Wednesday, October 31, 2012

Random


Hey! Heypi wednesday mga folks! Nalalapit na ang araw ng patay. Saan lakad nio since i know may long weekend kayo (oo, kayo na may long weekend).

Heniway highway, wala naman masyadong super-duper na kaganapan sa boring kong life kaya naman for today, random-randoman lang ulet.

1. New schedule ko for Nov-Dec ay 2am. Yep, alas-dos ng madaling araw! Tapos ikombo ito ng restday na wed-thurs. O ha. kamusta naman magiging pasko at bagong taon ko... well, that's life.

2. Baket nga ba ganun ang schedule ko? Wala e, latak na lang yan kasi 2nd to the last ako for our shift bidding. Kulelat sa stats so parang sa school lang, pagmababa ang score, no choice ka.

3. Bumili ako ng series... korean series.... kaso di ko masimulan kasi nga diba studio type ekek ang new balur. So nakakaistorbo sa tulog kung manonood ako ng madaling araws. hays.

4. Bukas na pala ang swimming pool dito sa new balur, matry na nga mag-shokoy at magpaitim sa ilalim ng araw. Kailangan sulitin ang dues na binabayad. lols.

5. Yung moment na tuwing nagtatangka akong magpagupit ng hair kasi mahaba na sya ng slight, doon naman nag-iinarte ang tyan ko. Alam mo yung bigla syang kukulo tapos napopoopoo feel. Anhiraps.

6. Hays, kung super alpha-kapal-muks lang ako, aabsent ako para makasama sa pagudpod trip ng mga friends ko. Yung eksenang nagamit ko na kasi ang Vacation Leave at Sick Leave ko.

7. Noong isang araw, ginulat ako ng isang friend at nanghihingi ng resume ko. SHould i grab the chance at bumitiw na lang ako sa current work at mag-move-out? Tough decision.

8. Sa araw ng undas hanggang sa sunday, solo mode pala ako sa new balur. Kailangan takutin ang sarili at manood ng madaming horror at gore peliks. hahaha.

9. Yung totoo, ang pag-shashare ba ng pic sa FB ay katumbas na din ng prayer para sa may sakit na person? Naaalibadbaran na din me sa bait-baitan post kesho need sharing to help the sick and poor.

10. Mukang may serye nanamang di matatapos. 

O cia, hanggang dito na lang muna, take care!

8 comments:

  1. #6- sayangs naman..baka chance mo na talagang magsoulsearching *wink-wink*
    #7- go try! malay mo makajackpot ka
    #9- NR ako sa mga ganyan..deadma, nagfoflood lang sa news feeds
    #10- tapusin mo may naabang kaya(pressure?)..wehehe

    ReplyDelete
  2. sayang naman! buti samin laging walang pasok ang pasko at new year. wow may swimming pool sa bahay!

    ReplyDelete
  3. haggard ang new sched..sana mas okay na lang sa January :) tapat mo, keri mo manuod ng scary at gore movies magisa!

    kaloka nga yang $1 for every like, share etc at kung ano anong ekek sa fb!

    ReplyDelete
  4. Mayaman may pool. Hehe. Naalala ko nung nalaman ko kung pano gumamit ng VL at SL. Isang buwan lang ubos na agad. XD

    * Pareng Jay was here

    ReplyDelete
  5. happy halloween ..

    kamusta naman ang 2am na pasok .. ang hirap ng ganun ..weheheh

    mejo duda din ako sa number 9... -__-

    ReplyDelete
  6. Yan hirap sa bpo walang right magenjoy ng holidays at least double pay naman

    ReplyDelete
  7. agree much ako sa 9

    ingats sa pagpasok at paguwi alanganing oars ee

    ReplyDelete
  8. natitira kong leave credits..
    VL: 0.75
    SL: 0

    dati nga nagne-negative pa yan e. haha.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???