Thursday, September 30, 2021

Khanto's Shenanigan Update


Konichiwazap! Oha! 11 months na ang nagdaan bago ako ulit nakadaan sa bloghouse na ito! Antagal na din pala! Imagine, pabukasbukas lang ako minsan ng blogpage na to pero wala naman ako machika or masulat. Pero since medj tinatamad me sa ganap-ganap in life, at nais ko naman magsalitype at magkukukuda ng anikanik kahit wala naman masyadong nagbabasa sa inaagiw na blog na to, kaya heto me, balak lagyan ng content ito.

Very random updates lang naman ichichika ko na ganap-ganap from the last time nagsulat ako dito. You know, pang laman blog lang para di sha maagaw ng mga spam thingy na nang-aagaw ng blog na napabayaans. Like some blogs ng mga dating kakilala na nahijack ng wierd post thingy na ewans.

Di ko na masyadong idedetalye mga anikanik pero i will try to make wento on majority of items.

1. Hindi pa din tayo nakakaalis sa quarantine thingy natin dahil sa Covidubidapdap. Malapit na mag 2 years nextyear ng march!

2. Series na natapos ng November: I'm Tee, Me too tas sinundan ng Tonhon Chonlatee.

3. December last year, first christmas party ng opis na virtual. You know the feeling, awkward.

4. Yeah, i made sali sa mga games at paganap sa opis for the sake of possible kaperahan via gcash ganyans.

5. Infairview, medj kumita ako sa pagpatola ko, naka 3k+ din ata ako doon. Kahit lotlot sa raffle kineso.

6. For christmas and new year, sa balur lang. May order lang ng foodang online via my sisteret.

7. Around january-february, sa work, medj pressured na maka-comeup ng project kineso for the immersion thingy.

8. 3 sa mga kasama sa immersion kineme, lilipat na ng department. Yung feeling na napag-iiwanan ka nanaman.

9. I think eto naman yung time na napanood ko yung series na 'Cherry Magic' from japan.

10. Then also time na next series ng GMMTV ay 'A tale of a Thousand Stars' na one of the best kaso medj short ng ilang episode compared sa usual na 12 or 14 or 16 episodes.

11. Majority ng mga teammate ko, isa-isa na nagreresignan.

12. Tapos yung mga newbies na napadpad sa team, ayun, isa-isa din natsutsugi at nagreresign.

13. Yung isang bagets na gusto naman magstay, nadali ng exam kinemeru kaya di sha naging regular.

14. Alam mo yung feeling na papadating ka palang sa point na mag slowly open up at mag waarm up sa new team members pero poof, wala na sila.

15. Tas magugulat ka na lang sa emails na makikita mo na si ganito resigned na, si ganyan, resigned na din.

16. Parang ako lang somehow ang todo kapit and holding on na ewan.

17. Napabili me ng thai snacks dahil sa thai series lols.

18. Then napanood ng Fish in the Sky series.

19. Nagdownload ng mga streaming apps sa phone dahil may mga series na di mapapanood sa YT or netflix.

20. Another fellow immersion ang nagresign. Dadalawa na lang kami naiwan.

21. Sa work, medj nagiging all-around kinemer, Partial L3 tasks, partial L2 Tasks, partial TL tasks in terms of handling team members.

22. May re-arrange ng product na naka-assign, and i'm handling minor products. 

23. Sometime in summer, may naka-match sa isang dating app.

24. yung medj tumagal sa 24 hours yung usap at di agad nawalang parang bula.

25. Pero things are too good to be true. hahaha wala, nawala din.

26. May ganap kasi sha na di ko bet. Mga gold mining kineme online na parang budol at scam chuchu sa gut feel.

27. It's a good memory na di naman naglast. hays. 0 lablayp padin si ako.

28. Some days ng summer ko ay nagamit ko in terms of sandamukal na laboratory testing chuchu.

29. Chika ko lang na sometime in sept-oct 2020, nadiagnose ako na may Hypothyroidism. 

30. Pano nalaman, via test. Dahil napansin ng isang doctor na pawisin ako kahit di ako nagkikilos much.

31. So every 3 months, nag oonline schedule ako to consult an Endocrinologist.

32. During one consultation, base sa reading, may napansin naman sa blood thingy ko.

33. So gamit na gamit ang medicard ko papaconsult at papa-approve ng tests.

34. And turns out, may blood chuchu ako na AlphaThalassemia.

35. Blood condition sha na di naman fatal pero makakaapekto daw to sa possible baby ko if ever na ang magiging asawa ko ay may alphathalassemia din.

36. Medj safe, wala ngang nagiging lablayp, magka-baby pa kaya hahahahah.

37. Kaka-online shopping, may mga orders ako na di ko naman nasusoot kasi taong bahay lang me.

38. Nakabili ako ng power rangers na jacket, red, blue, green at black haahahah.

39. May mga polo din ako na japanese style ang peg pero nakatago lang.

40. May mga nabili din akong swimming shorts na nakatabi kasi like hello, walang gala talaga ever since this putanginang pandemic.

41. Sa netflix, may mga series akong triny ulitin due to boredom.

42. At namarathon ko din ang Rupauls Drag Race dahil walang mapanoods.

43. Some anime here and there pero bored kaya walang masyadong ginagawa pag weekends.

44. Medj nag Genshin Impact ako sa PS4 pero di nagtagal, mga ilang buwan lang tas wala na spark.

45. May mga games akong ni-order via lazada for ps4 at switch pero di ko natapos.

46. Andyan ang JumpForce, Disgaea 1 and 4, One Piece Pirate Warrior 4 etc.

47. Dumaan ang Minion sa Mcdo happy meal, at nakolekta ko naman lahat hahahahah.

48. Dumaan din ang Space Jam at nabili din saka yung Jollibee toys.

49. Nagsummer outing ulit na virtual.

50. Patola padin sa contest na kayang salihan, at nanalo naman.

51. Pero bwakingina, hanggang ngayon wala pa yung premyo, july pa yun hahahahah.

52. Sirain yung computer ko for work, so naging backup machine ko etong mac na nabili ko noon waywayback 2016 pa ata.

53. Yung dumaan ka sa point na gusto mo na sumuko. burn out thingy ata yun.

54. Yung moment na arang wala ka na tiwala sa skills mo. Yung parang kwinekwestion mo ang iyong capabilities.

55. May news thingy na magreresign yung isang ka-close sa opis. Pero hanggang ngayon di ko sure kung chika minute lang or fake news.

56. Around May this year, i started visiting the dentist dahil sa isang pananakit ng ipin.

57. Then somehow naging almost every 2 weeks kasi madaming sira sa ngipin sa tagal na wala akong bisita sa dentista.

58. Yung andaming ngipin ang pinastahan. Tas sa medj dami ng sira at bad condition ng ipin, need to have cleaning ng quarterly.

59. Then i decided na mag undergo sa possible brace process.

60. Before that, medj gumastos sa xray ng ipin saka dental cast chuchu. 

61. Mostly some weekly gastos ko is sa maintenance ko saka sa pagpapadentista.

62. Di padin nagbabayad yung mga taong may utang sa akin. Yung mga nangakong babayaran sa sweldo pero shuta, years naaaaaa.

63. Yung mga friends mo sa HS na unti-unting nasa abroad na. Medj nakaka-lonely.

64. Lumabas na ang ilan sa mga films like wonderwoman at black widow pero ni isa wala akong napanood.

65. miss ko na manood sa sinehan, yung big screen talaga.

66. May slightly kachikahan ako sa jopis na somehow brings konting joy on work. hahaha drama.

67. Merong new task na na-assign sa akin, make bantay ng googled words sa website namin and make provide suggestion on what article to create.

68. Yes, pinatos ko na yung task, kasi syang ang chance. Somehow it makes me may silbi pa kahit paano.

69. Downside, minsan, i work sa weekend/restday para sa article kasi di pumapasok ang idea while nasa work.

70. May isang schoolmate sa college na dating ex-teammate ang nabalitaang namatay.

71. Sad news, kasi may bagets na naiwan sha. And nakakasad na poof, wala na sha.

72. Speaking of death, isang pinsan ko ang nawala saka isang close relative (uncle in a way). At dahil sa covid at takot, di man lang makaattend ng lamay o nakadalaw.

73. Namatay din lola ko sa father side last summer. 

74. Worst scenario, di ka makadalaw kasi sa bicol sha tapos sa medj workaholic kinda, di naman ako nakapag file ng leave. medj nakakachoke ang ganap.

75. Medj dumadami ang kakilala and friends na nagkasakit ng covid.

76. Tas isang officemate ang namatay dahil sa covid.

77. Bakunado na pala ako. Sinovac. Yun ang avail sa pasig e.

78. Di ko na masyadong nahintay yung sa opis kasi ang shogal.

79. Wala naman side effect much, bumigat lang braso ko ng slight.

80. Suddenly may nag-add na relative sa akin sa FB. ang kasunod, mangungutang.

81. Like magmamakaawa with sending pic ng junakis na wala na daw panggatas at pambili bigas.

82. So tumulong ka at nagpadala ng cash, then after a week, same dramarama.

83. Ang nakakaqiqil, pati ibang kamag-anakan, medj sunodsunod na magmemessage sa fb, same style, nagmamakaawa, tulong, pambili bigas, kahit 1k lang daw.

84. Nakakaqiqil, gagawa-gawa sila ng pamilya, kekembot ang magkakajunakis tas aasa sa pangungulit ng kamag-anak.

85. What's worse? binigyan na pala sila at pinadalan ng pera ng pudraks kasi nag message din sila sa aking parentals. like alpha kapal muks!

86. Medj nagkaroon ng kinda opening sa opis. 2 kaming candidate sa pwesto at dumaan sa interview.

87. Go fight ang peg kahit alam ko na nasa 15-20 percent probability ng win rate ko.

88. Paano ko nasabi? observation, self-assessment, reality check, compute ng probability ganyans.

89. And i was right, di ako natanggap. Pero may pakunswelo, under observation ako for improvement chuchu sa sinabi kong weaknessess ko sa interview.

90. So, heto, make laban padin at bibilang ng ilang months sa walang kasigaraduhan. Bahala na, fight na lungs!

91. Next na pagkakagastusan ko ata after nitong possible braces ay pagpapatanggal ng skin tags.

92. Bumili pala ako ng blind bag chuchu ng starbox, sa halagang 1500, worth 3k items. Pero di ko bet yung nakuha kong tumbler. Sa Bearista lang ako nasiyahan.

93. DUmaan pala ang popularity ng pokemon unite, pero after 1 month, wala na ding spark. 

94. Balak ko bumili ng pre-order ng pokemon remake ng diamon and pearl.

95. Kumuha pala ako ng insurance sa sun aside pa sa nauna kong manulife dati.

96. Nag-open din ako account sa eastwest bank saka nakakuha ako credit card sa robinsons bank pero di pa activated lols. 

97. Bumili din ako ng funko soda na toy ng jollibee, la lang, share ko lang.

98. Gusto ko na bumiyahe, mag beach at mamasyal sa pinas or sa ibang bansa.

99. may politics chuchu sana me pero ekis. hahahaha wag na lang.

100. Sana matapos na ang covid at bumalik na sa normal ang lahat.

Naks, naka 100 items ako na for shure pachepacheng sentences lang naman ng kaganapans in the past 11 months. Can't wait na pede na lumabas at makipag meet with friends.

O cia, hanggang dito na lang muna, TC. 


0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???