Wednesday, December 13, 2023

Almost end of 2023 Update

Hello mga ka-khanto, kilala nio pa ba me. lols. I know super dalang na lang naman ng mga nagsusulat sa blog at nagbabasa ng blogpost pero heto padin tayo, sulat lang pag may time upang ibuhos ang mga ganap-ganap at anik anik in life.

Isang buwan na lang at matatapos na ang taong 2023. And I can't wait na din na matapos ang taon na ito dahil andaming nangyari somehow in my life for this year. and yun ang aking iwewento somehow, somewhere,somedayyyy hahahah.

January

  • Kinasals ang aking sisterets sa kanyang long time boyfie.
  • Gastos din dahil eto yung time na patapos na ang time ko ng braces at kelangan na bayaran yung balance.
  • Tas another gastos to avail retainers isang de-bakal at isang clear
  • Kasama din sa gastos yung pagpapa-fix-bridge ng ipins
  • medj slight pahirapan lang naman ng paghanap ng formal wear coz walang for big sizes.
  • I ended up renting na lang kesa bumili ng coat.
  • Naitawids naman ang buwan ng enero.
February

  • Love month pero parang di naman love month. hahahaha
  • Eto yung panahon na nagstart na akong mag empake ng gamit at aniks aniks for the upcoming lipat bahay.
  • Prepare ng mga bubble wraps, balikbayan boxes, packaging tapes at check if may for disposals.
  • Eto din yung may ganap sa opis na parang magkakaroon ng squad squad thingy so i have to prep things to share knowledges.
March

  • Lipat bahay month na. Medj mabigat sa kalooban na aalis na ng Pasig.
  • Hello Binangonan Rizal. Officially probinsyano na me.
  • Paglipat sa new balur is an adjustment.
  • Kailangan pag-aralan ang commute diskarte from bahay to opis.
  • Time allocation is around 2-3 hours for byahe.
  • Walang masyadong fastfood within area kaya olats ang grabfood at foodpanda.
April

  • Summerish feels, steel adjusting sa new balur
  • Joined team building kineme from old team papuntang zambales.
  • Time to unwind ng very light
  • yung normal na uwi from zamba to manila, +2 hours pa kasi byabyahe pa papuntang Binangons
May

  • Catch up session with office berks
  • Tas nagkaroon ng A.P.E sa opis, so matik na obese 2 na yan.
  • Di na ako nagpabudol na mag avail ng salamin hahahaha
June

  • Rainy season, anhirap magcommute from binangonan to pasig.
  • Buti 2x a week na lang ang return to opis mode.
  • Pero medj draining sa energy ang byahebels pota.
  • Medj late ang summer outing ng opis, imagine rainy seasonish na. 
  • For the 4th time, nasa whiterock resort nanaman ang company outing
July

  • Nag VL for Toycon. So nagbyahebels from binangonan to SMX
  • pagod is real. Yung byahe ko 6am palang ng umaga umalis na ng bahay.
  • Nakadating sa SMX ng almost 10, tas mga 2-3 hours lang doon tas byahe na pauwi coz super ayaw ko na pumila balde sa pagsakay pauwi.
  • May company event kami na may check mode sa Edsa Shang
  • and this is the month na may twist sa buhay, inatake ng stroke ang pudrakels ko.
  • While nasa mall sha, bigla daw nahilo at nahirapan makahinga, tas medj not responding na daw sha kaya dinala na sa nearest hosp.
  • Pagdating sa Medical City, tinawagan kami kasi hirap na makahinga and we had to agree na i-intubate na sha.
  • From puyats, byahe ng gabi from binangonan to hospital.
  • Dito nalaman namin na crit and we are asked if ooperahan.
  • Kaso, hutangina, apacca mahal sa Medical city. Imagine 24 hours, nasa 150k na bill namin.
  • Dahil sa kakapusan ng salapi, nilipat namin ang pudraks sa public hosp.
  • Dito, kinapalan ko din muka ko to post sa fb to seek for donation. Alam mo yung feels na alam mong nasa laylayan ka din ng lipunan kasi wala kang pera and luxury to make sabi sa doktor na kahit na ano gawin nia, di importante ang gastos.
  • Yung RD ko na Tuewed, nakadedicate na magbantay sa hospital. 
  • First night ng pudraks sa room nia, namatay yung roommate nia, gosh, ambigat sa kaloobans.
  • Di ko alam if naririnig ng pudraks ko iyak ng pamilya sa room.
  • Medyo sinet ng expectation sa amin na medj slim chance na lang din survival ng pudraks pero di nila masabi kung ano duration or timeframe.
  • Nag bday ang pudraks sa ospital. no celeb, treated as just ordinary day sa hosp.
August

  • Nasa hospital padin ang pudrakels, coma state and no response. 
  • Juggling time to make pasok sa opis tas pag walang magbabantay sa hospital, aabsent para may taong nakabantay.
  • Medyo eto yung start na tiuruan na kaming mga nagbabantay on how to feed the pasyente using yung parang pump na nakakonekta sa feeding tube na rekta sa ilong/lalamunan ng pasyente.
  • Yung room ng pudrakels is shared room, may 4 beds, and medj masaklaps na yung mga roomies ni pudraks nag eexpire.
  • Shuta, ambigat sa loob na mag iiyakan at maghuhurumentado lovedones ng mga pumanaw na pasyente.
  • Yung isang roomie ng pudraks ko, nakarecover at nadischarge, so somehow ang mudrakels parang nakakapit sa mindset na if gumaling yung katabi, may chance makauwi din ang pudraks.
  • Nagkaroon ng another attack ang pudraks, at buti narevive, pero sabi sa tagal na walang oxy, 9 mins nag-resusitate, ininform kami na next time if mangyari ulit, 5 mins na lang ang attempt to revive.

September

  • Medj nagpapahaging na mga nurse sa ospital na papauwiin na ang pudraks at i home care na lang.
  • Eto na yung time na napapaisip na kami na kumuha ng caregiver kasi may work kami at di na namin pede abalahin mga pinsans to make rotation sa pagbantay.
  • Pinabili din kami ng mga gamit like mga diapers, suction machine, tanke ng oxygen, and stuff.
  • Nakapag one-day Team building pa me despite the shenanigans. one day to slight unwind.
  • Sept 18, dumating na unang delivery ng mga biniling items ng sister ko, kaso may problema sa oxygen machine.
  • Sept. 19, napalitan na yung machine at inasikaso na ang pag discharge sa pudraks. nakahanap na din ng caretaker na magbabantay at magpapakain sa pudraks.
  • Inabot na ng hatinggabi bago tuluyan naka fully settle sa bahay at nauwi ang pudraks
  • Sept. 20, wala pang halos 24 hours na nasa balur ang pudraks, ng bawian sha ng buhay.
  • naiwan pa ng mudraks cellphone nia kaya di namin alam pano sha cocontakin to inform na wala na ang pudraks.
  • Asikaso mode din sa mga dadalin para punerarya.
  • di pa nakakarecov sa gastusin sa mga binili for homecare, another gastusin para sa libing.
  • Sept. 21-25 ang lamay, bakit mahaba? kasi namatayan ng tatay yung asawa ng auntie namin so aantay namin na makabalik sila from mindoro.
  • ilang days kami na wala sa bahays at andun lang sa funeral place. 
  • busy din sa pag gawa ng video kineme.
  • Buti na lang medj may alam sa paglalamay yung caregiver na nakuha namin, kahit na technically 1 week lang namin nakuha service nia.
  • and the house feels officially empty sa pagpanaw ng pudraks.
October

  • Birthmonth pero parang di naman kasiyahan ang buwan.
  • Tuloy ang buhay, back to work and stuff.
  • Sa birthday, kumain sa resto with fam. yun na yun
  • Tas asikaso for the 40 days ng kamatayan ng pudraks.
  • Nagrelease na ng first part ng DLC ng pokemon pero feels like meh. 
  • slight changes to work since part na pala ako ng training team na nagcoconduct ng TOI at trainings sa mga members.
November

  • Nothing much for november. 
  • Nagcelebrate ng bday sa balur ang mudraks.
  • Ang mahirap lang na now wala na ang pudraks, di naman maiwan sa bahay mag-isa ang mudraks.
  • yung 2 days na naka-return to opis me, kelangan night before the day, di ako sa bahay matutulog dahil walang masasakyan sa village ng madaling araw.
  • Yung eksenang slight nakakaawa maiwan mag-isa yung nabyuda mong mudrakels pero need mo din naman mag comply sa opisina na dapat pumasok ka ng atleast 2 days sa opis.
  • Medj nakatikim ng slight break ng magpunta ng Baguio to attend ng kasal ng dating teammate at travel friend.
  • Dito lang me ulit parang nakahingahinga at pahinga with all what have happened since july.
December

  • Nag join sa team building at christmas party
  • May mga event ganap sa opisina na need mag participate.
  • slightly envious sa mga officemates na nag-japan due to contest shenanigans.
  • Hoping na sana sa upcoming christmas party ay manalo naman sa raffle, kapalit to ng mga hardships na ganap recently.
  • May mga times na mapapaisip ako sa bahay na mga what ifs, regrets to bond more with pudraks, maiisip mo na usually andun sha sa area ng bahay nagluluto or naglalaba.
Yun lang naman muna... i just need to drop things into writing kaya muling nagsusulat ng slight here sa blog.

TC guys if meron pa mang dumadaan dito.

Sunday, February 26, 2023

Lipat Bahay


 It's been a while. Dumaan ang pandemic pero bago pa yun, matagal na wala na gaanong sigla at energy to make kwento ng anik-anik here sa blog. Maybe dahil nagbago na ang mundo at nag evolve na ang mga anik-anik. Imagine noon, mabenta pa ang pagbabasa ng mga kwento at storya ng mga madlang folks. But this time around, mas mabilis pa sa 1 minute vid, keri boomboom na for most.

Pero shempre since old school tayo at di ko bet boses ko sa vids nor di ko bet magkwento sa platforms like tiktok at twitter kaya heto nanaman tayo na nagsasalitype here so blog ko na naluma na ng panahon. Pero buti di pa nasasakop ng spam content thingy.

This coming March, naabisuhan kami ng new owner ng inuupahan namin na bahay na kailangan na namin i-vacate at lisan ang balur na currently aming tinitirahan for almost 10 years na (9 years na din ata kami dun).

Di narin naman bago sa akin ang lumipat ng bahay o tahanan. Naka 5x na lipat naman din kami. 

Wala pa akong masyadong muwang noong unang lipat kami from Marikina to Pasig. super faint na yung memories na naaalala ko sa tinirhan namin sa Marikina. Parang yung name lang ng street at location (since nadadaan-daanan pa namin noon to while visiting kamag-anaks).

Next na lipat namin nasa 4 years old ata ako nito pero dito kami nagtagals since dito na ako lumaki up to High School. Dito nagkaroon ng steady neighbors and friends. Sa subdivision to kaya naman secured yung paligids na walang gaanong sasakyan na dadaan daan kaya ligtas ang mga bata na maglaro sa kalsada.

Unfortunately, due to financial struggles ng parentals, ang alam ko naisangla yung bahay. Naalala ko pa na while nakatira kami for the last year namin sa bahay, merong pinadalang guard na somehow nakatira sa gilid/labas ng bahay to ensure na di namin idadamage yung property. hahaha

Medyo malapit lang sa dating place yung nalipatan namin na next. Dito parang lagpas 7 years kami nagstay since college years and first few years ko work dito kami nakatira. Dito na din kami inabot ng 2x na baha na malala (Ondoy at Habagat). Then eventually need lumipats.

Nagtry kami ng Condo na medyo slightly near lang din and around Pasig padins. 1 year lang at ako lang halos ang nag-stay doon kasi naliliitans ang familybels. Pero after a year, lipat na ulits.

Nabanggit ko nga sa unang part na almost 10 years na din kami sa current place pero need to leave na din. And kahit di ka naman super emotional and attached sa place since wala ka naman friends na neighbors at kakilala, parang it still fucking hurts. hahahaha.

Siguro since naging comfort place nadin at nakasanayan kaya parang anhirap iwan ng place. Tapos medj malayo na yung lilipatan, probinsha-ish. Binangonan.

Iniisip ko palang possible travel time ko from new lilipatan to office, na stress na ako. Tas yung internet connection pa, di ko pa nachecheck if pede matransfer sa new place.

Well, anyway, just making wento ng slightly ganap sa buhay and kinda nag back to memory lane mode lang me ng mga ganap ng lipats kineme.

O cia, mahaba na masyado, Byers, take care sa makabasa man nitong post na ito.

Friday, January 13, 2023

2023 Update

 


Hello hello Hello! It's been years since may update tong bloghouse na ito. Napabayaan na ata. May mga bagay kasi na anhirap ikwento dahil work related hahahahaha.

Try ko magkwento sa susunod na post.

Pero for the meantime, Belated Happy New Year.

Thursday, September 30, 2021

Khanto's Shenanigan Update


Konichiwazap! Oha! 11 months na ang nagdaan bago ako ulit nakadaan sa bloghouse na ito! Antagal na din pala! Imagine, pabukasbukas lang ako minsan ng blogpage na to pero wala naman ako machika or masulat. Pero since medj tinatamad me sa ganap-ganap in life, at nais ko naman magsalitype at magkukukuda ng anikanik kahit wala naman masyadong nagbabasa sa inaagiw na blog na to, kaya heto me, balak lagyan ng content ito.

Very random updates lang naman ichichika ko na ganap-ganap from the last time nagsulat ako dito. You know, pang laman blog lang para di sha maagaw ng mga spam thingy na nang-aagaw ng blog na napabayaans. Like some blogs ng mga dating kakilala na nahijack ng wierd post thingy na ewans.

Di ko na masyadong idedetalye mga anikanik pero i will try to make wento on majority of items.

1. Hindi pa din tayo nakakaalis sa quarantine thingy natin dahil sa Covidubidapdap. Malapit na mag 2 years nextyear ng march!

2. Series na natapos ng November: I'm Tee, Me too tas sinundan ng Tonhon Chonlatee.

3. December last year, first christmas party ng opis na virtual. You know the feeling, awkward.

4. Yeah, i made sali sa mga games at paganap sa opis for the sake of possible kaperahan via gcash ganyans.

5. Infairview, medj kumita ako sa pagpatola ko, naka 3k+ din ata ako doon. Kahit lotlot sa raffle kineso.

6. For christmas and new year, sa balur lang. May order lang ng foodang online via my sisteret.

7. Around january-february, sa work, medj pressured na maka-comeup ng project kineso for the immersion thingy.

8. 3 sa mga kasama sa immersion kineme, lilipat na ng department. Yung feeling na napag-iiwanan ka nanaman.

9. I think eto naman yung time na napanood ko yung series na 'Cherry Magic' from japan.

10. Then also time na next series ng GMMTV ay 'A tale of a Thousand Stars' na one of the best kaso medj short ng ilang episode compared sa usual na 12 or 14 or 16 episodes.

11. Majority ng mga teammate ko, isa-isa na nagreresignan.

12. Tapos yung mga newbies na napadpad sa team, ayun, isa-isa din natsutsugi at nagreresign.

13. Yung isang bagets na gusto naman magstay, nadali ng exam kinemeru kaya di sha naging regular.

14. Alam mo yung feeling na papadating ka palang sa point na mag slowly open up at mag waarm up sa new team members pero poof, wala na sila.

15. Tas magugulat ka na lang sa emails na makikita mo na si ganito resigned na, si ganyan, resigned na din.

16. Parang ako lang somehow ang todo kapit and holding on na ewan.

17. Napabili me ng thai snacks dahil sa thai series lols.

18. Then napanood ng Fish in the Sky series.

19. Nagdownload ng mga streaming apps sa phone dahil may mga series na di mapapanood sa YT or netflix.

20. Another fellow immersion ang nagresign. Dadalawa na lang kami naiwan.

21. Sa work, medj nagiging all-around kinemer, Partial L3 tasks, partial L2 Tasks, partial TL tasks in terms of handling team members.

22. May re-arrange ng product na naka-assign, and i'm handling minor products. 

23. Sometime in summer, may naka-match sa isang dating app.

24. yung medj tumagal sa 24 hours yung usap at di agad nawalang parang bula.

25. Pero things are too good to be true. hahaha wala, nawala din.

26. May ganap kasi sha na di ko bet. Mga gold mining kineme online na parang budol at scam chuchu sa gut feel.

27. It's a good memory na di naman naglast. hays. 0 lablayp padin si ako.

28. Some days ng summer ko ay nagamit ko in terms of sandamukal na laboratory testing chuchu.

29. Chika ko lang na sometime in sept-oct 2020, nadiagnose ako na may Hypothyroidism. 

30. Pano nalaman, via test. Dahil napansin ng isang doctor na pawisin ako kahit di ako nagkikilos much.

31. So every 3 months, nag oonline schedule ako to consult an Endocrinologist.

32. During one consultation, base sa reading, may napansin naman sa blood thingy ko.

33. So gamit na gamit ang medicard ko papaconsult at papa-approve ng tests.

34. And turns out, may blood chuchu ako na AlphaThalassemia.

35. Blood condition sha na di naman fatal pero makakaapekto daw to sa possible baby ko if ever na ang magiging asawa ko ay may alphathalassemia din.

36. Medj safe, wala ngang nagiging lablayp, magka-baby pa kaya hahahahah.

37. Kaka-online shopping, may mga orders ako na di ko naman nasusoot kasi taong bahay lang me.

38. Nakabili ako ng power rangers na jacket, red, blue, green at black haahahah.

39. May mga polo din ako na japanese style ang peg pero nakatago lang.

40. May mga nabili din akong swimming shorts na nakatabi kasi like hello, walang gala talaga ever since this putanginang pandemic.

41. Sa netflix, may mga series akong triny ulitin due to boredom.

42. At namarathon ko din ang Rupauls Drag Race dahil walang mapanoods.

43. Some anime here and there pero bored kaya walang masyadong ginagawa pag weekends.

44. Medj nag Genshin Impact ako sa PS4 pero di nagtagal, mga ilang buwan lang tas wala na spark.

45. May mga games akong ni-order via lazada for ps4 at switch pero di ko natapos.

46. Andyan ang JumpForce, Disgaea 1 and 4, One Piece Pirate Warrior 4 etc.

47. Dumaan ang Minion sa Mcdo happy meal, at nakolekta ko naman lahat hahahahah.

48. Dumaan din ang Space Jam at nabili din saka yung Jollibee toys.

49. Nagsummer outing ulit na virtual.

50. Patola padin sa contest na kayang salihan, at nanalo naman.

51. Pero bwakingina, hanggang ngayon wala pa yung premyo, july pa yun hahahahah.

52. Sirain yung computer ko for work, so naging backup machine ko etong mac na nabili ko noon waywayback 2016 pa ata.

53. Yung dumaan ka sa point na gusto mo na sumuko. burn out thingy ata yun.

54. Yung moment na arang wala ka na tiwala sa skills mo. Yung parang kwinekwestion mo ang iyong capabilities.

55. May news thingy na magreresign yung isang ka-close sa opis. Pero hanggang ngayon di ko sure kung chika minute lang or fake news.

56. Around May this year, i started visiting the dentist dahil sa isang pananakit ng ipin.

57. Then somehow naging almost every 2 weeks kasi madaming sira sa ngipin sa tagal na wala akong bisita sa dentista.

58. Yung andaming ngipin ang pinastahan. Tas sa medj dami ng sira at bad condition ng ipin, need to have cleaning ng quarterly.

59. Then i decided na mag undergo sa possible brace process.

60. Before that, medj gumastos sa xray ng ipin saka dental cast chuchu. 

61. Mostly some weekly gastos ko is sa maintenance ko saka sa pagpapadentista.

62. Di padin nagbabayad yung mga taong may utang sa akin. Yung mga nangakong babayaran sa sweldo pero shuta, years naaaaaa.

63. Yung mga friends mo sa HS na unti-unting nasa abroad na. Medj nakaka-lonely.

64. Lumabas na ang ilan sa mga films like wonderwoman at black widow pero ni isa wala akong napanood.

65. miss ko na manood sa sinehan, yung big screen talaga.

66. May slightly kachikahan ako sa jopis na somehow brings konting joy on work. hahaha drama.

67. Merong new task na na-assign sa akin, make bantay ng googled words sa website namin and make provide suggestion on what article to create.

68. Yes, pinatos ko na yung task, kasi syang ang chance. Somehow it makes me may silbi pa kahit paano.

69. Downside, minsan, i work sa weekend/restday para sa article kasi di pumapasok ang idea while nasa work.

70. May isang schoolmate sa college na dating ex-teammate ang nabalitaang namatay.

71. Sad news, kasi may bagets na naiwan sha. And nakakasad na poof, wala na sha.

72. Speaking of death, isang pinsan ko ang nawala saka isang close relative (uncle in a way). At dahil sa covid at takot, di man lang makaattend ng lamay o nakadalaw.

73. Namatay din lola ko sa father side last summer. 

74. Worst scenario, di ka makadalaw kasi sa bicol sha tapos sa medj workaholic kinda, di naman ako nakapag file ng leave. medj nakakachoke ang ganap.

75. Medj dumadami ang kakilala and friends na nagkasakit ng covid.

76. Tas isang officemate ang namatay dahil sa covid.

77. Bakunado na pala ako. Sinovac. Yun ang avail sa pasig e.

78. Di ko na masyadong nahintay yung sa opis kasi ang shogal.

79. Wala naman side effect much, bumigat lang braso ko ng slight.

80. Suddenly may nag-add na relative sa akin sa FB. ang kasunod, mangungutang.

81. Like magmamakaawa with sending pic ng junakis na wala na daw panggatas at pambili bigas.

82. So tumulong ka at nagpadala ng cash, then after a week, same dramarama.

83. Ang nakakaqiqil, pati ibang kamag-anakan, medj sunodsunod na magmemessage sa fb, same style, nagmamakaawa, tulong, pambili bigas, kahit 1k lang daw.

84. Nakakaqiqil, gagawa-gawa sila ng pamilya, kekembot ang magkakajunakis tas aasa sa pangungulit ng kamag-anak.

85. What's worse? binigyan na pala sila at pinadalan ng pera ng pudraks kasi nag message din sila sa aking parentals. like alpha kapal muks!

86. Medj nagkaroon ng kinda opening sa opis. 2 kaming candidate sa pwesto at dumaan sa interview.

87. Go fight ang peg kahit alam ko na nasa 15-20 percent probability ng win rate ko.

88. Paano ko nasabi? observation, self-assessment, reality check, compute ng probability ganyans.

89. And i was right, di ako natanggap. Pero may pakunswelo, under observation ako for improvement chuchu sa sinabi kong weaknessess ko sa interview.

90. So, heto, make laban padin at bibilang ng ilang months sa walang kasigaraduhan. Bahala na, fight na lungs!

91. Next na pagkakagastusan ko ata after nitong possible braces ay pagpapatanggal ng skin tags.

92. Bumili pala ako ng blind bag chuchu ng starbox, sa halagang 1500, worth 3k items. Pero di ko bet yung nakuha kong tumbler. Sa Bearista lang ako nasiyahan.

93. DUmaan pala ang popularity ng pokemon unite, pero after 1 month, wala na ding spark. 

94. Balak ko bumili ng pre-order ng pokemon remake ng diamon and pearl.

95. Kumuha pala ako ng insurance sa sun aside pa sa nauna kong manulife dati.

96. Nag-open din ako account sa eastwest bank saka nakakuha ako credit card sa robinsons bank pero di pa activated lols. 

97. Bumili din ako ng funko soda na toy ng jollibee, la lang, share ko lang.

98. Gusto ko na bumiyahe, mag beach at mamasyal sa pinas or sa ibang bansa.

99. may politics chuchu sana me pero ekis. hahahaha wag na lang.

100. Sana matapos na ang covid at bumalik na sa normal ang lahat.

Naks, naka 100 items ako na for shure pachepacheng sentences lang naman ng kaganapans in the past 11 months. Can't wait na pede na lumabas at makipag meet with friends.

O cia, hanggang dito na lang muna, TC. 


Friday, October 30, 2020

Pinoy BL Series

 Hello, hello, hello! Kamustasa naman kayo ngayong lagpas anim na buwan na naka-quarantine ang pinas. Gash, antagal na palang nakatengga ako sa balur at lalabas lang kapag may bibilin ganyans or papacheck-up sa docs.

Well, its been a while since i made wento and post so kaya naman habang medjo di pa busy today sa work, ay gonna make some content here sa bloghouse na puro agiw. 

May post ako last june ata or may about sa mga ilang BL na napanoods ko na and for today, i'm gonna share more pero more on isang bagsakan na coz anhirap kapag isa-isahin pa lalo na kapag wala naman walang masyadong makomento.

Ang pinas ay medyo na-invade na ng boys love series kaya naman heto ang sampu sa mga umere or umeere ngayon online. Note na hindi lahat ng BL ay nakalista lalo na yung mga kapapalabas pa lang or coming soon.

1. Gameboys

Ang isa sa mga BL na nagsimula ng wave sa pinas. Eto ay tungkol sa isang Live stream gamer na si Cairo na biglang kinomentan or binakuran ng isang fan named Gavreel. Dito magsisimula ang panliligaw ni Gav kay Cai at pati ang rollercoaster emotions between them.

Eto yung series na patatawanin ka, pakikiligin, paiiyakin at anikanik. May split screen ganap dahil sa pandemic kemerut pero yung chemistry between the actors ay mahusay.

Pati mga sidecharacters ay di over sa pagkain ng air time at di masasabing junk foods na walang sustansya at mema lang.

9 ang score ng series na to for the 13 na episodes na nirelease nila (nadagdagan sa ideal episodes nila kasi kinagat ng madlang folks)

2. Hello Stranger

Eto naman ang second na BL na napanood ko. Kung saan similar din ang peg sa Gameboys na split screen kemeruts. Eto ay ang wento about sa kinda geeky freshman named Mico kung saan ipinartner sha sa isang Varsity Jock na si Xavier para sa isang subject project. 

Dito somehow magkakadevelopan ang dalawa while working on the project lalo na ng magbreak si Xavier at ang kanyang jowaers.

Ang series na ito ay sapat lang. May kilig, hindi heavy drama, walang kontrabida and such. Light series lamang ito and medyo light lang din ang side characters na kinda so-so lang ang ambag sa main characters. hhaha.

Score of 8 para sa akin. Sapat at sakto pero hindi super kakikiligan at medyo parang di connected in some level yung dalawang bida. Hanggang hug lang ang naganap.

3. In Between

Ang wento ng hidden ralation ng dalawang guy sa isang dabarkadahans. Si Tau at Otep ay may tagong pag-iibigan na nagpromisan na walang titibag sa samahan nila. Pero walang forever, bumitaw si Tau. Tapos after separation, umuwi from america si Otep at dito tila tutugtog ang kantang 'Muling Ibalik'.

Medyo slow ang takbo ng wento na ito and medyo slightly meh. Though may chemistry din naman ang bida pero parang nahati ang series sa dalawang pairs kasi along the next episodes lagpas epi8 na ata, siningit na ang hidden jowaers ng isa pa nilang dabarkads named Onin.

May score to na 7.5 na maitatawid naman na tapusin mo hanggang dulong episodes at di ka naman mapapa-fastforward sa panonood..

4. Boyband Love the Series

Isa sa nakisawsaw sa BL sensation ang serye na ito. As the name goes, ito ay tungkol sa boyband kung saan ang dalawang members na sa una ay nagclash ng personality ay magkakadevelopan. 

Acting wise, need pang mahasa ang mga pag-arte ng mga artist na kasama sa serye. Kumuha ng kinda pa-funny character with BrendaMage pero still, meh.

Nakaka 3 episodes pa lang to so baka may iaayos pa? not sure. hahaha.

Score na 6 for this.

5. My Extraordinary

Ang unang BL daw na ipinalabas sa mainstream media na TV5, yan ang birada at promote ng serye na ito na recently lang ipinalabas.

Eto ay tatakbo sa magschoolmate na si Ken at Shake na kung saan magkakaroon ng thing. So yun palang din ang takbo kahit sa trailer so di ko alam kung may i-eexpect pa bang something sa plot ng wento nila.

Though may mga vets actors named Yayo Agula at Jojit Lorenzo, medyo meh din for me ang palabas na ito. Sa 4 episodes, manonood ka na mapapa do ka pa ng ibang ganap like mobile games kasi parang hindi sha super attracting story.

Score na 6.5. Lamang lang ng onti to kesa sa boyband. hahaha.

6. Quaranthings

Ang serye na naka-revolve sa storya ng pandemic at quarantine. Ang storya ng magka-housemate/dormates na na stuck during Quarantine. Eto ay ang wento ni Judah na isang bekiloo na hindi over beks na beks at Rocky na bortaish na magkakaroon ng something while magkasama sa isang bahay ni koya.

Ksama sa cast si Gina Pereno pero walang masyadong impact sa story and somehow maisama lang hahah.

Sa 7 episodes na naipalabas na, may score to na 7. May times na okay pero may times na sablay hahaha. Somehow parang sige, pede na din factor kaya papanoorins. 

7. Ben X Jim

Isa sa mga bago-bagong BL na available online. Ang story ay tungkol sa magkababatang muling magkikita after ilang years na di magkakasama. Somehow may quarantine plotline din since well, its pandemic kemerut.

Ang cast ay artista na si Jerome Ponce at TJ Marquez kasama din si Kat Galang. 

For the initial 3 episodes, cool naman ang takbo. Hindi nakaka-asar, engaging naman ang takbo at somehow parang may spark kang mararamdaman between the 2 pero ramdam mo padin na straight ang dalawa though medyo effemish ang acting ni TJ for this series.

Score dito ay mas matataas kesa ibang nalista sa taas. So may score na 8 to for me. at baka tumaas pa ng konti to sa Hello Strangers kung magiging maganda pa ang mga next episodes.

8. Boys Lockdown

Gaya din ng pandemic thingy shenanigans ang bago-bagong series na ito. Eto naman ay tungkol sa dalawang guys na magkakakilala sa drugstore/convenience store (ayon sa unang episode). Walang masyadong makuhang plot story kahit sa trailer hahahah. May cameo si Auntie Julie ni Macoy Dubs sa unang episode.

Sa 2 episodes, muka naman okay ang wento. Medj maikli pero hindi medyo awkward ang feel and vibe while watching. Di rin cringeyyy kaya may potential.

For the meantime, nasa boundary ng 7.5-7.75 ang series na ito.

9. My Day

Medj pabongga at mega press release and trailer naman serye na ito. Ito ay tatakbo sa buhay ni Sky na mag-oojt sa isang kilalang company famed for cakes. Dito makikilala nia ang strict at pogitong bossing at supladits named Ace. And same sa themes ng mga series, magkaka-inlababohan ang dalawang guys.

Ang serye na ito ay good-bad-good-bad in a way. Hahahahahah. May mga eksenang need mag improve ng acting ang mga cast. Pero may times na nag-improve. Andaming side characters na walang sustansya sa story na basta maipasok lang like tita Krissy, kapatid, nanay, tatay, schoolmates, opismates, yaya, etc.

Andaming product placement similar sa mga thai bl pero awkward. hahaha. Daming nakakawisit din na eksena like yung bruhildang jowa ni Sky, ang mayordomang nag-aalaga ng aso, and others na naisasama sa mga episodes. 

Score na 7.5 though may pa-hot scenes kemerlut, most of the times, napapa-fastforward and skip na lang me dahil walang saysay ang ibang ganap. hahaha

10. Gaya sa Pelikula

At last ay dapat at par sa first at isa sa magandang BL now. Ito ay tungkol sa wento ni Karl na somehow may tradition thingy sa pamilya na magiging independent once nagbinata. Makikilala nia si Vlad na kanyang neighbor sa nilipatang place. Dito ay magtatagpo ang dalawa na eventually magsasama under sa isang house and the story will go on.

Impressive ang serye na ito kahit na nakaka 5 episodes pa lang. Steady ang story line. Walang nakaka-iritang characters. Mahusay ang song choices. Magaling ang acting powers ng leads and lines ay hindi pucho-pucho at basta-basta lang.

Tindi ng spark at vibes ng chemistry ng dalawa na nakakadala ng panonood. Perfect fit yung role ng dalawa and di awkward and walang cringe kang mararamdaman. Innovative din sa ending like the changes on the scene while nagroroll ang mga anikanik na names related sa series.

Maganda ang Gameboys pero palaban din itong Gaya sa Pelikula kaya naman kahit di pa kumpleto ay may score na itong 9.1 for me. Hehehehe. Kahit ulitin ko ng 2-3x yung episode, andun padin yung magic ng sandali. Icombo pa ang tumatagos na OST per episodes.

Heto naman ang ilan sa hindi naisama sa listahan na nasa low rank hahahahaha.

Vincentimenish peg, di ko na tinuloy

Medj awkward, we'll see if papanoorin pa
Chararat ang sounds/audio, pass

O cia, hanggang dito na lang muna! TC!

Sunday, September 13, 2020

Virtual Window Shopping

 Hello! Kamusta? nagdaan ang 9.9 at ako'y di nakaiwas na bumili ng anik-anik. at while andaming magagandang items sa lazads, shemps di ko naman mabibili ang lahat. Napabili lang ako ng ano ang trip ko.

And with this, medyo popost ko lang ang mga items na bet ko pero hindi ko mabili. hahahaha. Most ay mga chinese/japanese inspired get-up. Ewan ko ba, parang na-eentice ako sa mga ganong looks. hahahaha.

O cia, heto lang naman ay kinda storage lang ng mga items na gusto kong bilhin if ever na bilyonaryo ako. else, hanggang window shop muna.
















O cia, hanggang dito na lang, nilagyan ko lang din naman ng laman tong blog kong tigang hahhahah. Always take care and be healthy guys.


Sunday, August 2, 2020

Travel Memoirs


Agosto na pala! Medj antulin ng araw na nasa balur ka lang at nag-aabang ng balita na tapos na ang covid ganap. Yung sana wala nang sakit na covid na nakakahawa o kaya naman sana ay may lunas na or bakuna para di ka tamaan ng sakit na ito.

Pero habang patuloy pa lamang sa pagdadasal na di tamaan ng sakit ang mga mahal natin sa buhay at mga kakilala, may mga bagay na napapaisip ka while on quarantine. Yung mga bagay na namimiss mo noong mga panahong normal pa ang ganaps.

Around 2 years after kong matanggap sa work nagsimula ang isa sa bagay na medyo nakahiligan ko, ang bumiyahe or sa ingles ay Travel... nuks.... Dahil dakilang kaladkarin ako, kapag may mag-aaya ng booking at byahe ay gorabels me para naman makapamasyal kung saan.

At dahil sa covid thingy, mukang ekis ang magbyahe sa panahong ito at pati sa mga susunod na buwan. At medyo party pooper ang ganap kasi yung nakalatag na plano for this year, poof, it became coco crunch.

Sa FB, kung saan madalas akong tambay ay sa memories na lang ako nakakakuha ng mga alaala ng aking byahe kaya naman naisipan ko na magsulat at magpost sa mga lugar na aking napuntahans.

Cebu


Isa ang Cebu sa una kong solo travel noon. Eto yung time na sobrang murakels ng plane tix due to seat sales at nakascore ako ng tix na worth 300 lang. So sariling attempt ng Itenerary at konting tanong tanong at help from a blogger friend na taga Cebu kaya naman naka-survive ako sa lugar na ito. 

Ang nakakamiss sa Ceu trip ay ang Whaleshark watching at swimming. Kakaibang experience for me na makalangoy ng side by side sa mga dambuhalang isda. Kakamiss din ang lechon sa lugar ng Cebu saka dried mangoes ganyans.

Ilocos


Sunod naman ang aking solo adventure sa northern luzon area, ang Ilocos. Eto naman yung biglaang byahe ko dahil kakaiba ang transition schedule ko sa work. 4 na Restday ang magkakadikit. Kaya ang ginawa ko ay nagwithraw ng agad ng pera, empake ng gamit at diretso sa bus station byaheng Ilocos.

Sa tulong ng isa din blogger friend na nag solo backpak sa ilocos, nakakuha ako ng phone number ng pedeng kontakin para sa matutuluyan at travel tricycle. So nag Ilocos Norte at Ilocos Sur Tour ako sa panahong ito.

Nakakamiss yung beach bumming sa pagudpod tapos kakain ka ng kornik ganyans tapos ikot-ikot sa Vigan na feeling mo nasa spanish time ka.

Davao


Dahil feel kong maging independent person sa pagbyahe kaya naman nakapag solo flight ako papunta sa Mindanao area which is Davao. Ang highlight ko sa byahe dito ay ang pagpunta ko sa Samal Island which is kinda secluded island na kokonti lang ang tao (during ng punta ko).

Payapa, tahimik, wala kang kakilala at lublob sa tubig lang at kain-kain ang ganap. Tapos kasama pa ang durian candy (nope, di ko triny yung fruit hahaha). Solb ako sa byaheng to.

Zamboanga


Last year, sumama ako sa byaheng Zamboanga with my friend at ang ganyang GF. Yes, 3rd wheel is life lols. So lumipad kami papuntang Mindanao area ulit at nagbeach sa Malamawi Island.

Kasa din sa byahe ang pagpunta sa Pink Beach na kilala ang Zamboanga at pati nadin ang pagdalaw namin sa Basilan. Payapa naman ang bagay-bagay ng magbyahe kami doons.

Batanes


At kasama sa listahan ang Breathtaking Batanes na talagang superb sa ganda para sa akin. Walang katulad yung scenery. Yung mapapa-woooooow ka talaga sa makikita ng iyong mga mata.

Eto ang lugar na walang krimen at talaga namang napaka-payapa ng lugar na ito. Kung pede lang talagang mag over-over-overstay dito noon o kaya dito manirahan, ginawa ko na. hahahahaha.

Shemps may iba din na place na nakakamiss tulad sa....

Siquijor

 Masbate

Leyte

Sagada

Coron

 Boracay

Siargao

Bohol

Iloilo

Bicol

Oh sya, hanggang dito na lang muna for Local Travels. Nektaym naman yung sa labas ng bansa.

Take Care!