisip ng bagong plot.

    ReplyDelete
  13. @whatta queso, ibabalik daw un. :D

    ReplyDelete
  14. yan ang uso ngyn remake, hehe! ung iba ok lng sa akin, ung iba nman bkit kailangan pa ipabalik.. kainis hahaha

    ReplyDelete
  15. @mommy-razz, honga e, may okay din naman na remakes

    ReplyDelete
  16. hahaha..naalala ko pa yung valiente na yan..tuwing hapon kasi wala akong pasok...but i cant remember the plot na..
    nagkakaalaman na talaga ang edad..lols.
    hindi na ako nanonood ng tv...for 5 fcking years.

    ReplyDelete
  17. @maldito, wow, grabe , 5 years? antagal nun.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???