Monday, July 1, 2013

Blue's Clues

Huwats? July na? Simula na ng 2nd half ng taon! Maygali! Hambilis ng araw! Grabe! Tapos di mo mamamalayan, pasko na tapos bagong taon na tapos balentayms nanaman tapos summer tapos july nanaman! huwat! hahahaah.

Heniway. Kailangan simulan natin ang July na feel-good and feel-young (hindi po younghusband). So therefore ang feature thing show ngayon ay isang childrens show... Oo.... Children show.... Malamang sa alamang medyo knows nio ng konti to.

Heto ay ang Blue's Clues.


Ang Blue's Clues ay isang american kiddie show na nabigyan ng rights para ma-air ditow sa ating bansang Pinas. Kung tama ang aking pagkakatanda....sa channel 7 eto ipinalabas....

Ang show ay bale iikot sa mag-among Steve at Blue. Si Blue ay isang echoserang dog na kulay.... guess what....blue...na may papahulaan sa kanyang shungashungang amo. Para mahulaan ang gustong sabihin ng doggy-dog, ma-iiwan ito ng.... clues....in the form of....pawprint at kailangan i-solve ng kanyang owner ang clues.

While finding clues, may mga moments na makikipag-interact si Steve at si Blue sa ibang anik-anik na characters sa bahay para mahanap ang mga iiwang pawprints... pero bago yan... kakanta muna....

♫♪♫
STEVE: Oh, Ok, so to play Blue's clues... we gotta find a...
KIDS: Pawprint!
STEVE: Right 'cause that's the first...
KIDS: Clue!
STEVE: Yeah! And then we put it in our notebook
'Cause they're Blue's clues... Blue's clues......

We gotta find another pawprint...
That's the second clue!

We put it in our notebook 'cause they're who's clues? Blue's clues...

We gotta find the last pawprint,
That's the third clue! We put it in our
notebook 'cause they're Blue's clues... who's
clues? Blue's clues! You know what to do!
Sit down in our thinking chair and think... think... thi-i-ink!
Cause when we use our minds and take a step at a time,
We can do any THING... that we wanna do!
 ♪♫♪

Heto ang mga characters na kasama sa show.....


1. Steve- Ang original owner ni Blue.


2. Blue- yung epaloid na blue dog na nag-iiwan ng pawprints.


3. Mailbox- Yung umiistretchy na mailbox na nagdadala ng mga fanmail/videos.


4. Pail and Shovel- Ang magbessy/FB na tambay ng backyard ng bahay nila steve.


5. Sidetable-Ang keeper ng Handy-Dandy Notebook


6. Slippery- Ang madulas-dulas na sabon na pumepetiks sa banyo at ginagamit ni Steve for something hahaha


7. Tickety- Yung alarm clock na adik na nakikita sa bedroom at alam lahat ng ginagawa ni Steve sa gabi.


8. Mr. Salt, Mrs. Pepper and Paprika- Ang pamilya sa kusina. May new baby sila... si Cinnamon (no pic). Imagine... nagkekembutan yung mag-asawa sa kitcheyn?


9. Magenta- Ang kikay at pinkishy-type friendship ni Blue.



10.Periwinkle- Ang nagsasalitang pusang kapitbahay nila Blue. May kutob akong may something between Blue and Peri.


11. Joe- sya ang pumalit kay Steve sa pag-aalaga sa doggy-dog. Kapatid daw sya ni Steve.

Ang larawan sa ibaba ay ang original look ni Steve.


Matagal siyang nakita on TV pero unfortunately, nagpaalam sya (hindi po sya natigoks). Ang sabi sa show, mag-aaral daw sa college si Steve kaya ang pumalit ay ang brother niyang si Joe. Pero ang totoo ay, medyo di nakikisama ang hair ni Steve at nalalagas so di na pang kiddie ang looks. So bago tuluyang mag-bye-bye hair, umalis na sya.

 Joe at Steve

 Steve

Ewan ko, di ko alam ang trip nitong si Joe, pabago-bago ng kulay ng damit... Hindi na sya yung may standard green colored shirt.... makikita sa ibaba na nagsuot sya ng orangie. At kung titignan yung larawan sa characters sa bandang itaas, colored blue ang damit nia. 
 Joe, Blue and Steve

Medyo memorable sa akin ang Blue's Clues noon. Lakas makapampalipas oras at makafeeling-bata ang show. Hahaha. 

Hanggang dito na lang muna. 

PS. May bagyo daw.... Take Care folks!

8 comments:

  1. napapanood ko ito dati. akala ko naaddict si steve kaya umalis. lol

    ReplyDelete
  2. Hahaha, oo naman naging part din ng viewing habit ko dati itong Blue's Clues :)) at aliw na aliw din ako dun sa makapal na notepad at malaking crayon na pangsulat ni Steve sa mga clues :D

    peyborit ko din sila Mr. and Mrs. Pepper at Paprika! saka si Magenta, feeling ko dyowa ni Blue yan hahaha XD

    ayyy... nakalbo na pala si Steve lol

    There's a pawprint!

    Where?

    Behind you!!!

    ReplyDelete
  3. Ngaun ko lng napagtanto kamuka ni mecoy ung lalaki hahaha blues clues balik pambata ang peg

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako talaga? haha, actually yan ang tukso nila sakin dati!
      kaya nga ako ata pinaka masaya nung nawala yan eeh

      Delete
  4. Favorite ko ang Blues Clues, bata pa kasi kapatid ko nung kasikatan nila kaya lagi ko papanuod. Hangang sa lumaki na sya at ayaw na ng Blues Clues, ako gusto pa din haha

    Nag mukhang gangsta na si Steve!

    Happy July Khants! :)

    ReplyDelete
  5. I love blues clues! thank you naman for sharing this at nagbalik ang aking childhood....hehehehe

    ReplyDelete
  6. why oh why? Di ko sure, parang ngayon ko lang nabisita ang blog mo.

    Namiss ko ang blues clues na to. Mail time! Mail time! Maaaaiiiilll tiiiiimmmeee! ♪♫ hahaha!

    ReplyDelete
  7. isa to sa mga palabas sa gma na di ko gusto.. ewan ko lang bakit hahaha..

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???