Monday, March 21, 2011

First Love: A Little Thing Called Love (Thai Movie)


Nakita ko tong movie na ito sa post noon ni Creative Dork. Tapos nakita ko to sa post ni AXL. And then, After nun, sabi ni Babaeng lakwatsera, may entry daw si Baklang Maton tungkol sa movie na ito. At mas na-intriga ako kasi pati sa opis, may kopya na ng pelikulang ito. Apat na beses na nagparamdam ang pelikulang ito, alam naman na isnabin ko lang kaya kinopya ko ito sa aking USB at kumopya ng VLC player para mapanood ito sa bahay.

Babala: may kwento tungkol sa story, kung ayaw ma-spoil, pede skip na lang kayo :D

Ang kwento ay nagsimula sa isang batang babae na medyo may pagka-uligba o dark skin., ang pangalan niya ay Nam (Hindi yung binubudbod sa ulam, Nam-nam-nam un). Sya ay  nasa dalaginding stage. Sa iskwelahan, mayroon siyang naging kras, type nia yung senior sa kanya na may pangalang Shone (Shone hindi Shoke o Shobe). So ayun, mega papansin na at gumagawa ng 'Da moves' ang bida para kahit paano ay makanakaw tingin, magpasulyap-sulyap, pa-tweetums sa guy. From a book, kumuha pa sila ng tipitipitips-tipitips kung pano makuha atensyon ng boy.

From pers year to port yir, nag-transform(enter transpormers sound epek) ang bidang babae. From the Duhat colored skin ay naging kutis silka(kutis na nakaw tingin) na sya. From the corny shortie length hair ay naging maayos ayos na sya. Nag-bloom po ang bubot na bulaklak at namukadkad na hindi tulad ng pagdadalaga nila Sabel-Alyna-Nene. Nagblossom na hindi pornographic/echhi ang lead girl. Naging Vavavoom.

And then... And then....... Secret na ang susunod na kabanata. Wakkokokok. Dapat alamin ninyo ang mobie para malaman ninyo ang the next things. :p 

Grabe ang movie na to. Kiniligs naman ang single soul ko. Wakokok. Ang storya ay tungkol sa tamis ng unang paglandi pag-ibig. Pers lab nga. Ang inspiration na nadudulot nito. Pati ang pait at kirot na naidulot nito. 

Sa mga ka-opisina ko na napapadpad sa Donotdelete, watch nio na. :p. Sa mga nagtyatyagang bumisita at napipilitang dumaan sa blog ko(hehehe), baka meron na nto sa quiapo at mag-torrent na keo. 

Di gumana scheduled post. aw. so imbis na yung ilo-ilo trip, eto muna. :p

30 comments:

  1. aba at makapag download nga ng pelikulang yan

    ReplyDelete
  2. hahah garbe kinilig kami dito.. hehehe

    ReplyDelete
  3. o ha! nahook ka rin. maganda to promise! :D

    ReplyDelete
  4. hindi ko ito alam...pero dahil may chicks..sure maganda talaga yan...ganun tlaga..marupok ang katawang lupa ko... ahahaha... :D

    ReplyDelete
  5. Apir! Kilig to the bones no? Hahahaha.

    ReplyDelete
  6. mapanood nag tong movie na to i love to watch asian films

    ReplyDelete
  7. madownload ko nga ito. heehehe. ^_^

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  8. na watch ko na ito sa isang Indie Site..

    maganda rin ito.

    ReplyDelete
  9. maganda ba talaga? cheesy? mmmm.. paikwento ko nga kay general.

    ReplyDelete
  10. masubukan nga..wala lang ding magawa sa opisina.

    ReplyDelete
  11. Baka may pagka-cheesy iyan, manonood na lang ako ng Ju-On simula unang-una hanggang huli kung makeso iyan.. Ahihihihi..:D

    ReplyDelete
  12. buti ka pa napanuod mo na yan... ako dinadownload pa lang sa torrent.... ehehehe cant wait to watch na...

    ReplyDelete
  13. mukhang ok ha. ganyan ang mga tipo kong "per lab" movies. \m/

    ReplyDelete
  14. @kiko, go, download na :D

    @kikomaxx, uu, so kiligs

    @Bino, oo nga, na-enjoy ko yung movie

    ReplyDelete
  15. @superGulaman, hehehe, marupok sa girls :p

    @robbie, uu, nakakakilig lalo na yung after revelation

    @hard2getxx, yep, try mo to watch

    ReplyDelete
  16. @AXL, yeps, good movie

    @kikilbotz, go download

    @emmanuelmateo, talaga? anong site?

    ReplyDelete
  17. @nieco_speaks, di cheesy, much more on kilig talaga

    @MD, subok na sir :D

    @Michael, kilig scenes. kakakiligs

    ReplyDelete
  18. @egg, gogogo, download and watch

    @nobenta, feel good movie about pers lab

    ReplyDelete
  19. I had to skip dahil ayokong maspoil kasi papanoorin ko ito, matagal ko nang nakita ang trailer. Pakopya naman haha!

    Teka, bakit may ganitong files sa office nyo? hehe

    ReplyDelete
  20. @glentot, sge, may usb ka? wakokkk, ganun talaga, kelangan may nonwork :p

    ReplyDelete
  21. mapanood nga din itey.. isusunod ko ito sa outsourced, mukhang maganda at kwela ang tema..

    ReplyDelete
  22. @whattaqueso, get it sa donotdelete :D

    ReplyDelete
  23. Paepal lang. Supppper ganda. Hahaha. Last week ko pa pinanood pero hino-haunt pa rin ako ng palabas. At napapangiti. :)

    ReplyDelete
  24. @minatots, yep, naalala ko padin ang mga kilig scenes

    ReplyDelete
  25. Katatapos ko lang syang panoorin at talagang magkahalong kilig at komedya ang naramdaman ko hehe... P-Nam reminds me of Kim Chu hehe. Si Teacher In naman parang si Pokwang haha at yung isang classmate ni P-Nam, kamukha ni Patani haha XD

    Cute and charming yung story.

    ReplyDelete
  26. @fiel-kun, uu nga no, si patani yung isang friend ni Pnam

    ReplyDelete
  27. pwede makahingi ng copy ng movie pong to? thanks.

    ReplyDelete
  28. @iameuner, sa opis ako nakakuha ng copy. Actually, mabenta na to sa dvd na pirate, look for your suking dvdhan :D

    ReplyDelete
  29. If you like romance and comedy, watch this one.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???