Saturday, March 9, 2013

Don't Click!

Di mo ba nakita yung title ng post? Don't Click diba ang nakalagay? Bat mo clinick? You don't do that to me! Chos! Mustasa? Weekend na ng ilan sa inyo unless wierd ang restday nio like sa akin na weekedays-weekend. Enjoy the saburdei at upcoming sunday.

For today, bibigyan ko kayo ng mini review-reviewhan about a film na nipanoods ko last restday ko... last thursday. Ito ay ang pelikulang "Don't Click!".


Ang wento ay tungkol sa isang kumakalat na chismis na merong isang video na kapag pinanood mo, hindi pwedeng hindi mo tapusin. Well, hindi yung scandal video ni sadako ang tinutukoy so walang babaeng hindi marunong mag-rejoice ang aakyat sa balon at lalabas sa tv. Ibang video to.

Tapos sa peliks merong magkapatid na chikas. Yung isang babae e nagkaroon ng kopya ng video at kanyang pinanood ito. Ayun. dito na magsisimula ang mga medyo freaky-freakihan eksena.... 

It turns out na ang mga nakapanoods ng video ay matitigowks. Bakit kamo??? Kasi merong isang girlaloo na ang tatay ay nasangkot sa isang video scandal. May short vid na may isang lalaki na tila momolestyahin ang isang drunk girl. Alam mo yung video ni amalayer??? Parang ganun.... naging usapan at andaming kuro-kuro at andaming sawsaw suka at epalods na judgemental agads-agads. A

Yung anak ng lalaki sa video ay na-cyber-bully. At dinibdib ang mga panliligwak ng lipunan. So it turns out na nagpakamatay yung girlaloo at lahat ng umapi at kumuyog sa kanya online ay paghihigantihan nia.

Score....... 8 lang. Well, for me ay ayos lang naman ang kwento. Medyo naaakma sa panahon ngayon na madaming mapanghusgang tao base lamang sa mga short vids na napapanoods. Kung totoo nga lang to, edi masaya para matanggal at maalis ang mga trollers and harsh people na may guts lang dahil anonymous sila.

Pero may mga factors na parang boring ang flow at di gaano nakakasuspense kaya naman sapat lamang ang 8 for the film.

Oks, hanggang dito na lang muna. Take Care folks!

8 comments:

  1. Pati ang pagiging biktima ng cyber bullying nagawan na rin nila ng pelikula. Ayus ah!

    ReplyDelete
  2. panoorin mo yung Coming Soon :) magugustuhan mo yun!

    ReplyDelete
  3. i trust you... i will not watch that... 8 lang score mo eh... dapat 9 lang pataas...

    ReplyDelete
  4. Pasaway ako kaya kinlick ko. haha. Mahilig din ako sa suspense at horror :)

    ReplyDelete
  5. nakakatakot naman yung ganyang plot!
    at basta horror ee the best pag asian!
    iba atake ee,
    natawa ako sa description ni sadako ah

    ReplyDelete
  6. mahilig ka talaga manuod ng movie. at kahit sabi mo di ka masyado na-suspense..di ko pa rin panunuorin toh hahahahaha dahil ayuko ng nakakatakot. dull noh?

    ReplyDelete
  7. Napanood ko na po... its uhmm scary? haha lahat naman po ng horror 10 ang score sakin ea haha

    ReplyDelete
  8. Napanood ko na po... its uhmm scary? haha lahat naman po ng horror 10 ang score sakin ea haha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???