Thursday, November 26, 2009

Sa kanya!



Sa kanya pa rin,isang pamagat ng palabas ngayon sa channel 2. Ito ay ang mini-serye na kung saan pinagbibidahan nila Roxanne Guinoo at Jake Cuenca. Ito ay isang kuwento tungkol sa dalawang tao na maagang namulat sa makamundong bagay at di inaasahang nabuntis ang babae. Ang dalawang pusong nagmamahal ay humingi ng basbas upang magpakasal. Naging maselan ang pinagdadalang tao ng babae at naging kritikal ang kalagayan. Pinili ng lalaki na iligtas ang asawa at ang nangyari ay nagalit ang babae at nagpasyang mangibang bansa upang makalimot sa sakit ng pagkawala ng anak. Makalipas ang isang taon, nagbalik ang babae ngunit may bagong nobyo. Dahil mahal ng lalaki ang asawa, tinupad ang kagustuhan na ipawalang-bisa ang kasal. Nakasal sa bagong asawa ang babae at ang lalaki ay nakatagpo ng taong magmamahal sa kanya. Katulad ng tipical na takbo ng kwento ay nagselos ang unang asawa at nais makipagbalikan. Ang katapusan, hindi ko alam dahil ang kwentong ito ay di pa tapos at sa commercial ko lang nakikita.

Para sa akin, ang kuwento ng istorya ay napaka-hangal. Di ba nakakainis para sa lalaki na nagmahal sya ng sobra sa babae subalit sa maling desisyon ay naiwan sya at humanap ng iba. Marahil mapagbiro lang ang tadhana. Marahil din ay pagsubok sa tao ang pinagdaanan nila. Alam ko naman na  di ito tunay na kuwento ng buhay subalit may posibilidad na nangyari na ito sa isng tao.

Sa kuwentong ganto, di ko alam kung ang pagmamahal ay isang magandang bagay o maaaring magdulot lang ng sakit at kirot. Sa palagay ninyo?

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???