Tuesday, March 8, 2011

Baguio Trip: After the StreetDance and Float Parade

I'm back wapak! Kahit medyo dipris-diprisan dahil natalo ang lolo ninyo sa paiting kontest na dinamdam ko ng konti (wahehehe), ay heto ako at tuloy padin ang life. Inisip ko na lang na experience learned at wag na akong magfeeling-feelingan na manalo (Charantiya mode). Anyway highway, magprapraktis na lang ako ng magprapraktis pa. But for today, ipagpapatuloy ko na nga ang kwentong Baguio kasi feel ko matatabunan na to.

After ng Streetdance, Namasyal na kami. Since siyam na katao kami ay di kami pedeng mag-taxi na lang ng basta basta (mahirap maghanap din), kaya kami ay naka-isip ng flan heheh este plan na mag rent na lang kami ng mga petiks/tambay na jeep ni erap. Buti na lang at nakahanap kami ng beep beep beep sabi ng jeep at kami ay nagkaroon ng private/public vehicle para dalin kami sa mga nais namin puntahan. Before pala yung jeep ride, nagdaan muna kami sa church na Baguio Cathedral.
First stop ng trip ay ang lugar ng pinagshootingan ng 'Tayong Dalawa'. Ang lugar ng mga nangangarap maging pulis pangkalawakan este makasama sa kapulisan at kasundalohan. Ang PMA o Philippine Military Academy. Heto ang place kung saan makakita kayo ng mga sundalong nag foforward march, mga may hawak na rifle at matitikas na chest out position. Sa loob may mga helicopter, fighter planes at tankeng nakadisplay at pedeng pagpicturan as background. (sa pictures sa ibaba, tanging tangke lang ang nakasama, di pa nagpopost yung may camera na may shot ng helicapter :p)

Right After that next stop is the Camp John Hay. Eto yung lugar na malawak at pedeng pagpiknikan at maglakbaylakbay at maglakads-lakads as in lakads! Bakit ko nasabi? Kasi bihira ang public transpo dito kaya gamit na gamit ang paa kakalakad. Dito sa Camp John Hay dapat kami magtratry mag zipline (tama ba?) Meron kasi sila dito yung place na Tree Top kung saan pede mag zipline and others. Since medyo may kamahalan at matao ay di na namin ginawa yun. 


Ako ay masyadong nainggit sa mga madlang pipol ng Baguio na merong suot-suot na Animal caps kaya nagtext ako kay Yanah kung magkano usually ang ganun. Since pasok naman sa budget ay nabuhayan ako ng dugo at naghanap ng shop na mabibilan. Buti na lang at meron. Sa halagang 150 pesos, nakakuha ako ng Elephant hat na makikita nio na suot ko sa susunod na larawan (Flower Float Parade).

Since napagod na ang mga madlang pipol na kasama ko, gawa ng maagang pag-gising, pinaderetcho na namin sa Strawberry Farm si manong jeepney dahil isang tawiran lang dun at nasa house na kami ng aming friendship nagrereside dun.

Day 3 na at same ng nangyari sa Streetdance, kailangan early to bed and early to rise, makes a child, healthy, wealthy and wise dahil unahan na ulit para makakuha ng spot para makapag-picture-picture. Grabehan pala ang float parade dahil mas madami na ang nakapwesto agad. Occupied na yung naunang pwesto namin kaya search mode kami. Buti na lang ay nakahanap pa kami. Latag mode na agad kami at nag wait wait wait na magsimula ang parade.


Nung nagsimula na ang parada, ay nakow, di na mapigilan ang mga singitero at singitera. Walang crowd control sa area namin kaya kada lakad ng floats ay may mga extras na bigla na lang haharang. Kung nung una ay naka-upo kami, after ng 5 floats, no choice na kundi tumayo kasi eps talaga ang mga eps. Sarap gilitan ng leeg at paa para makakita kaming mga dapat ay naka-upo lang at nag-aabangs. Dalawang floats lang naharbat kong pics :p


Gaganda ng float, magulay makulay at masaya. Masakit lang sa hita kapag nakatayo ka at masisiksik ng mga nagkakandarapang echosero at echosera na naghahabol sa mga artista katolad ni koya Enchong Dee, Empoy (hindi si Empi :D) at JC De Vera. Andun din medyo isnabish na si Danita Paner na related kay Tina Paner at ang bida na si Rosalka (di ko sure kung si Rosalka or si Sabel :p). Madami ding no namers na nakasakay sa floats pero magaganda. :D
Medyo matagal ang parade dahil naging matagal ang usad ng mga floats pero sulit naman ang pag-aabangs. Right after nun ay kumain muna kami sa Chowking dahil tomjones na kami. Tumambay din kami sa SM Baguio at nag group pics :D


Sa next post ko na iwewento yung mga konting rants and not so good things na nangyari para totally hiwalay ang nice memories sa not so nice memories. 
:P

papasalamat lang ako sa nahiraman, na graban at naharbatan ng mga larawan dito. Kinuha ko sa facebook albums na natag ako. Salamat talaga ng sobra dahil may camera kayo. :D 
Thanks kila Irman, JeffZ/Mapanuri, Chroky at WhattaQueso. (May link kay mapanuri kasi nagpost sya sa blog nya :D)

24 comments:

  1. wow! penagbenga ng baguio.. hehe! so colorful... nice.. nice to meet you.

    ReplyDelete
  2. base! :D yesh, at last nakabase din ako. hehe.. tapos na ang 3rd installment ng baguio trip. nagtataka ako, kamusta na kaya si elly? hehe..

    ReplyDelete
  3. kakainggit naman..uber miss ko na ang baguio!huhu. ang husay mang inggit hehehe. nice pics!

    ReplyDelete
  4. kakainggit naman..uber miss ko na ang baguio!huhu. ang husay mang inggit hehehe. nice pics!

    ReplyDelete
  5. kakainggit naman..uber miss ko na ang baguio!huhu. ang husay mang inggit hehehe. nice pics!

    ReplyDelete
  6. kakainggit naman..uber miss ko na ang baguio!huhu. ang husay mang inggit hehehe. nice pics!

    ReplyDelete
  7. kakainggit naman..uber miss ko na ang baguio!huhu. ang husay mang inggit hehehe. nice pics!

    ReplyDelete
  8. kakainggit naman..uber miss ko na ang baguio!huhu. ang husay mang inggit hehehe. nice pics!

    ReplyDelete
  9. @mommy-razz, thanks sa pag visit :D

    @whatta quesso, waheheh, di ka padin naka-base, may nauna sa iyo :p

    @krn, hehehe, na-excite you magcomment, dumami :p

    ReplyDelete
  10. haha si elly?.. the last name is Pahntee? lol

    thanks sa link back Khanto!

    Ayan na, ang pinakaaabangang RANTS/Not so good memories.. haha aabangan ko ang pagkkwento mo kay Shakoleit. :P

    @Whattaqueso: Better like next time sa pag BASE bro.. haha onting bilis pa... :P

    ReplyDelete
  11. Huwaw! nakapunta ka pala sa panagbenga! saya naman nun! pero mas masaya kasi andami niyo! ahahahhahah... parang ang kukulit niyo siguro!hehehhehehe masaya talaga pag sobrang dami ninyo! hehehhehehe

    ReplyDelete
  12. Nice tingnan ang mga picture...magaling ang kumuha..gusto ko mga ganyang trip..hehe..pero hindi pa ako nakakapunta ng bagui..LOL

    ReplyDelete
  13. anong float yung nanalo :) coke float? :) hehe

    ReplyDelete
  14. nice krn. ahahahhaha. natwa ang dami niyang comment. unlimited. hahaha. ako hnd p talga nakapunta ng baguio. nga pala talga bang kelangan naka elephant cap? hahaha

    ReplyDelete
  15. nakakamiss ang lamig ng baguio! :)

    ReplyDelete
  16. san ka nakabili ng elefanters? sa tiangge nga ba sa burnham?
    duhrrrr! why didnt i think of that? nagpapakahirap kami sa jeep and taxi and everything.. science talaga!
    bakit ako walangggggggg linkkkkkkk???
    lol
    joke lang..
    umaarte lang.. :P

    ReplyDelete
  17. @JeffZ, wahahaha, si elie phanty :p

    @xprosaic, masaya din bora trip ninyo

    @akoni, makakapunta ka din dun, balang araw.

    ReplyDelete
  18. @rah, di ko na nalaman kung sino winner na coke float :p

    @kikilabotz, uu, kelangan naka elephant caps :p malamig kasi heheheh

    @empi, true, anlamiiig dun :D

    ReplyDelete
  19. @yanah, ay, sorry, di ko nalagyan link. wakokkkok. sa camp john hay ako nakabili. dun sa mile high

    ReplyDelete
  20. @khanto: hehehe, galing ni mommy-raz magbase. hehe..
    @mapanuri: haha.. yups aabangan ko tlaga new post ni khanto, si shakoleit na ang bidang kontrabida.. dinaig si rubi.

    ReplyDelete
  21. namiss ko ang Baguio lalo na yung simbahan yung military base lang di ko napuntahan eh :D

    ReplyDelete
  22. wala bang flote ng gma?hehe ang ganda!!
    sana pmunta rin kayo sa strawberry farm tsaka hot spring jeje

    ReplyDelete
  23. @emmanuelmateo, nakapunta kami sa strawberry farm :D

    ReplyDelete
  24. @axl, yung pma pers taym ko mapuntahan. :D

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???