Saturday, September 10, 2011

Death Happens and Doll Master

I'm back! Ambilis ko lang maka-get-over sa mga bagay-bagay. Pasensya na! ahahaha. Talagang tinatamaan lang me ng kung-ano-ano kaya naman sari-saring emosyon ang nadarama ko. :D

Kahaps, may overnite sessions nanaman kami with HS friends. At syempre kapag may overnite thinggy kami ay di nawawala ang movie mode. So last night, actually kaninang madaling araw, meron kaming 2 movies na pinanood.parehong horror.

Ang dvd na pinanood pala namin ay nabili ko sa suking tindahan. hehehe. At syempre, katulad ng mga recent movies na pinapanood ko... asian movies. :D

1. Death Happens 6:66


Ang peliks tungkol sa isang babaeng photographer na nakasaksi ng pagpatay ng hitman sa isang lalaki. Apparently nakita sya at nabaril. Poof. parang-panaginip lang. Kasabay nun ay ang pagkamatay ng kanyang ama pero di rin namatay.

Dito malalaman na ang ama ng girl ay may kakayanan na magpredict at mag-compute ng kamatayan ng tao. May theory din siya kung paano mapapahaba ang life ng isang tao kapalit ang buhay ng iba.

Rating: 4 or 5 out of 10. Maganda ang story at ang twist pero di much nakaka-shock, di nakakatakot at wala masyadong dugo. ahahaha :p

2. The Doll Master


Eto ay kwento ng isang lalaki na mahal ang kanyang jowa at ginawan pa ng doll image. Sa sobrang pagmamahal niya sa doll niya, nagkaroon ito ng soul. Then one day, natagpuang patay ang kanyang jowa. Ang lalaki ay pinagbintangan ng mga pulis na suspect at pinatay ang lalaki. Naiwan ang doll na nagluluksa sa hukay ng amo at doon ito  naghintay ng naghintay.

makalipas ang ilang dekada, sa isang mansyones ng mga dolls, may grupo ng tao na naimbitahan upang maging modelo ng mga dolls (hindi po sex dolls). Dito ay isa-isa silang papatayin dahil sila ay parte ng nakaraang trahedya.

Rating: 7 or 8. Creepy yung manika. Medyo nakaka-shock at mapapa-watda ka dun sa pagkilos ng mga dolls. Ehehehe. Maganda din yung doll na pumapatay :D 

Hanggang dito na lang muna. Back to work nanaman me mamaya. TC!

6 comments:

  1. waaaah gusto ko yung doll master!! mapanood nga! hmmm

    ReplyDelete
  2. Napanood ko yung Doll Master nung high school pa ako. Hehe.

    ReplyDelete
  3. hmmm paganda ang doll master. maidownload nga hehehe.. more review pa.. ung mairerate mo ng 10 :)

    magandang araw sayo sir

    ReplyDelete
  4. uy, napanood ko na ang doll master. gunduh nya. eheheh

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???