Last week, na-tag ako sa facebook tungkol sa pagkaka-release ng school yearbook namin. After 3 years, sa wakas, makukuha na namin ang binayarang yearbook. Kahit na mas nauna pa yung batch na sumunod sa amin, ok lang, ang mahalaga, may year book na.
So kahapon, right after shift ay nagpunta ako sa college school ko para ma-claim na ang inaasam na year book. Andaming nagbago sa school at sa lugar bago makadating don. Nostalgic na ewan.
Pagdating sa room kung saan makukuha yung item, ready na akong pumirma ng form and everything, but then something happen. Tinanong ako nung officer in charge.
OIC: anong batch?
Ako: Aw. aw. ay. ay. Shit. Fuck. Nakalimutan ko na.
OIC: Di mo alam?
Ako: Wait, uhm,. ahh. eee... teka. Nakalimutan ko talaga. Basta alam ko 3 years ago. 2007 or 2008 (with matching mind computation)
Nakakahiya. Grabe. Na-memory gap ako. Di ko mapigilang mapakamot ulo. tsk. tsk. Ito siguro ay dala ng katandaan at katagalan nilang irelease yung yearbook.
______________________________________________________________________
Since adiktus ako sa reality show, di ko mapigilan di magcomment sa mga pangyayari sa tatlong show na sinusubaybayan ko.
1. Amazing Race 18- eliminated
Natanggal ang father and son team dahil sa challenge sa putikan. Pasaway kasi yung anak, ambilis sumuko samantalang ang kanyang tatay na may edad na ay pursigido. Kung nagtyaga lang kahit konti yung anak, baka hindi sila ang last. Oks lang. Di naman sila ang fave ko. :p
2. Survivor: Redemption Island- cast off
Natanggal na si Russell. Ang taong tatlong beses ng sumali sa survivor at dalawang beses umabot sa finals ay napatalsik na. Hindi niya nagawa ang same strategy nia this season. Good thing na wala na ang mokong na to pero nakakalungkot kasi wala ng thrill ng konti kasi wala ng kontrabida. Minsan kasi boto din ako sa mga villains. :D
3. American Idol 10- voted out
Sa pinaka swerteng numero daw na 13, juk. Ang unlucky number 13 ay kailangang mawala na kaya naman nagkaroon na ng performance at judgement episode ang season 10 ng American Idol. This time, ang natanggal at unang biktima ng voting system ay ang babaeng kulot na si Ashton Jones.
At another thing, gusto ko ang goodbye song ng American Idol for this season. Ito ay ang "Don't You Forget About Me" na kinanta ni David Cook.
_________________________________________________________________________
Last, Tayo po ay magdasal para sa mga kababayan natin na nasa Japan. Di ko na kailangang i-elaborate kasi nasa news na. Basta magdasal na tayo para sa kaligtasan nila at pati nadin ng mga tao sa japan at kahit dito sa ating bansa para ilayo tayo sa kapahamakan.
BASE!
ReplyDelete3 years bago mo makita yung yearbook?
bakit ganun katagal? pagong ba yung nag imprenta~
yearbook:
ReplyDeletebuti pala samin.. 2 yrs lang.. nyahahaha.. nabawasan lang ng isang taon..
Japan: sana maging okay ang mga naninirahan sa Japan.. ipagdasal natin ang kaligtasan ng buong mundo
sige ikaw na ang may balita...hehe
ReplyDeleteon a serious note, sana maging ok na sila sa Japan pray natin kay papa jes.
ganda ng yearbook nyo, mala-300 ang theme at gusto ko makita ang pic mo dyan..hehe..
ReplyDeletelet's all pray for japan, hope na humupa na ang aftershocks at sana wala ng madamay na bansa sa sunami..
open the yearbook.. patingin ng khanto grad pic!
ReplyDelete@spiderham, topak yung gumawa ng yearbook
ReplyDelete@babaeng lakwatsera, buti pa sa inyo mabilis ng 1 year
@tabian, true, sana okay na sila
@whattaqueso, talagang 300 ang naisip mo?
ReplyDelete@jeffz, hahah, nakita nio na yung grad pic ko a
ang bata bata nagka memory gap.. hehe!
ReplyDelete@mommy-razz, uu, memgap talaga
ReplyDelete