Hello! Its been more than a year na pala last na nag update ako ng blog kong ito. Daming naganap for 2024 and ewan ko, sumabay na di na din ako gaanong sinisipag magkwento at magsalitype kaya napabayaan ko tong blog house. But let me put some update kung anong mga ganap sa akin, unless nakikita nio mga anik-anik ko sa tiktok. lols
Babala, asawa ni babalu.... medyomahaba at text heavy tong post na ito, and im using this to dump some feelings na di ko makwento ng harapan even to friends and kakilala.
Dec 2023
Nag christmas pa kami sa Binangonan kasama ang mudrakels at family sa mother side. Though deds na ang pudraks, life goes on.
Then for new year, nagbook ang sister ko ng accom sa hotel para doon mag celebrate ng new year. A little less lonely start for new year,
January 2024
Things suddenly changes ng first half of the month ay nabalitaan namin na may sakit ang mudrakels and need ng checkups. Tas sinugod na sha sa hosp dahil sa pananakit ng tyan. Then nagtuloytuloy na, nilipat namin sha from Medcity to a different public hospital. Inoperahan sha but after 24 hours, she perished. Sakit na makita yung paghihingalo nia at non responsive after operation at nagfail na mga organs nia. Its fuckin hard to say goodbye.
Masakit kasi 3 months lang pagitan nila ng pagkamatay ng pudraks tas sha naman ang nawala. Naulila na ang self. Pasok Ate Celine Dion, All by myself........
another plot twist, 7 days after madeds ang mudraks, ang uncle ko naman ang namatay. kaya nagpunta kami ng mindoro para ibyahe sha from Pasig to Mindoro.
February 2024
Araw ng mga puso pero ang puso ko'y broken from what happened. Aside sa pag moveon at need magtrabaho, somehow i ended up nakikitulog sa bahay ng ate ko kasi sinasabihan nia me na wag na mag stay sa Binangonan since its somehow cursed. Imagine 2 kaagad nawala sa nakatira doon.
On sometimes, doon padin ako natutulog mag-isa sa Binangonan pero nag inform na kami sa owner ng nirerentahang bahay na lilipat na ako by march. Buti medyo matino naman kausap yung may ari.
February is tila more on ligpit moment for me. Ligpit ngg mga gamit ko, saka ligpit ng gamit ng mga nadeds na magulang. We decided na ipadala muna ang mga gamit nila sa probinsya dahil bawal pa daw mag dispose hanggang di pa nag 1 year after mamatay.
You know, apakasakit kuya eddie na magtiklop ng mga gamit ng magulang. May times na naiiyak ako pero need maging strong.
Kapagod din kasi andaming mga bagay na for disposals, for transfer sa province and such. Buti na lang medyo mabait pa yung pinagtrabahuhan ng mudraks at napahiram kami ng pickup truck para maiuwi namin ang mga gamit namin from Binangonan to Pangasinan. Nagbigay lang ng panggas, pangkain sa driver at somehow pang-abot sa nagpagod mag hatid ng gamit.
Nag 40 days din pala kami, umuwi kami sa probinsha at naghanda at padasal para sa 40 days.
March 2024
Dahil to situation, since namatay ang mudraks ko at pudraks ng insan ko, yung kapatid nia ay umuwi na ng province para may kasama kanyang mama. At napagkasunduan na lang na mag-co-share na lang kami sa apartment nila since gusto nia mag work here sa Pasig.
This is the time na i said goodbye sa bahay na nilipatan sa Binangonan at balik Pasig si self. Medyo okay na din kasi familiar yung place for me since super near sha sa dati naming bahay way back 2009 ondoy days.
Since bagong lipat, medj adjustment onti, wala na magluluto for me at karinderya moments na. Tuloy na ang buhay at workwork mode nadin. Angkas moments na lang pag papasok ganyan.
At times sa condo me tumutuloy kasi di pa tapos yung 1 year contract namin doon sa condo-share with some ka-office.
April 2024
Umuwi ng province ang insan ko kasi holy week kaya ako lang naiwan sa apartment. And this is the time na nagsimula na ang pokpok era ni self. Hahahahaah. install hookup apps, at invite sa place to make kembot hahahahahahaha. sana di walang makabasa hahahahah.
Nag-Cebu din me ng mga time nito with some old workmates to somehow chill lang and to unwind and get things off my mind. Hirap din naman kasi magproceed with what have happend, first half palang.
May 2024
This round, isang grandmother sa mother side ang nategibels. So uwi nanaman kami sa probinsya to make lamay. This time naman, start na ang mga family drama, like kasi yung kinatitirikan ng bahay ng lola na iyon ay technically sa lupa ng immediate lola ko at pinatira lang sha doon noong nabyuda. Kaso now, may anak-anakan yung nadeds na lola at yun naman ang tumitira sa bahay kasama pamilya ng nabuntis nya, so ang guloooooo.
Aside pa sa luma problems kasi may mga kamag anakan na nangunguha na at nagtatayo na ng mga bakod sa lupa na dapat di naman nila papakealamanan. apaka headache.
Nagsummer outing naman sa company namin, nalimutan ko na saang resort puta ahahahahahahahaha. just another day na lang na bumiyahe somewhere para mag pool at mag beach. nawawala na ang spark at magic for me ng office ganaps. ahahahahahahaha.
June 2024
Nakapag toycon pa ako sa MOA. Hahaha. Dahil tamad na me mag commute kineso, aba, nag moveit from pasig to MOA, ansakit sa pwet ng mahabang byahe. hahaha. Ang gastos ko na lang dito is more on the tshirts na lagi kong binibili from the artist na nagjojoin lang sa events na ganto.
July 2024
May bagyong pumasok sa pinas na nalimutan ko na ang name coz, wala na shang impact, manhid na sa ganap si self hahahahahaha. Pero bumaha dito sa area namin at 1 day na stuck sa bahay na walang foods hahahahahahahaha.
Nagkaroon din ng slight catchup sa relative on fatherside kaya nag staycation somehow sa eastwood.
Eto din pala ang time na nakanood muli ng peliks sa sinehan, yung Deadpool and Wolverine. After ng bagyo, sumugod sa mall para manood. Goods naman. After seems like forever, may magandang peliks.
August 2024
Ghost month, walang super duper ganap.
Alam ko may nakalandian lang at slight, mga movie date ng unhappy for you ganyans at some coffee.
September 2024
1 year after, nag death anniv na ang pudrakels. Together with some relatives, nagpadasal na lang kami sa padre Pio sa Libis at kumain sa buffet ng Cabalen.
Naganap sa buwan na ito ang TechCamp sa office. So nakapag check-in sa hotel for a day at nag swimmingpool ganyans.
October 2024
Birthday month. Alam ko lang nag samgyup na lang kami for my birthday, other than that, parang wala na ako marecall.
Nag hotpot naman with Letran folks, after super long years, catching up with college friends.
Ay may nagparamdam pala na someone na wants to get to know me daw tas checkin, well, rupok so go, hahahahahaha, tanginang pers taym mag 24 hours sa motmot. appacaweird na experience.
November 2024
Undas, Bumiyahe kami pauwi ng probinsya. Nakakapanibago. Dati pag undas, ang parentals ang bumabyahe papuntang Pangasinan, ngayon, sila na ang dinadalaw doon. Ansakit padin.
Sa work, medyo nabusy sa mga work ganap na nakakalunods hahahaha. puro deadlines and tasks. Tas may one day na parang meeting and team buildingish.
Dito nainvite ko na si october kalandian sa apartment for overnight. First time na di puslit at kita pa ng insan ko pero deadma lang. Somehow, nahulog ata ako sa mga firsts experiences and such hahahahaha. tangina. Ikwento ko next time pag handa na ako mag salitype about love.
December 2024
Nakakatamad na magwork dahil holiday season na, tas pag weekend dadalaw si October landian. Pero after second half ng december, after ng magkasakit sha ng lagnat, inalagaan , nanlamig na. pota hahaha. sa next wento detalye if ever.
Pasko, nagcheck-in na lang sa isang hotel sa libis kasama mga fambam sa fatherside.
Tas nagkaubo na si self, at pagdating ng bagong taon, ayun, inuubo padin. Sa balur ng sister ko kami nag celeb new year.
January 2025
Happy New Year.... o happy nga ba?
May ubo padin kaya nagpadoktor na at naka antibiotics.
Tas si October kalandian, ayun, umamin na may partner na at nagmonthsary last Jan3, shocker.
Tas paparating na death anniv ng mom ko sa darating na weekend.
Daming naganap. Andaming tumatakbo sa isip kaya ngayon napatype ako sa blog na ito.
Once ready ko na harapin, share ko yung totga lols.
O cia, hanggang dito na lang muna. alam ko naman wala nagbabasa dito so safe haven ko to.
TC guys!
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???